31

938 83 26
                                    


"You have a nice place here." Pahayag ni Margo  habang inilapag ng driver ang mga gamit ni Aveline, nagpaalam na rin ang driver na maghihintay sa loob ng kotse.

"Huh?" Namamangha si Aveline, nakatingin pa sa loob ng bahay, hindi makapaniwala sa nakikita.

Sinamahan siya ni Margo pagkatapos maayos ang bahay. Buong akala niya ay ihahatid lang ang gamit na napanalunan ngunit hindi lang mga gamit ang nakaayos dahil ang mga dingding ay napinturahan din. May mga nakalagay na appliances, lahat kumpleto sa gamit, ang kabinet sa kusina ay may mga pagkain pati na rin ang loob ng ref.

Ang hardin ng bahay ay napakaganda rin, dinisenyo gaya ng parke, may mga isdang lumalangoy sa pond at nilagyan ng fountain sa hardin.

Nakatulala pa rin si Aveline, mistulang bata na naligaw, namamangha sa kaniyang nakikita at ilang beses napalunok.

"Can I use your bathroom?" Paalam ni Margo, hinawakan niya ang baba at isinara ang nakaawang na bibig ni Aveline.

Bumalik na ang ulirat nito at pilit inaalala kung saang banda ang banyo. "Nasa dulo yata ang ban--" naputol na lang ang sasabihin ni Aveline dahil nakaalis na si Margo.

Iginala ulit ni Aveline ang kaniyang paningin. Pumunta siya sa kwarto at tiningnan ang loob, mas lalo pa nagulat sa nakita, kumpleto sa lahat ng gamit, nakaayos na rin ang kama at maging sa banyo ay may nakalagay na shampoo at sabon

Hindi mapalis ang ngiti sa kaniyang mukha nang pumunta sa sala si Aveline, nakaupo na si Margo sa sofa at nagpapahinga.

"Margo, dito ka na magdinner? Ipagluluto kita. Huwag ka muna umalis," pakiusap ni Aveline.

"Do you like the house?" tanong ni Margo. Tumango si Aveline, hinawakan din ang magkabilang pisngi ni Margo.

"Gustong-gusto ko. Napakasaya ko." Buong pusong turan nito, makikita ang pagkislap ng tsokolateng mata sa nararamdamang saya.

"Do you need a maid?"

"Umiling si Aveline. "Ayoko...okey na ako dito."

"I'm glad you like it." Nakangiting sambit nito. Biglang naging mapanglaw ang mata ni Aveline, napansin agad ni Margo. "Something wrong?"

Bumuntonghinga si Aveline at umupo sa tabi. "Mamimiss ko maging unan mo." Sumandal siya sa balikat ni Margo. "Pwede ba samahan mo ako ngayon? Tabihan mo ako matulog," pakiusap ni Aveline. Nasanay siya na laging nasa tabi si Margo.

"Do monsters scares you?" Nakangiting pahayag ni Margo.

"Ginagawa mo naman akong bata." Bulong nito sabay napakagat labi si Aveline, nalalanghap niya rin ang bango nito, nakakatukso na naman halikan si Margo. Napalunok si Aveline, niyakap na lang si Margo. "Pwede ba ako magtanong?" turan nito.

"What is it?" Pagtataka ni Margo, hinayaan niyang yakapin siya nito.

"May iba ka pa bang...a-ano kasi--"

"Ano yun? Aveline?"

Hinaplos ni Aveline ang buhok at bumulong. "May iba ka pa bang fuck buddy?" Hindi alam kung saan niya nakuha ang tanong ngunit nanaisin pa rin malaman kahit masasaktan ang kaniyang puso.

"I'm getting calls," walang anumang tugon ni Margo.

Sinilaban ng selos  si Aveline, bigla na lang hinalikan si Margo.

"What are you doing?" pagtatakang tanong ni Margo sa pagiging agresibo nito.

"Pwede ba tayo mag-sex?" nagmukhang nag-iimbita lang magkape si Aveline. Patuloy na hinahaplos ang kwelyo ni Margo.

"Do friends engage in sex?" Naaliw na tanong ni Margo, umangat pa ang gilid ng labi nito.

Kailanman ay hindi na siya inosente, isang pananaw na nabuo sa isipan ni Aveline. Bakit kailangan pa niya mahiya?  "Ayaw mo ba?" May halong pang-aakit at kaba ang sinambit ni Aveline.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon