Chapter 3

136 16 8
                                    


Chapter 3

Ilang minuto na lang ay dismissal na namin at nagkataon pang pinatawag yung Prof namin ngayon sa office kaya wala na kaming ginagawa ngayon.

Tulad ng nakagawian ko, pasimple kong tinignan si Xyler sa likuran ko at tulad nang lagi rin niyang ginagawa, pinapaikot nanaman niya yung ballpen sa kamay niya. Masyado ko na yata siyang iniidolo na kahit sa simpleng gestures lang niya, kumakabog na nang todo yung puso ko.

"Okay, guys! Dismissed na raw sabi ni Ma'am!" Sigaw ni Lara, yung Class President namin.

Sa hudyat niyang iyon ay nagsigawan na yung mga kaklase ko at kanya-kanya na sila ng pag-alis dito sa room.

Tumayo na rin ako at inayos na lahat ng mga gamit ko. Bago ako umalis ay tinignan ko muna si Xyler na hanggang ngayon ay wala yatang balak umalis sa kinauupuan niya.

"Xyler? D-Dismissed na raw.." Naiilang kong sabi sa kanya.

Tinignan lang niya ako at tumango. Tumayo na siya at inilagay niya yung mga gamit niya sa bag. Pinanuod ko rin siyang kuhanin yung gitara niya sa gilid. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ko umaalis ngayon at panoorin siya sa bawat galaw niya.

Hindi ko napansin na tinitignan niya na rin pala ko kaya parang bigla akong sinampal ng katotohanan.

"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.

Napailing ako at napahawak sa magkabilang strap ng bag ko.

"P-Paalis na rin.. Uhm, s-sige.." Utal kong sabi sa kanya at nagmamadaling umalis sa room.

Ramdam ko na pinagpapawisan ako ngayon. Iba na talaga yung epekto niya sakin! Nakakahiya rin dahil bakit nagiging utal-utal ako pagdating sa kanya!

"Nakakahiya talaga.." Bulong ko habang papalabas ng building nang Senior High.

Sino nga ba naman kasi ang hindi magiging utal kapag kinausap ka ni Xyler Grey Montecillo? Bukod sa gwapo na siya.. anak mayaman, matalino, mabait, simple at hindi mayabang, talented.. na sa kanya na yata lahat. Kaya naman halos kalahati ng populasyon dito sa St. Andrew's ay may gusto sa kanya.

"Paano ko ngayon siya haharapin once na sinimulan na namin yung project together?"

Napailing ako at humugot ng malalim na hininga.

"Bahala na.." Napanguso ako at pinagpatuloy na lang ang paglalakad.

"Anong 'bahala na'?"

"Ay letse-- K-Kipp!"

Halos lumabas yata ang puso ko sa gulat sa kanya. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya sa lalim ng iniisip ko.

Napakunot ang noo niya at tinignan ang kabuuan ko. Nakakailang namang tumingin ang isang 'to.

"Bakit sa tuwing nakikita kita, wala ka sa sarili?" Tanong niya at inilagay sa magkabilang bulsa niya ang kanyang kamay.

Walang duda, kaya sikat din siya dito dahil aaminin ko, gwapo talaga siya. Pero, wala e, si Xyler lang talaga ang nagustuhan ko dito sa SAA.

" Ano nanaman bang kailangan mo?" Naiilang man sa titig niya ay nilakasan ko na ang loob kong kausapin siya.

Kahapon pa rin kasi ako nagtataka kung bakit kinakausap niya ko ngayon. Ano ba talagang pakay niya sa akin?

"Hindi ba't sinabi ko sayo na tawagan mo ko?"

This time, ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Bakit naman kita tatawagan? Para saan?"

Napairap siya at bagot na inayos sa balikat niya ang kanyang bag. "Really? God, this is frustrating! Just.. Just come with me!"

Aniya at bigla na lang niya akong hinatak papaalis sa kinatatayuan ko. "T-Teka lang! Saan mo ko dadalhin?" Sigaw ko at sinubukan kong makawala sa hawak niya.

Mabuti na lang at walang masyadong estudyante ngayon dahil nag-uwian na rin ang iba.

"Kipp! Ano ba talagang--"

"Shut up or I'll punch you." Saad niya na nakapagpatahimik kaagad sa akin.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa sinabi niya o maiinis dahil siya pa talaga ang may lakas ng loob sabihin ngayon yun sa akin! Sino kaya ang bigla na lang nanghatak!

Huminto kami nang makarating kami sa College Dormitory.

"A-Anong ginagawa natin dito?" Kabadong sabi ko.

Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko kaya agad ko itong binawi. Hinarap niya ako at matamang tinignan. Habang ako, litong-lito na sa nangyayari ngayon.

Bakit niya ko dinala dito? At ano ba talagang kailangan niya sa akin?!

" You look scared." Saad niya.

Sinong hindi matatakot kung nandito lang naman kami sa harap ng College Dorm?! At isa pa, bawal kami pumunta dito! Of course, ang mga college students lang ang pwede!

"Bakit mo ba ko dinala dito? At bawal ako dito kaya uuwi na ko!" Akmang aalis na ko ng hinarangan niya ang dadaanan ko.

Tiningala ko siya at nakapaskil nanaman sa mukha niya ang ngisi niyang nakakainis!

"Nasa labas lang naman tayo, wala sa loob kaya hindi bawal. Ang bawal lang naman ay ang pumasok ka sa loob ng building at mag-stay sa kwarto ko sa taas." Nakangising sabi niya.

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya bahagya akong lumayo. "A-Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Hindi mo naman ako kinakausap noon ah?"

Napatawa siya ng bahagya at humalukipkip sa harapan ko.

"Okay, the thing is, I like you."

Kung umiinom lang siguro ko ngayon ay naibuga ko na sa gulat. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya.

"H-Ha?"

Sa pangalawang pagkakataon ay umirap ulit siya at parang ayaw na niyang ulitin ang sinabi niya.

"Are you deaf or just stupid?" Naiinis na sabi niya.

Gusto ko siyang sigawan sa sinabi niya pero mas nilalamon ako ngayon ng gulat sa sinabi niyang gusto niya ako.

"S-Seryoso ka ba? Alam mo, kung naghahanap ka lang ng pagtitripan, huwag ako." Napailing ako at nagsimulang maglakad papaalis doon pero bigla niya kong hinawakan sa kamay.

"Ano ba--"

"I like you, Miss One Placer."

"Isa pa, sasapakin na kita!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"I like you to be my personal assistant."

Literal na napanga-nga ako sa sinabi niyang iyon at buong lakas kong hinila ang kamay ko sa kanya.

"Ano? P-Personal Assistant?!"

Tumango siya at parang normal lang sa kanya yung sinabi niya.

Ang buong akala ko pa naman ay may gusto siya sa akin, pero.. ano daw? Alalay? Ako?

"I see some potential on you. Nahihirapan akong pagsabayin ang studies ko sa basketball. Kailangan ko ng tutulong sa akin para asikasuhin lahat ng may kinalaman sa studies ko." Dagdag pa niya. "Don't worry, I can pay you."

So, all this time pala, kaya niya ko nilapitan kahapon sa waiting shed at kinausap hanggang ngayon ay kailangan niya ko para maging P. A. niya?

Hindi ako tanga parang pumayag sa inaalok niyang yon no! Sino siya para utusan akong gawin ang bagay na 'yon?!

Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko siya at walang sabing sinipa ko siya sa binti niya.

"What the f---! What's wrong with you?"

"Wala akong panahon para makipaglokohan sayo, Esvega!" Sigaw ko at nagmadaling umalis sa lugar na 'yon!

Nakakainis! To the point na gusto kong lumubog sa lupa dahil muntik na kong mapaniwala na may gusto talaga siya sa akin!

I am so disappointed with myself. Huwag ko lang talagang makita ulit si Kipp dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now