"What?"
I can't help not to laugh. Natawa talaga ako sa sinabi ni Gio. Adik ba siya o ano? Una sa lahat, nauna ako rito. Pangalawa, ano namang kinalaman ng presence ko sa pag-fo-focus niya? Nailing na lang ako at kumagat ulit sa big bite ko.
"Funny, huh?" masungit na tanong niya.
"Yeah." I laughed again, holding my stomach.
"Huwag ka na maingay, nagre-review ako." he rolled his eyes.
"Mahirap ba 'yan?" sumilip ako sa libro niya para maasar siya.
"Wanna try?" he slid the book in front of me.
I looked at the book, para akong nagbabasa ng french. Hindi ko maintindihan. Ano raw? Puro article, republic act. Ano raw?
"Akin na," natawa siya at kinuha na ulit 'yung libro. Nakakunot na pala 'yung noo ko.
"In fairness, matalino ka pala."
Humarap siya sa akin. "Nanadiya ka 'no? Kapag ako hindi nakasagot sa recit, kailangan mo akong i-date."
Nanlaki 'yung mata ko. "What?!"
Tumayo na siya at kinuha 'yung libro niya. "Balitaan na lang kita kung nakasagot ako o hindi." he shrugged. "Sa tanang pag-aaral ko sa law school, ngayon ko lang gustong hindi makasagot sa recit." he smirked before walking away, leaving me dumbfounded.
Anong date? Bahala siya riyan!
Lumabas na siya ng convenience store at sumakay sa kotse niyang top down.
At kumaway pa nga noong nasa loob na siya, irita!
Tinapos ko na lang 'yung pagkain ko at nag-cellphone. Napasabunot ako sa sarili ko nang makita ko na namang nagnotify 'yung instagram. Nagchat na naman si Gio!
karlgio: I'll flunk my recit.
nateunicev: Go. Stupid!
karlgio: Date it is.
Nakakairita! Tinago ko nga 'yung phone ko sa bag at kinuha ko na 'yung pinagkainan ko para maitapon ko na sa basurahan. Nakasimangot tuloy akong lumabas ng convenience store at pumara ng taxi.
"Okay ka lang, Nurse?" bungad ni Jenny. Umupo na ako sa upuan at sinimulan na 'yung endorsement.
"Nakakairita 'yung Gio." padabog kong kinuha 'yung clipboard ko.
"Sino 'yon?"
Tumingin ako sa kaniya. "E 'di, iyong nagagwapuhan niyo!" I rolled my eyes.
"Nako! Ikaw, ah. Ganiyang-ganiyan nagsimula 'yung lolo at lola ko." panunukso niya.
"Yuck! Kadiri, Nurse Jenny, ah. Ew!" I gave her a disgusting look.
"Baka bukas lang mabalitaan ko, kayo na." nakangisi pa siya habang nagsusulat.
"Hinding-hindi ko magugustuhan 'yon!"
Hindi na siya nagsalita kaya tinuloy ko na lang 'yung ginagawa ko. Nang magrounds ako ay bumisita ako kay Mrs. Lorenzo.
"Hello po." ngumiti ako pag pasok ko ng pinto.
"Hello," nanghihina siyang ngumiti sa akin.
Lumapit ako sa kaniya para mai-check 'yung lagay niya. Inayos ko na rin 'yung dextrose niya. "Kumusta na po kayo?"
"Nanghihina pa rin." she smiled weakly.
Nang matapos ko na ayusin 'yung dextrose niya ay umupo ako sa upuan sa tabi ng bed niya. "Laban lang po." I smiled.

YOU ARE READING
Always, In All Ways (Change Series #4)
RomanceNatalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She's never been in love in her entire life not until she met Karl Gio Xavier Vergara, a playboy law student. Unfortunately, Gio only wants to p...