Chapter 7

85 13 4
                                    


Chapter  7

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi rin ako kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko at para kong naging estatwa sandali.

I'm starting to feel jealous..

Hanggang sa naputol na ang linya. Ano bang sinasabi ni Kipp at naapektuhan ako nang ganito? Paniguradong 'joke time' nanaman niya iyon at ako nanaman ang biktima.

Huminga muna ako nang malalim at binura sa isip ko ang sinabi niya bago pumasok muli sa bahay nila Xyler. Nakita ko siyang kabababa lang din nang hagdanan.

Kita mo na, Elya. Masyado kang nagpaapekto sa sinabi ni Kipp, hindi mo napansing natapos na yata ni Xyler lahat ng sa written report namin.

"Pasensya na, s-si Kipp kasi--"

"I've finished everything, even editing. But still, see if it's okay." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Tumango lang ako at sinundan siya nang tingin. Napansin kong bumababa ang isa sa kasambahay nila dito na hirapan sa pagdala ng hard case ng gitara niya.

" Just give me 10 minutes and I'll try to be there. "

Bumalik ang tingin ko kay Xyler na ngayon ay halatang nagmamadali. Inaayos niya ang printer, habang ang cellphone niya ay nasa kabilang kamay.

Nang matauhan ako ay nagmadali akong lumapit sa kanya at inagaw ang hawak niyang mga bond paper.

" Ako na," Sabi ko at ako na mismo ang nagpasok sa printer nila. Mabuti na lang at hindi nagloko ang flashdrive ko dahil nakakahiya kay Xyler.

Prinint ko isa-isa ang ginawa namin--niya ngayon at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang siya sa akin.

"Sana sinabi mo na may practice kayo ngayon para hindi na ako nakaabala pa. Pasensya na,"

Hindi ko alam pero nagi-guilty ako. Dapat inalam ko muna na wala talaga siyang practice ngayon. Alam kong mahirap ang ginagawa nila at todo practice na sila dahil next week na lang ay laban na nila.

" Why do you always apologize if there is nothing to be sorry about?" Aniya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at iyon nanaman ang mga tingin niya. Iyong tingin niyang nakakalunod.

"You did not bother me. Besides, I'm the one who told you that we have no practice today. It's not your fault."

"P-Pero kasi--"

"There's nothing to be worried about. I'll drive you home." Pag-iiba niya sa usapan.

Agad akong umiling sa alok niya. "Hindi na, kaya ko naman umuwi mag-isa."

Tinitigan lang niya ko at parang tutol siya sa sinabi ko.

"Still, I insist."

Normal na lang yata sa akin ang bumilis ang tibok ng puso pagdating kay Xyler. Kaya naman nagtataka ko hanggang ngayon kung bakit nakaramdam ako ng ganoon kanina kay Kipp. Siguro ay nabigla lang talaga ko sa sinabi niya.

Ipinilig ko ang ulo ko sa naiisip ko at kinuha na lang ang mga na-print na.

"Learn to wait, Trent." Aniya habang kausap niya si Trent sa cellphone.

Bakas sa boses niya ang inis pero kung titignan mo siya ay hindi halatang gusto na niyang sakalin si Trent sa pangungulit sa kanya.

Ilang saglit lang ay tapos na lahat at nagmadali akong iligpit ang mga ito. Nakita kong hinihintay ako ni Xyler sa bungad ng pintuan nila. Patakbo akong lumapit sa kanya dala-dala yung folder.

"Let's go?"

Tumango naman ako kahit sobra-sobrang hiya na ang nararamdaman ko.

Ang buong akala ko ay siya ang magda-drive nang sasakyan nila pero may driver pala siya.

Pinagbuksan lang niya kami ni Xyler ng pinto ng kotse at akmang papasok na rin ako nang tinawag ako ng guard nila.

"Ma'am Elya, hinahanap ka ni Kipp sa labas."

