Chapter 9

12.3K 286 51
                                    

"So, you like someone now?"

Tumingin na ako kay Gio at nahuli ko na nakatingin pa rin siya sa akin. I cannot tell what's up with the intensity of his stares. Nilaban ko na lang ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Nakipagtitigan din ako sa kaniya.

"I don't know yet. How can you say when you're in love?" he asked.

I shrugged. "I don't know, either. I haven't experience it yet."

Napatingin ako sa relo ko at nakita ko na malapit na matapos ang break ko. I looked again at Gio. "Baba na ako. Tapusin ko pa 'yung shift ko."

Gio nodded. Lalakad na sana ako pero tinawag niya ako kaya napahinto ako. "Umh," he cleared his throat. "Can I... get your number so we can have coffee some time? Ma-di-discharge na kasi si Dad bukas, I might not come back here."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hmm?"

"Don't worry, just friends." he said.

I just nodded. He's a family friend, I'm sure he's harmless.

He got his phone from his pocket and handed it to me. I typed my number and gave back to him, bahala na siya maglagay ng pangalan ko.

"Thanks," he smiled while he's getting the phone from my hand. Bahagya pang nagtama ang kamay namin pero hindi ko na lang pinansin kahit para akong nakuryente.

"Just friends," I told him before walking away. Lumakad na ako palabas ng rooftop.

"Just friends," I reminded myself.

Nang nandito ako sa elevator, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon sa pocket ng blouse ko.

From: Unknown Number
Just friends. :)

To: Unknown Number
Yes. Just friends.

Binalik ko ang phone ko sa bulsa ko at lumakad na. Nang bumukas ang elevator, bumalik na ako sa station ko.

-

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Addie nang makita akong nasa labas ng pintuan niya.

"Bored lang ako, masama ba?" sabi ko tapos dire-diretso na akong pumasok sa bahay niya. Dumiretso ako sa kwarto niya para magpalit ng damit.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" sumisigaw siya habang hinahampas ang pinto dahil pinag-lock-an ko siya ng kwarto. I laughed loudly for her to hear it. "May tinatapos pa ako, nandiyan 'yung mga gamit ko!" sigaw pa rin niya.

After I changed my clothes. I opened the door and grinned at her. Inirapan lang niya ako at hinawi bago pumasok sa kwarto niya.

Pumunta muna ako sa couch para manood ng TV dahil busy pa naman doon si Addie. Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV pero nang makaramdam ako ng gutom, pumunta ako sa kitchen niya at kumuha ng instant popcorn. Nilagay ko 'yon sa microwave, nakasandal lang ako sa counter top habang hinihintay.

After I got my popcorn, bumalik na ako sa couch at tinaas ko pa ang paa ko sa center table habang kumakain, yakap-yakap ko ang bowl ng popcorn.

"Aba! At napaka-kapal naman talaga ng mukha natin diyan, ah." Addie exaggeratedly said when she looked at me. She' standing on the doorway of her room.

Natawa ako. "Huwag kang magulo, nanonood ako." sabi ko bago kumuha ng popcorn.

"Malandi ka! Hindi naman talaga kita pupuntahan kung hindi lang tumunog 'tong cellphone mo. Oh, naiwan mo!" lumakad siya palapit sa 'kin at inabot ang phone ko.

I chuckled while getting my phone. "Thanks,"

"Sino ba 'yung nag-text? 'Yun ba 'yung gwapo?"

I stucked out my tounge at her. "Secret! Mag-aral ka na roon!"

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now