18

999 74 10
                                    


"I want the papers to be signed tomorrow afternoon. I won't be able to attend the meeting," utos ni Margo. Ibinigay niya ang mga pipirmahan sa sekretarya.

"It will be done, Miss Sinclair." Tugon ni Diana, ngumiti ang may edad na sekretarya at umalis sa opisina ni Margo.

Abala na naman ulit si Margo sa pagtatrabaho hanggang sa natapos at binitawan ang ballpen na hawak. Saglit siyang napabuntong hininga, napagdesisyunan pumunta sa pinto ngunit biglang bumukas at isang napakagandang babae ang iniluwa sa harap niya.

"Should you knock first?" walang emosyong tanong nito at hindi man lang nagulat. Walang pasintabi na pumasok si Ophelia at inirapan lang si Margo. "I can do whatever I like, Sinclair." Kaswal na tugon nito, hinarangan pa ang daraanan ni Margo.

"Get out of my way, Ophelia."

"Make me." Mapanghamon turan nito, nilapitan pa si Margo at hinalikan ang pisngi.

"You're so beautiful," bulong ni Ophelia. Siniil ng halik at ginalugad ng dila ang napakalambot na bibig ni Margo.

Bigla siyang isinalya ni Margo sa pinto, itinaas ni Ophelia ang kamay at bago pa dumapo sa pisngi ni Margo ay naunahan na siya nito. "Oh...fuck! Sinclair!" Tumatawang saad ni Ophelia, napabaling pa ang ulo sa lakas ng sampal at nagulo ang buhok. Hinatak niya ang ulo ni Margo at siniil ulit ng halik. Sadiyang gustong manakit ni Ophelia tuwing umiinit ang kaniyang pakiramdam, maituturing na sadomasochist ito, mahilig manakit at masaktan.

"Fuck you, Sinclair. I want to hit you so hard!" Banta ni Ophelia habang yakap si Margo nang mahigpit at dinidilaan ang leeg. Mas naging mainit na ang mga tagpo. Tinangka ulit nito ngunit mas mabilis si Margo sumampal.

Hanggang sa may dugong lumabas sa mapupulang labi ni Ophelia, mas ginanahan sa sampal at gigil na sinunggaban ng halik si Margo habang nakasandal sa pinto.

"You deserved to be punished," bulong ni Margo sa kaniya. "Now...get out," utos nito.

Ngumiti si Ophelia at pilyang dinilaan ang pisngi nito. "Until then Sinclair." Bulong niya sa tainga at lumabas na ng pinto.

Walang emosyon ang makikita sa mukha ni Margo, bumalik siya kinauupuan at pinirmahan ang mga papeles.

++++

Sa loob ng Penthouse, binuklat ni Aveline ang isang pahina ng librong kanyang binabasa. Nabasa niya ang isang napakagandang tula na humahaplos sa kanyang puso, na lalo pang nagpaalala sa kanya kay Margo. Napatingin siya sa mesa kung saan nakahanda na ang hapunan, pinagluto niya ng paboritong ulam ni Margo. Bumuntonghininga siya at naalala ang kanilang usapan.

"Laro tayo Margo."

"What game?"

"Twenty one questions. Salitan tayo ng tanong."

"It's a child's game, Aveline."

"Sige na...mauna ako hah."

"Fine."

"Ano ang paborito mong ulam?"

"I like Filipino foods. Especially kare-kare."

"Talaga? Ang dami mo palang favorite foods, Margo."

"Yes."

Mapait na lang siyang napangiti sa naalala. Iniisip ni Aveline kung maaga bang uuwi si Margo. Gusto man niyang umiwas sa penthouse, hindi pa niya kayang iwasan si Margo.

Ano nga ba pinaglalaban niya? Sa simula pa lang ay talo na siya. Bakit pa pinagsisiksikan ang sarili kay Margo? Tuluyan na siyang nanliit sa sarili, wala siyang maipagmamalaki. Masiyadong masakit ang katotohanan.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon