57

728 56 24
                                    


"My other properties will be given to the charities I had chosen, I already signed the papers, Attorney Del Mundo. Lahat ng kakailanganin ay naihanda ko na," pahayag ni Margo sa kaniyang kausap sa telepono.

"Isn't it too early? Miss Sinclair? Aalis ka ba ng bansa?" nagtatakang tanong ng abogado, hindi niya maiwasan mag-usisa dahil pinapahanda na ni Margo ang kaniyang last will and testament.

"We will never know what will happen, Attorney...we need to be prepared. I want it to fix as soon as possible," mariing utos ni Margo.

"Masusunod po, Miss Sinclair,"

"Goodbye...I'll call you again."

"Huwag po kayo mag-aalala, maayos po agad, Miss Sinclair," panatag na tugon ni Attorney Del Mundo.

Pinutol na ni Margo ang tawag, ipinatong ang telepono sa ibabaw ng upuan, napasandal habang matiwasay naman umaandar ang kotse at abala ang driver sa pagmamaneho. Itinuon ni Margo ang kaniyang paningin sa labas ng bintana, nakikita niya ang mga batang naglalako ng mga sampaguita, mga estudyanteng naghihintay ng dyip, at mangilan-ngilang tindero na naglalako ng paninda.

Ilang kilometro pa ang tinahak ng kotse, nagbago na rin ang paligid. Mula sa magulo, maingay at mataong lungsod ay naging maaliwalas ang kalsada na nakikitaan ng mga punong kahoy sa paligid, natatanaw sa kalayuan ang kahabaan ng lawa at may mga hanay ng upuan malapit sa napakatahimik na tanawin.

"Pull over, near the park," utos ni Margo sa nagmamaneho. Iginala ng drayber ang kaniyang paningin para maghanap ng mapaghihintuan, hindi naman ito nabigo dahil malawak ang parke at piniling huminto malapit sa hanay ng bench.

"Miss Sinclair, hihintayin ko po kayo, tawagin niyo na lang po ako," magalang na pahayag ng drayber. Tumango lang si Margo bilang tugon at tahimik na lumabas sa kotse.

Sinalubong siya ng araw na sumasasalamin sa lawa, ang hangin ay hinaplos ang kaniyang cashmere blue jacket na nakapatong sa kaniyang puting t-shirt, inayos niya ang gusot sa itim na pantalon at pinagpagan ang suwelas ng asul na sneakers.

Naglakad lakad muna si Margo, itinuon ang mga mata sa ganda ng lawa na pinapalibutan ng mga ibon, mga turistang nakasakay sa bangka na hugis pato, at may mga nagsasagwan habang nagtatapon ng pagkain sa makukulay na isda o koi fishes.

Napakaganda ng parke, napapalibutan ng bermudang damo, mga puno, iba't ibang klase ng bulaklak tulad ng gumamela, jasmine at bougainvillea na katabi ng topiaries o halamang hinulma, may maliliit na tindahan ng pagkain at may mga batang naglalaro ng bisikleta at saranggola.

Napagpasiyahan ni Margo na umupo sa bench na natatanaw ang mapayapang lawa, hinawi niya ang kaniyang buhok sa pag-ihip ng hangin, hindi niya pinansin ang matandang lalaking nakaupo. Sinandal ni Margo ang kaniyang likod sa upuan, hinayaang haplusin ng hangin ang kaniyang mukha at ihimlay ang mga mata sa tanawin.

"Possible kaya? Maari kaya mahalin niya si Tally?" Sambit ng matandang lalaki na nakatingin sa hawak na libro. Napalingon si Margo sa kaniyang katabi, sinisiguro kung may kausap na iba o siya nga talaga ang kinakausap ng matanda.

"Pasensiya ka na...iha nadala lang ako sa binabasa ko," banayad na paumanhin ng matanda. Nang maaninag ang berdeng mata ni Margo, saglit na gumuhit ang pagkamangha, "I'm...sorry-"

"It's okey. Nagsasalita ako ng tagalog," pagputol ni Margo sa sasabihin nito.

Marahang tumawa ang lalaki. "Nag-iisip na ako ng sasabihin sa english."

"Ano po ba binabasa niyo?" hindi maiwasan ni Margo ang magtanong.

"The Lake, si Ray Bradbury ang sumulat. Ilang beses ko na itong binabasa tuwing pinagmamasdan ko ang lawa," tugon nito.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon