Chapter 18

62 8 1
                                    

Chapter 18

Masama ang tingin ko kay Kipp na masayang nakikipag kwentuhan kay Mama sa sala.

Pagkapasok palang niya sa bahay, feel at home na agad siya. Ni hindi man lang nga siya nahiya nang alukin siya ni mama ng palabok na nabili kanina sa kalapit naming karinderya e.

"Kaya ko naman po pagsabayin ang pag-aaral sa basketball, Mrs. Llanos." sagot niya sa tanong ni mama.

Tumingin muna siya sakin bago sumubo ulit ng palabok. Napairap nalang ako sa ginagawa nila ngayon.

Nandito lang ako sa kusina kase ayoko ma-witness ang ka-plastikan sa mga sagot ni Kipp. Para siyang hindi makabasag pinggan sa pagiging matino niya ngayon.

"Huwag mo na akong tawaging Mrs. Llanos masyadong pormal, Tita nalang!" natatawang sabi ni Mama.

Paano kaya nagawa ni Kipp na kuhanin ang loob ni Mama gayong wala pang isang oras ng mapadpad siya dito samin.

"Elya, halika nga rito! Bakit ka ba nandyan, nandito ang bisita mo e."

"Baka bwisita." mahinang sabi ko.

Labag sa loob kong pumunta doon at umupo sa katapat na sofa na inuupuan ni Kipp.

"Palabok oh, masarap." Nakangiting alok niya sakin. Kapal talaga nito, siya pa may ganang mag-alok sa pameryenda ni mama!

"Mabulunan ka sana," i mouthed na nakapagpa kunot ng noo niya.

"What?"

Hindi ko siya pinansin sa halip, kinuha ko nalang ang cellphone ko. Mabuti pang mag scroll nalang ako sa facebook, matagal-tagal ko na ring di nabubuksan account ko.

"By the way, Tita pwede ko po ba ipagpaalam sa inyo si Elya?"

Nasamid ako sa gulat ng kausapin ulit ni Kipp si Mama. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Para saan naman, ijo?"

"Punta lang po sana kami sa Tagaytay next weekend. I promise to take care of her po."

"Kayong dalawa lang?" Ani mama at tinignan ako.

Hindi naman ganoon kahigpit sila mama sa akin. Basta kilala nila ang lahat ng mga nakapaligid sakin, goods sila dun.

"Hindi po Tita, may kasama din naman po kami na kakilala rin po ni Elya."

Gusto kong masuka sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Nasanay na rin kase ako na iba-iba ang tawag niya sakin, tsk.

Pero ano daw? Kakilala ko? Sino dun?!

"M-Ma, hindi. Nagbibiro lang siya." Pilit akong tumawa at sumenyas kay Kipp na bawiin ang sinabi niya.

Ano ba kasing meron sa pag-iisip nito ngayon at gusto naman niya na sumama ko sa kanya sa Tagaytay?!

"Wala naman sa aking problema kung aalis kayo ng kasama si El, ang mahalaga ligtas kayong makakaalis at makakauwi."

Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot ni mama. What now? Pumayag siyang pasamahin ako sa lalaking walang ibang ginawa kun'di asarin ako sa school?!

"I promise you po Tita, I'll take care of your daughter. Saglit lang din po kami doon, ihahatid ko po siya dito bago mag 7pm."

Nilingon ko si Kipp at hindi makapaniwala sa sinasabi niya ngayon. Si mama naman, todo payag dahil kesyo may tiwala at disente naman raw si Kipp!

Lalo siyang pumayag ng malaman niyang Esvega ang isang 'to dahil tinanong niya ang buong pangalan ni Kipp. Wala talaga yata siyang balak sabihin iyon pero napilitan siguro ng itanong ni mama.

It's You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon