25

909 72 22
                                    

Bumukas ang pinto, at maririnig ang ingay ng gulong ng stretcher. Ang mga yabag ng mga sapatos ay nagmamadali, umaalingawngaw sa isang laban. Hinahabol ang oras; bawat segundo, bawat minutong paglipas, may isang buhay na maaaring mawala.

"Anong nangyari?!" bungad ng doktor habang nakatingin sa duguang babae na nakahiga sa stretcher. Sabay-sabay nilang tinutulak ito papunta sa emergency room. Inilawan ng doktor ang mga mata nito at tinitigan. "Give me the assessment!" agarang utos nito.

Nabalot ng tensyon ang buong paligid sa nag-aagaw buhay na babae.

"Blunt force trauma to the head, chest, and abdomen!" Maagap sa pagbigay ng impormasyon ang lalaking nurse habang abalang kinakabit ang plastic tube na paglalagyan ng gamot. "Persistent hypotension after two units of saline!" Iba't ibang sigaw ang naririnig sa loob ng emergency room. Lahat ay abala, lahat naghahabol ng oras, lahat nakikipaglaban.

May humawak sa pulso ni Aveline, dinama ang pintig at binilang ang bawat tibok. "Pulse is thready at 130!" Mahinang tinapik ng doktor ang balikat ni Aveline. "Miss! Miss, naririnig mo ba ako? Ano ang pangalan mo?" Sinusuri nito kung naririnig pa ni Aveline ang nasa paligid. Isang mababaw na paghinga ang tumugon sa doktor.

Tumunog ang monitor, kinabitan ang katawan ni Aveline ng mga wires mula sa makina para malaman agad ang resulta.

"Positive loss of consciousness at the scene. Possible bleeding of the brain!" Nakapwesto na ang lalaking doktor malapit sa ulo ni Aveline. "I need some 4x4s to control the bleeding on the scalp." Nakasuot na ito ng guwantes, at inabot ng nurse ang hininging gamit. Tiningnan ulit ang sugat ni Aveline. "Probably multiple fractures! She is bleeding in her chest!"

Inutusan agad ng doktor ang nurse. "Hang 2 units of blood in the infuser!" Pinunit nila ang damit ni Aveline, ginupit, pinunasan ang nagkalat na dugo, at inampat ang umaagos na dugo.

"I need four units of blood!" Sigaw na utos ng doktor, agad naman tumalima ang nakarinig at kumuha ng mga pakete ng dugo. Biglang narinig ang mahabang tunog, lahat napatingin sa monitor at naalarma sa nakita. Bumababa ang mga linya, hudyat ng panganib.

"Doctor Gomez!! Hypotensive and tachycardiac!" may narinig ulit na sigaw.

Maraming nawalang dugo at bumabagsak ang pintig ng puso ni Aveline.

"Kailangan na natin magmadali!" pahayag ng lalaking doktor.

"Tawagin niyo na ang surgery!" sumigaw ang babaeng doktor, at malapit nang mangyari ang kinatatakutan. "I'm not getting a pulse!!"

"Rose! Start the C.P.R.!" utos ng doktor sa isang intern.

Agad na tumalima ang inutusan at idiniin ang dalawang palad sa gitnang dibdib ni Aveline. Lumangitngit ang higaan sa pagdiin ng mga kamay. Takot, pangamba, at panganib ang mga namumuong tensyon sa paligid. "Hindi ka pa mamamatay, hindi ka mamamatay," paulit-ulit na bulong ni Rose habang pinagpapatuloy ang CPR. "Try to hold still," pakiusap niya.

"Just breathe," mahinang bulong ni Rose habang patuloy na itinutulak ang kanyang mga palad. May mga pawis na nabuo sa kanyang noo, isang butil ng pawis ang dahan-dahang dumausdos at bumagsak sa pisngi ni Aveline. Pansamantalang umangat ang linya sa monitor, at tinanggal ni Rose ang kanyang mga kamay na nakadiin kay Aveline.

"SAT's are dropping!" sigaw ng kanyang kasamahan, at napapitlag si Rose sa narinig.

"Doctor! SAT's is at 80!"

Patuloy na pagbagsak ng oxygen level sa dugo. Narinig na naman ang ingay ng monitor. Kailangan ng supplemental oxygen si Aveline dahil sa patuloy na pagbagsak ng kanyang oxygen saturation. Isang problema na naman ang nadiskubre, may nabuong hangin sa baga ni Aveline.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon