Chapter 12

11.2K 339 75
                                    

"You don't have to be rude."

Iyon kaagad ang sinabi ni Addie sa 'kin nang ikwento ko ang nangyari. Nandito kami sa sala at manonood sana kaming dalawa ng movie pero nauwi lang sa kwentuhan. Hindi muna ako umuwi dahil kailangan ko ng makakausap... kailangan ko si Addie.

"Pero umiiwas lang naman ako. Ayaw kong masaktan."

"Hindi ba kayo pwedeng maging friends gaya ng gusto niya?"

Uminom ako ng beer. "Addie," seryosong sabi ko. "Fine, I admit that I like him already, okay?" sabi ko tapos napangiti si Addie pero umirap lang ako. "You can't be just friends with someone you like... it's torture."

Addie nodded, finally getting my point. "So... ayaw mong i-try?"

"Na?"

"Ligawan siya?"

My lips parted in shock. "Are you crazy? No! Babae ako, ako ang dapat nililigawan."

Natawa si Addie bago uminom ng beer niya. "Bakit ko pa ba sinuggest? Babaeng makaluma ka nga pala."

I shrugged. "I'm not ashame of having a high standards in my life. I know what I deserve."

"And you think Gio deserves your rudeness? Law student 'yung tao, busy... tapos dinalhan ka pa ng lunch, tapos binastos mo lang? Having a high standards doesn't equate not having a manners, Miss Natalia Eunice Verdadero."

I pursed my lips. Natahimik ako at sinamaan ng tingin si Addie... dahil alam ko na tama siya. I was rude earlier, no one deserves that.

"What do you want me to do?"

"An apology will suffice?" pag-gaya ni Addie kay Gio dahil sinabi ko sa kaniya lahat-lahat... pati ang mga sinabi sa akin ni Gio kanina.

I rolled my eyes. "Fine." I got my phone from the center table to text Gio.

"And a coffee would be nice." dagdag ni Addie, nakangisi.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "Umiiwas nga ako, eh. Gusto mo ba talaga akong masaktan?"

Addie shrugged. "I know what I see in Gio's eyes every time he looks at you. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kaniya... pero sigurado ako."

Inirapan ko si Addie. "Huwag mo nga akong paasahin."

"Sige, ako na lang ang aasa."

Napailing ako kay Addie at nag-type na sa phone ko. Kung hindi lang parang konsensyang bumubulong sa akin 'to si Addie, hindi ko naman 'to gagawin.

To: Mr. Vergara
Gio, I'm sorry about earlier. Umh. Do you want coffee?

Nilapag ko ang phone ko sa center table at tumingin kay Addie. "Okay na. Masaya ka na?"

Addie nodded. "Pero, sure ako, mas masaya si Gio." humalakhak si Addie at kinuha na ang remote. Nagsimula na lang kaming manood ng movie.

I waited for Gio's reply until midnight. Tulog na si Addie pero ako, nakaupo pa rito sa kama at nakatingin sa conversation namin ni Gio.

"Kung ayaw mo? E 'di, wag." sabi ko tapos padabog kong nilagay ang phone ko sa side table ni Addie. Natulog na lang ako kaysa mag-isip.

-

"Ano, hindi ka na nireplyan?" tinawanan ako ni Addie nang makita niya kung ano ang tinitignan ko sa phone ko. Umaga na at nakagayak na siya pero ako, maaga nagising dahil tinignan ko ang phone ko kung may reply.

Kakainin mo talaga lahat ng sinasabi mo kapag tungkol na sa taong nagugustuhan mo.

"Wala." sabi ko kay Addie tapos hinagis ko na ang phone ko sa kama. Pumunta na lang ako sa kitchen para makapag-breakfast na kami ni Addie.

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now