Chapter 2

19.5K 418 159
                                    

"What the─"

Hindi ko na tinapos 'yung sasabihin ko dahil binato ko na sa kaniya 'yung condom na binigay niya. Nakakainis! Akala ba niya nakakatawa 'yon?!

"Chill," tatawa-tawa niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa harap. Pakiramdam ko ay kumukulo 'yung dugo ko. Nawawala 'yung pagka-kalmado ko kapag kaharap ko siya.

"Nurse," kinakalabit niya ako habang natatawa.

"What the fuck is your problem?!" sigaw ko. Nagulat siya at natigilan sa pagtawa. Umirap ako at kukuhanin ko sana 'yung phone ko sa bag ko nang biglang nalaglag 'yung ID ko. Mabilis pa sa kidlat 'yung pagpulot niya roon. "Akin na!"

"Natalia Eunice Verdadero." tinataas niya 'yung ID ko kaya hindi ko maabot. Matangkad siya at 5'2 lang ako. Tumatalon-talon na ako pero nakataas 'yung kamay niya. "Ganda ng pangalan mo, ah."

"Asshole!" inabot ko 'yung ID ko nang medyo ibinaba na niya. Umirap ako at buti na lang dumating na 'yung grab kaya nagmamadali akong sumakay roon.

"See you around, Miss Verdadero." sinara ko kaagad 'yung pinto para hindi ko na siya makita.

"Ugh!" sigaw ko sa loob ng taxi. Nagulat pa 'yung driver. "Kuya, nakakainis siya!"

"Bakit po, Ma'am? Gwapo naman, bagay kayo." ngumisi pa si Kuyang Driver.

"Ugh! Kuya naman." napairap ako at pinagkrus ko 'yung braso ko. Natawa pa siya nang bahagya. Kinuha ko 'yung phone ko sa bag ko pero kakahawak ko pa lang ay may nagnotify na kaagad.

"What the!" napasigaw kaagad ako nang makita ko 'yung picture ng nag-follow sa akin sa instagram.

(nateunicev): Karl Gio Vergara (karlgio) started following you.

@karlgio
32 Posts - 10,201 Followers - 792 Following

Karl Gio Vergara
All for justice, justice for all.

Isa lang 'yung picture niya. Naka-coat siya na black at nasa loob ng sasakyan tapos puro picture na ng bar at kung saan-saang lugar. Mayroon ding picture ng kotse na top down. Mukha siyang playboy. Napairap na lang ako.

His display picture is a a picture of him at the bar, nakasandal siya sa upuan while holding a shot glass of... tequila, I guess?

Napakunot 'yung noo ko. Bakit siya fina-follow ni Calynn? Hindi ko na lang pinansin at tinext na lang si Addie.

To: BFF Addie
Kita naman tayo. May kwento ako.

From: BFF Addie
Punta ka dito

Sinabi ko kay Kuyang Driver na roon na lang ako sa address nina Addie. Hindi naman na ako pinaghihigpitan ng mga magulang ko dahil malaki na ako. May trabaho na ako. Sigurado rin akong tulog na si Maureen ngayon.

"Oh, anong mayroon?" bungad ni Addie pagbukas niya ng pinto.

Bumuntong-hininga ako bago umupo sa couch nila. "May na-encounter akong nakakastress na lalaki."

Tumabi sa akin si Addie at tinulak ako. "Baka forever mo na 'yan!" she exaggerated.

"Ew! 'Di bale na lang." napairap ako at sumandal sa couch. Pumikit na rin ako dahil inaantok na ako.

"Gatas?" tanong ni Addie. Tumango ako habang nakapikit. Mas mabilis kasi akong nakakatulog kapag pinagtitimpla niya ako ng gatas. May mga damit na rin ako rito dahil madalas, nakikitulog ako. Lalo na kapag stress ako sa parents ko.

"Oh," nilapag niya 'yung gatas. "Magpalit ka muna sa kwarto."

Tumango ako at nagpalit na. Nakita ko pa 'yung picture namin ni Addie sa study table niya kaya napangiti ako, picture namin noong oath-taking ko. Parehas kasi kaming walang boyfriend kaya priority talaga namin 'yung isa't isa.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now