Halos magsalubong na ang mga kilay ko sa narinig ko. At bakit nanaman kaya?!

"Bakit daw po?"

Napakamot si Kuyang Guard, "Ihahatid ka daw pauwi sa inyo."

"Po?!" Gulat kong sabi at napatingin kaagad ako kay Xyler na nakaupo na sa loob ng sasakyan.

"Kanina pa nga naghihintay yung bata diyan sa labas. Ikaw pala ang hinihintay." Dagdag pa nito.

Bakit naman niya ko hihintayin?! At bakit siya maghahatid sa akin pauwi?

Napatingin ako kay Xyler nang bumaba ulit siya ng sasakyan. Late na siya sa practice nila at sinabayan pa ni Kipp!

" P-Pakisabi na lang po sa kanya na hindi na--"

"Manong, tell him that I'll take her home." Sabi ni Xyler at lumingon ito sa akin, "Let's go."

"Pero Sir, kanina pa daw po siya naghihintay diyan. At may usapan daw sila ni Ma'am Elya na siya raw po ang maghahatid,"

"Wala kaming usapan ni Kipp!" Gulat na sabi ko.

Ano nanaman bang kahibangan ang tumatakbo sa isip noon?!

"Is that so?" Tinignan lang ako saglit ni Xyler at kinausap si Kuyang Guard.

"If that's the case, then okay. Just tell him to drive her home safely." Aniya at pumasok muli sa kotse.

Napahigpit ang hawak ko sa folder namin at kung hindi lang namin 'to project, nilukot ko na sa inis at hiya!

Para kasing na-offend si Xyler, ewan pero ganoon ang naiisip ko ngayon! Agad akong lumapit sa bintana nang kotse nila. Tumingin naman siya sa akin.

"H-Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Kipp. W-Wala kaming naging usapan na siya ang magha--"

Sa muling pagkakataon, pinutol nanaman niya ang pagsasalita ko.

"Just go, Elya. Kipp is a good man. He'll take care of you. Besides, you're close to each other." Sabi niya at bahagyang ngumiti.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Kaya naman kahit ayoko, tumango na lang ako.

Hinintay ko munang makaalis ang kotse nila Xyler bago lumabas ng bahay nila. Nakasimangot lang ako habang papalabas nang makita ko si Kipp na malaki ang ngisi sa mga labi.

Parang muling nabuhay ang dugo ko sa katawan at binilisan ang lakad ko papunta sa kanya.

"Ano bang sinasabi mong may usapan tayong ikaw maghahatid sakin ha?!" Singhal ko kaagad.

Napatawa naman siya ng bahagya at ginulo niya ng konti ang buhok niya. Talagang may gana pa siyang maging masaya matapos niya akong ipahiya ng marami kay Xyler kanina!

"Bakit? Totoo namang ako ang maghahatid sayo."

"Wala kang sinabi sa akin at hindi rin naman ako papayag no."

Napailing siya at nagulat ako ng bigla niya kong hawakan sa palapulsuhan.

"Teka--Ano ba, bitawan mo nga ako." Inis kong sabi pero parang wala siyang narinig. Hinila niya ako papalapit sa isang magarang kotse sa likod niya kasabay ng pagbukas niya ng pintuan dito.

"Sabi nang hindi ako sasabay sayo--"

Tumigil siya nang mabuksan na niya ang pintuan ng kotse niya at tumingin sa akin. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw ang isang kamay ko at tinapat ito sa dibdib ko.

Eto nanaman, unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako sa gagawin ni Kipp ngayon sakin? Kinakabahan ba ko kasi baka sa ibang lugar niya ako dalhin at iwanan sa gitna ng daan? Ano? Bakit kinakabahan ako sa kanya?

Naputol ang pag-iisip ko nang bahagya niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at pigil ang paghinga. Kaunti na lang ay magdidikit na ang mga ilong at labi namin sa lapit niya!

"Kanina ka pa niya kasama, pwedeng ako naman?"

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now