Chapter 16

11.4K 299 57
                                    

"Gio, it's not what you think."

I keep on following Gio while he's walking so fast. Nakatingin na 'yung iba sa 'min but I didn't care. Mas binilisan ni Gio ang lakad niya and I'm trying my best to keep up to him. Lumabas siya ng ospital at pumunta sa parking sa harap kung nasaan ang kotse niya.

I grabbed his arm and forced him to face me. "Gio, please,"

Nakatayo lang siya at nakatingin sa 'kin. "What?"

"Hindi ganoon. Hindi mo naiintindihan."

He chuckled sarcastically. "Really? I heard everything, Natalia."

"Let me explain. It's not what you think it is."

"Then, what is it, huh?"

"It's just─"

My words were cut off when my phone rang. Kinuha ko 'yon sa pocket ng blouse ko.

I answered the call. "Addie, mamaya na, please,"

(Magkasama na ba kayo ni Elly? Hindi ko kasi siya matawagan.)

"Oh, shit," naibaba ko ang tawag ni Addie at tumingin kaagad ako sa relo ko.

"Shit, shit, shit," I was cursing while waiting for Elly to pick up the phone. Elly always answers my call. Kinukutuban na ako.

Ngayon ko lang napansin na nakatayo pa pala si Gio sa harapan ko. "Gio, I'll explain everything to you, I promise... but, I really have to go." sabi ko tapos mabilis akong lumakad palabas ng parking ng ospital para makahanap ng taxi.

"Elly, sagutin mo. Kinakabahan ako," I said to myself, still calling Elly for the fifth time.

Addie calling...

"Hello," bungad ko pagkasagot ng tawag.

(Bakit mo 'ko binabaan?!) sigaw ni Addie.

"Ngayon ko pa lang kasi pupuntahan si Elly. She's not answering my calls. Wala naman sigurong nangyari, 'di ba?" kinakabahang tanong ko kay Addie.

(Kanina ko pa rin 'yon tinatawagan. Tatawagan ko si Calynn, baka naman siya ang kasama.)

"Okay. Update me, please."

I was anxiously waiting for a taxi when suddenly, Gio's car appeared in front of me.

"What?" tanong ko.

"Come in, ihahatid na kita." he said in a monotone, not looking at me.

I muttered another curse before going to the shotgun seat. Pagpasok ko, sinabi ko kay Gio 'yung review center ni Elly kaya roon muna kami pumunta.

"Sige, salamat." I thanked him before getting out of his car.

Nagmamadali akong lumapit sa nakita kong babae na nakatayo sa labas ng review center. Nagtatatakbo na ako.

"Miss, kanina pa ba tapos?" I asked her.

She nodded. "Opo. Mga 30 minutes na po."

"Wala ng tao sa loob?" I asked.

"Wala na po. Ako po kasi 'yung huling lumabas." she said to me. Tumango ako at nagpasalamat bago lumabas ulit.

Maghahanap na sana ako ng taxi pero nakita ko na nandoon pa rin si Gio. Nakatayo siya sa labas ng pinto ng kotse niya. Nakapatong ang siko niya sa ibabaw ng pinto.

"Where to next?" he asked.

Tumakbo ako pabalik sa kotse niya at sumakay. I told him to go to Elly's OB. Sinabi ko sa kaniya kung saan.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now