Chapter 9

67 12 5
                                    


Chapter 9

"Magkano po kapag estudyante?" Tanong niya sa jeepney driver.

Gusto ko siyang sigawan sa mga oras na 'to pero pinipigilan ko lang. Ayokong mag agaw-pansin dito sa loob ng sasakyan.

Ano ba kasing pumasok sa isip ng lalaking ' to at sinundan niya ko hanggang dito?

" Otso pesos lang ijo,"

Pinanuod ko siyang kunin ang wallet niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya sa nangyayari ngayon. Ano kayang masaya dito?

"Here," Aniya at inilabas ang buong isang libo. Seriously?!

"Dalawa po."

Gulat akong napatingin sa kanya at agad siyang inawat.

"Seryoso ka ba?!" Ipit kong singhal sa kanya. Pansin ko rin ang ibang pasahero na napapailing na lang sa aming dalawa.

"Why? Is there something wrong?" Nakakunot noo niyang sabi.

"Otso lang ang ibabayad mo tapos isang libo ang iaabot mo?"

"Sixteen pesos lahat. Ililibre na nga kita e," Maangas pa niyang sabi at akmang ibibigay ulit ay pinigilan ko na siya.

"Hindi tatanggapin yan dahil wala siyang ipapangsukli sayo." Inis kong sabi sa kanya at kinuha ang coin purse ko.

"Kung bakit kasi sumunod ka pa." Bulong ko habang kumukuha ako ng pera.

"What did you say?"

"Wala. Sabi ko, ako na magbabayad."

Kung pwede lang siyang ihulog dito sa jeep, kanina ko pa ginawa. Ewan ko ba, pero naiinis talaga ko sa isang 'to!

"But--"

Tinignan ko lang siya ng masama at sana naunawaan niyang naiinis na talaga ko sa kanya.

Tumahimik naman siya at inilagay na lang ulit ang pera niya sa wallet niya. Halatang hindi naman talaga siya sanay sumakay dito. Talagang gusto lang siguro niya kong inisin ulit dahil hindi pa siya nakuntento nung mga nakakaraang pang-iistorbo niya sakin.

Pasimple ko siyang tinignan sa gilid ko at pansin ko ang mahigpit na paghawak niya sa hawakan sa itaas. Pati ang mukha niyang halatang naaasiwa na rin dahil kanina pa siyang pinagbubulungan at pinagtitinginan dito ng mga high school student na kasakay namin.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman mahuhulog dito." Sabi ko ng hindi na ko nakatiis.

Gusto kong matawa na maawa sa kanya. Hindi niya kasi alam kung paanong kapit ang gagawin niya.

"W-What?" Lumingon siya sa akin na saktong nagpreno ang jeep kaya bahagyang lumapit ang mukha niya sa akin.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at lumayo sa kanya ng kaunti. Bakit bigla nanaman akong kinabahan?

"Ano ulit yung sinabi mo, Miss One Placer?" Aniya.

"W-Wala! Saan ka ba pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I told you, ihahatid kita."

"Sabi nang hindi na kailangan. At ano bang mapapala mo kung ihahatid mo ko?"

Para siguro kong tanga rito na pabulong kung magsalita rito. Habang siya, ang lakas ng boses. Hindi man lang mahiya sa ibang tao rito. Sabagay, unang beses niya palang yata makasakay sa public transportation.

" Hindi ka pumayag nung nakaraan na ihatid kita nung nasa subdivision ka namin, pati ba naman ngayon?" Saad niya habang ang isang kilay niya ay nakataas pa.

Siya pa may karapatang magalit ngayon?

"Hinaan mo nga yang boses mo." Saway ko sa kanya dahil nakatingin na sa amin lahat ng pasahero dito sa loob.

"Bakit naman?" Inosenteng sabi niya at lumingon pa siya sa mga tao rito.

Bago pa ko tuluyang mapahiya sa kanya, nakarating na kami sa kanto namin. Pumara na ako at tinignan siya.

"Nandito na ko, masaya ka na?" Sabi ko at napailing ng ngumisi nanaman siya.

Umiwas na ko ng tingin sa kanya at bumaba na. Pero maya-maya lang ay bumaba rin siya!

"Kipp!" Sigaw ko.

"What?" Malawak ang ngisi niya ng makita niyang nagulat ako.

"A-Anong-- bakit bumaba ka rin?!"

Nagkibit-balikat lang siya, "Saan ba dito ang bahay mo?" Pagsasawalang bahala niya sa tanong ko.

Napaharap ako sa kanya at hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya ngayon!

"Ano ba talagang kailangan mo? Bakit kailangan mo pa kong sundan dito?!"

Wala na, hindi ko na kayang magpigil ng inis sa kanya.

"Kung pumayag kana kasi sa pinapagawa ko sayo, e'di sana hindi na tayo umabot sa ganito," Aniya.

Napakunot ang noo ko at inalala kung ano ba yung pinapagawa niya.

"Ano mo ba ko, alalay?! Bakit kailangan ako pa ang magdala sayo ng Jersey mo ha?" Singhal ko.

May balak pa siyang gawin akong alalay! Akala ko ba nagbibiro lang siya noon na gusto niya kong gawing PA niya?!

"I just want you to be there. And also, alam kong iyon lang ang way para pumunta ka sa laro ko." Mahanging sabi pa niya.

Napailing ako, "Ewan ko sayo."

Nagsimula akong maglakad papasok sa lugar namin. Mabuti pang umuwi na talaga kaysa makipag-usap sa kanya.

"Miss One Placer!"

Napahinto ako ng sumigaw siya. Kahit ayoko ng lingunin pa siya, ginawa ko na rin. Hindi naman ako bastos kahit papaano pagdating sa kanya. Senior ko pa rin siya kung tutuusin dahil ahead siya sakin ng 2 years.

"I will wait for you, okay?"

Napairap ako sa kakulitan niya. "Hindi nga sabi ako pupunta! Maghanap ka ng ibang magdadala sayo ng jersey mo!"

Napakibit-balikat siya at rumehistro nanaman sa mukha niya ang nakakainis niyang ngisi.

"My locker's key is already inside your bag, Miss One Placer." Turo niya pa sa bag ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinignan ang loob ng bag ko. Bumungad kaagad sa akin ang susi ng locker niya! Paanong nailagay niya rito ng hindi ko man lang naramdaman!

"P-Paanong--" Pinutol niya ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.

"Kapag hindi mo dinala yung jersey ko sa game, hindi ako makakapaglaro." Aniya.

"P-Pero hindi naman yata--"

"Kaya kapag hindi ka pumunta, automatically hindi ako maglalaro. Ikaw na bahalang mag-explain kay coach." Ngingisi-ngisi niyang sabi habang ako nanggigigil na rito sa kinatatayuan ko!

"Don't worry, I will win this game for you. See you, Miss One Placer."

It's You [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن