"Bakit kasi ayaw mong magtuloy?"
Nandito kami sa coffee shop ng bestfriend ko, si Addie. Ilang taon na niya akong tinatanong at ilang taon na rin na parehas lang ang sagot ko.
"Hindi nga para sa akin ang med school." napabuntong-hininga ako bago sumimsim sa kape ko. Everything is so frustrating.
"Okay. Cheers na lang." pinag-untog ni Addie 'yung kape namin. Nandito na naman ako, naglalabas ng sama ng loob sa kaniya dahil graduation na namin bukas at walang balak na umattend 'yung mga magulang ko.
I held her hand. "Samahan mo ako bukas, ah."
"Gagong 'to. Malamang!" sigaw niya. Tumayo siya ng upuan at lumipat sa tabi ko bago ako yakapin. "Bubugbugin ko lahat ng mang-aaway sayo. Gusto mo?" tanong niya habang yakap-yakap pa rin ako.
"Gago!" natawa ako. I'm not that emotional but when it comes to my parents, I am so sensitive.
Noong nalaman ko ngang magshishift si Addie ay sobra akong nalungkot dahil lumipat pa siya ng school. Pakiramdam ko tuloy ay mag-isa na lang ako. Oo, nandoon 'yung tatlo pero iba kapag kasama ko si Addie. Pakiramdam ko talaga may kasama ako sa lahat.
I am currently studying Nursing in Numero Alpha University. Family of Doctors 'yung family namin that's why my parents are pushing me to continue med school but it's not for me. Tyinaga ko na nga 'yung 4 years sa college kahit hindi ko gusto 'yung program tapos dadagdag pa sila ng 5 years?
-
"Tomorrow is my graduation, Mommy and Daddy." I told my parents.
"Congrats," Mom said without looking at me.
"Congrats, Ate!" masayang bati sa akin ni Maureen. Napangiti kaagad ako. Tumayo siya sa upuan niya at niyakap ako bago ako halikan sa pisngi. My 7-year-old sister is the main reason why I want to go home everyday in this toxic house.
"Dad, Mom, hindi po ba kayo pupunta?" tanong ko habang nilalaro 'yung kutsara at tinidor.
"You're not a Magna Cum Laude, right? Bakit pa kami mag-aabalang pumunta? Besides, you won't go to med school. Hindi ka magiging doctor kagaya namin." sagot ni Mommy.
"Such a disappointment." bulong pa ni Daddy. I can feel the familiar ache in my heart whenever we talk about this. I shouldn't be this sensitive! Dapat sanay na ako sa kanila.
"Mommy, can I go to Ate's graduation?" tanong ni Maureen.
"No, you stay with yaya. That's not safe for you, baby." sagot ni Mommy. Napabuntong-hininga na lang ako.
-
"Addie, sumagot ka." bulong ko sa sarili ko habang naghihintay ako rito sa school. Wala pa sina Lian at Calynn at wala akong ibang kasama.
"Nat!" sigaw sa akin ni Lian. "Saan na sina Addie?"
"Ewan ko nga, eh. Wala pa naman akong ibang kasama." nakagat ko pa 'yung kuko ko dahil sa kaba.
"Anong wala? Nandito kami, oy." siniko niya pa ako. Nakakatuwa naman.
Dumating na rin si Calynn at maya-maya ay dumating na rin si Addie kaya nabuhayan ako.
"Congrats, hoy!" sigaw niya sa amin.
"Addie!" napayakap kaagad ako sa kaniya. "Tangina ka, akala ko 'di ka na darating." bulong ko.
"Pwede ba 'yon?" bulong din niya bago ako yakapin. Maya-maya lang din ay dumating na si Elly kaya nag-aya magpicture si Calynn. Nagdatingan na rin 'yung mga boyfriend nina Lian at Calynn.
One of the main reason kung bakit ayaw kong magboyfriend ay dahil gusto kong magfocus sa pag-aaral ko para maging proud sa akin 'yung parents ko. Unfortunately, hindi ako naging Magna Cum Laude kaya hindi sila proud. Kahit anong gawin ko, kulang pa rin.

YOU ARE READING
Always, In All Ways (Change Series #4)
RomanceNatalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She's never been in love in her entire life not until she met Karl Gio Xavier Vergara, a playboy law student. Unfortunately, Gio only wants to p...