Chapter 19

12.3K 263 35
                                    

"I miss you, too."

Bumitiw na si Gio sa yakap sa 'kin. I asked him to go inside. Medyo kinakabahan pa raw siya kay Addie pero tinawanan ko lang siya at sinabi na okay na kami ni Addie.

"Hi," Gio greeted Addie when we entered the house.

Addie stood up. "Para sa 'kin ba 'yan?" she pointed the paper bag in Gio's hand.

Gio nodded and handed her the paper bag. "Yes."

Tumawa si Addie at kinuha ang paper bag. Umupo na siya tapos pinaupo niya kami ni Gio. Nakagitna ako sa kanilang dalawa.

"So..." bungad ko dahil walang nagsasalita.

"Gio,"

"Addie,

Natawa ako kasi sabay silang lumingon sa isa't isa at nagsalita. Nakagitna pa naman ako kaya kitang-kita ko sila parehas.

Gio cleared his throat. "Okay, Addie. You first."

"Gio. Sorry pala, noong sa hospital." Addie said.

"It's okay. Sorry rin."

"Saan?" tanong ni Addie.

Gio shrugged. "I don't know. Sa lahat?"

Mahina kong hinampas ang tuhod ni Gio. "Para namang niloko mo 'to si Addie sa pagkakasabi mo."

Natawa si Gio. "No... but, really, sorry."

Tumango si Addie at nilahad ang kamay. "Friends na ba tayo, tol?"

Gio laughed a little and shook Addie's hand. "Of course."

"Mag-aaway tayo ulit kapag sinaktan mo 'yan." Addie pointed me. Gio nodded.

The three of us watched a movie. Tinanong ko si Gio kung hindi ba siya mag-aaral pero ang sabi niya ay mamaya na lang.

"Invite Gab." I told Addie after we finished a whole movie. Bakit ba hindi ko naisip kanina pa na imbitahin si Gab?

Parang kinilig pa si Addie bago kuhanin ang phone niya. "Sure," her voice turned into a kid's voice. I wanted to hit her head because of that!

"Gagi!" napatayo si Addie habang hawak ang phone niya.

"Oh?" gulat na tanong ko habang nakatingala sa kaniya.

"Nag-text si Calynn. Umalis daw si Elly sa condo nila ni Luke. Break na raw sila ni Luke." tumakbo siya papunta sa kwarto niya at kinuha ang bag niya. Paglabas niya, nakatayo na kami ni Gio.

"Saan kaya nagpunta 'yon?" kinakabahang tanong ko habang tumatakbo kaming tatlo papunta sa kotse ni Gio.

"Ewan ko ba," stress na sabi ni Addie. Pinauna ko siyang pumasok dahil two doors lang naman 'tong kotse ni Gio at i-a-adjust ang upuan ko para makapasok siya.

"Saan tayo?" Gio asked when he started the engine. Nag-drive na siya kahit hindi niya alam kung saan kami pupunta.

Parehas kaming nag-iisip ni Addie. Iniisip ko kung saan siya pwedeng magpunta. Imposible namang sa bahay nila, hindi ko naman alam kung sino ang iba pa niyang friend not until maalala ko na─

"Sa puntod ng Mama niya." I told Gio.

"Gago ka, bakit hindi ko naisip 'yon?" tinapik ni Addie 'yung braso ko.

I held my chest. "Sorry, Addie, ah."

Sinabi namin kay Gio kung nasaan ang puntod ng Mama ni Elly at tama nga kami, nandoon siya at natutulog. She should've told us, hindi niya kailangan dito matulog.

I wanted to tell Elly that we're here, hindi siya nag-iisa but I understand her. Alam kong iniisip niyang nagiging pabigat siya pero hindi naman kasi... we're here for her.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now