Chapter 4

15.4K 347 29
                                        

"Nurse, ano 'yan?"

Nandito na pala si Jenny sa likuran ko. Sana hindi niya nakita kung sino 'yung nagbigay. Napangiti ako habang nakatingin sa chocolate, para sa akin ba 'to?

Tumingin ako kay Jenny. "Wala 'to." tinago ko sa ilalim ng papel 'yung toblerone.

Kinuha ko 'yung phone ko para sana itanong kay Gio pero hindi ko pa man siya nachachat ay mayroon na pala siyang chat sa akin.

karlgio: Yup. Para sa 'yo.

Tuluyan na nga akong napangiti. Nakakatuwa naman, kahit na maliit na gesture lang ay naappreciate ko. Maybe he's really not that asshole after all.

nateunicev: Thank you.

Tinapos ko na 'yung ginagawa ko pagkatapos ay inayos ko na 'yung gamit ko. Habang nasa taxi ako ay nakangiti pa ako habang nakatingin doon sa letter na kasama noong toblerone. Mukha na siguro akong tanga.

"Thank you." I whispered, still smiling while looking at the damn note like a total idiot.

"Hello, Ate!" bungad ni Maureen pagpasok ko.

"Hi," I knelt down to hug her.

"I miss you," humarap siya sa akin. "Saan ka po natulog kagabi?" she pouted.

"Kina Ate Addie mo." I pinched her cheeks. "Namiss mo ako, gusto mo kain tayo? May chocolate ako."

"Really, Ate?" she smiled widely. "Yey!" nagtatalon siya at hinila na ako papunta sa lamesa. Umupo na siya at nagpangulambaba, hinihintay 'yung chocolate.

Kinuha ko 'yung chocolate sa bag ko at binuksan 'yon pagkatapos ay binigyan ko si Maureen. Umupo na rin ako sa tabi niya at kumain na rin ng chocolate.

"Hindi ka po mahilig sa chocolate, 'di ba? Why did you buy one? It's big pa, oh." she pointed the big toblerone.

"Bigay lang 'yan, baby." I smiled.

"Really? Nino po?"

I smiled, remembering who gave me the chocolate. "A friend."

"You look happy, Ate. Can I meet that friend?"

"We'll see." I tapped her head twice. Tumango-tango siya at kumain na ulit.

After we ate chocolate, pumasok na rin si Maureen sa kwarto, hinatid ko pa.

"Magtoothbrush para hindi masira ang teeth." bilin ko sa kaniya habang nandito ako sa labas ng pinto niya. Nakahawak pa ako sa doorknob.

"Yes, Ate. Thank you for the chocolate." lumabas siya ng pinto at niyakap ako. Pagkatapos ay ngumiti na siya at pumasok.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko, nagbihis muna ako pagkatapos ay nilagay ko 'yung note sa bulletin board ko.

"Maybe you're not that asshole." I said while looking at the note. "Thank you for making me smile."

After talking to the note like a stupid dumb, I've decided to take a rest. Nahiga na ako sa kama ko at natulog na.

The next day, wala na sina Daddy kaya payapa akong kumain ng breakfast. Gumayak na rin ako at nagpunta na sa hospital.

"Good morning, Nurse." bati ni Jenny.

"Good morning. Ganda naman ng morning natin diyan." natawa ako nang bahagya bago umupo.

"Ako pa, ah? Kung nakikita mo lang 'yung sarili mo, nagniningning." she pointed my face.

"Grabe, hindi naman." humampas ako sa hangin.

"Dahil ba 'yan sa nagbigay ng chocolate? Sino ba 'yon?" pang-aasar niya.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now