Chapter 13

11.3K 339 119
                                    

"Gio, nandiyan ka na pala,"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita ko ang Daddy ni Gio. He's wearing a black dark blue tuxedo and a specs. May hawak siyang wine glass sa kanan na kamay niya. Hindi na ako nakapag-react sa sinabi sa akin ni Gio dahil naituon na namin ang atensyon namin sa Daddy niya.

"Dad," Gio greeted.

"Pumasok ka na sa loob. We have a lot of guests to entertain." his Dad said before looking at all the kitchen staff. "The food should be ready in 10 minutes." sabi niya tapos umalis na.

"Excuse po. 'Yung gift─" ihahabol ko na sana ang box sa Daddy ni Gio pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Later na 'yan," he said, looking straightly at me.

I nodded. "Pwede ko ba munang ilagay 'yung gamit ko sa kotse mo?" bulong ko sa kaniya dahil nahihiya ako.

Tumango rin siya habang nakatitig pa rin sa 'kin.

"Tara?" tanong ko dahil mukha lang siyang tangang nakatitig sa 'kin.

He cleared his throat and offered his arm. I anchored my arm to him dahil baka madapa pa ako sa heels na pinasuot niya sa 'kin. Three inches lang naman pero stilettos pa rin 'to, mahirap na.

I put my things on the shotgun seat while Gio, still looking at me like any moment I will just vanish from his sight.

"Nahihiya ako," bulong ko tapos pilit kong binababa ang dress ko habang hawak ko ang box sa kabilang kamay.

Gio tucked my hair behind my ear. "Don't. You look... perfect."

I sighed deeply and nodded. "Okay."

Gio and I walked towards the front door of their house. I gasped when I felt his hand on my waist. It was a nice feeling. I didn't know I would be comfortable with it.

"Wow! Gio, is that you already?" tanong ng isang babaeng nasa bandang 50 years old na pagpasok namin ni Gio sa bahay nila.

Akala ko maliit lang ang bahay nila pero malaki pala rito sa loob. It's a high ceiling and there's a big chandelier in the middle. I looked around the guests and realized that almost all of them came from a well-known family. Tindig at kilos pa lang, halatang galing sa mayayamang pamilya.

The guests are almost 30 persons. Mayroong mga ka-edad namin, mga anak siguro ng kaibigan ng Daddy ni Gio.

Medyo madilim ang ilaw. It really looks like an evening party. Mayroon ding soft party music kaya para ka lang nasa mamahaling club.

"Yes po," Gio smiled and bowed a bit to the woman.

"Gosh, you look so good, huh. I'll introduce you to my daughter later." the woman giggled. Nahihiyang ngumiti lang si Gio at tumango.

Hinanap ko kaagad ang Daddy niya para maibigay ko na 'tong regalo tapos makauwi na ako. Nakakahiya naman kay Gio, mukhang marami pa siyang kikilalanin mamaya.

I walked faster when I saw Gio's Dad. I tripped because of how fast I was walking then sighed in relief when a man held my waist behind me.

"Bakit kasi hindi mo ako hinintay?" Gio whispered on my ear.

I looked at him and just shook my head. Tinuloy ko ang paglalakad ko papunta sa Daddy niya. May kinakausap pa siyang isang lalaki kaya nahiya akong lumapit. I just patiently waited here.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now