Chapter 7

12.8K 268 70
                                    

"It's okay if you don't want to."

Ngumiti lang siya sa akin bago tumalikod. Napapikit ako at napa-buntong-hininga. Why am I even feeling this way about him? Why am I getting curious? Hindi ko alam kung bakit pero...

"Gio," I called him.

Humarap siya sa akin. "Yes?"

"After my shift."

Iyon lang 'yung sinabi ko pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad na palayo dahil sa hiya. Nahihiya ako! My God, bakit ba ako pumayag?

At bakit ba ako excited?

"Okay ka lang, Nurse?" tanong ni Jenny pagbalik ko sa nurse station.

"Mukha bang hindi?" I asked nervously.

"Mukha kang kinakabahan na ewan." she chuckled.

"Bakit ka ba na-cu-curious sa isang tao?" I sat down.

"Kanino ka curious?" she covered her mouth. "Huwag mong sabihing sa gwapo roon sa 182, o baka naman sa kasama mo kagabi?"

"Hayaan mo na nga," sabi ko at nagtrabaho na lang.

I busied myself doing my job. Kaunting oras na lang ay matatapos na 'yung shift ko dahil gabi na. My heartbeat became faster if that's even possible. Nurse ako para nawawala 'yung pagiging kalmado ko kapag nasa tapat ko na si Gio.

"Tara na?" tanong ni Gio, nasa harapan ko na siya ngayon. Tinignan ako ni Jenny, ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya bago kuhanin 'yung gamit ko.

"Out na ako," tipid na sabi ko kay Jenny.

Lumapit siya sa tainga ko. "May utang kang kwento," she whispered.

"Baliw, sige na." I nodded at her. Pumunta na ako roon sa pinag-l'log-an namin para makapag-out na ako pagkatapos ay lumapit na ako kay Gio.

"Okay ka lang?" he chuckled.

"Yeah,"

"Okay, let's go." lumakad na siya papunta sa kotse niya. I sighed deeply before following him. Napatingin ako sa kaniya nang pagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Thanks," I smiled a bit before entering his car, nakasara 'yung bubong niya ngayon.

"So, where do you wanna go?" he asked when he entered his car

"I thought coffee?"

"Coffee it is." he said before starting the engine.

Nakatingin lang ako sa bintana at nakahawak sa seat belt ko. This is so awkward! Bakit ba kasi ako sumama rito? Hindi rin siya nagsasalita, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Ano ba 'yan! Ang komplikado naman.

"You okay?" he suddenly asked.

I looked at him. "Yeah, why wouldn't I be?"

"Nothing," he smiled.

Shit! Bakit naman ang gwapo? Bakit biglang gumwapo siya sa paningin ko? What the hell is happening to me?

Mabuti na lang at bumaba na rin kami, hindi ko na hinintay pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse dahil lumabas na ako kaagad. Bumaba kami sa isang coffee shop, nandito na kami ngayon sa cashier.

"White Chocolate Mocha." I told Gio. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumunta na ako sa upuan, bahala na siyang maghintay roon.

Habang nandito ako sa upuan ay medyo giniginaw pa ako, and not to mention, naka-uniform pa ako! Tinanggal ko na lang 'yung nurse cap ko para hindi masiyadong awkward. Naisipan ko na rin ichat si Addie, I literally don't know what to do!

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now