Chapter 8

88 11 4
                                    


Chapter 8

"I am very impressed, Miss Llanos. Also with Mr. Montecillo." Ngiting sabi ng professor namin.

Tanging ngiti lang ang naiganti ko. Nasa faculty ako ngayon at pinass ko na yung written report namin ni Xyler. Hindi ko na rin nasabi sa kanya na ngayon ko na pinasa dahil hindi ko siya nakikita simula pa kanina.

Ilang minuto pa ang tinagal ko roon bago ako makalabas. Kaya ang daming nagsasabi na ako ang Teacher's pet dito dahil wala na raw silang narinig na negative tungkol sa akin pagdating sa mga teacher. Ewan ko, pero hindi naman ako naniniwala.

"Ang saya naman! Wala tayong klase next week dahil dito pala gaganapin sa school yung Battle of the Bands!" Sigaw ni Pia.

Napahinto kaagad ako sa pagbabasa sa narinig ko. Dito yung contest nila Xyler? So, ibig sabihin, mapapanood ko sila magperform?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Naiisip ko palang na makikita ko siya sa stage habang tumutugtog ay lalong lumalalim ang paghanga ko sa kanya.

"Hindi ba, Elya?"

Bumalik ako sa wisyo ng nasa harapan ko na pala si Karla.

"Ha?"

Napailing lang siya at iniharap ang isang upuan para makaupo siya sa tapat ko.

"Kanina pa ko nagsasalita dito, hindi mo naman pala ko pinapakinggan."

"G-Ganon ba? Sorry, may i-iniisip lang." Tarantang sabi ko sa kanya.

Bigla na lang din kasi siyang sumusulpot sa harapan ko ng di ko namamalayan.

"Pasensya na. Ano ulit yon?" Tanong ko.

"Ang sabi ko, nagkataon pang sabay ang laban ng banda nila Xyler at ang basketball team next week." Aniya. Napanguso pa siya at sumandal sa upuan. "Ang hirap tuloy magdecide kung sino ang papanoorin ko sa dalawa."

Next week rin pala ang laban ng basketball team dito. Teka, sila Kipp yon diba?

"Ikaw, Elya, sino kina Kipp at Xyler ang papanoorin mo?"

Nagulat ako sa tinanong niya. Bakit kailangan niya pang itanong yun at sa akin pa talaga?

"H-Ha? Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Bakit naman? Hindi ka ba interesadong manood?"

Umiling ako, "Hindi naman sa ganon,"

"Iyon naman pala! So, sino sa kanilang dalawa?" Nakangising sabi niya. "Ang hirap kaya magdecide dahil parehong gwapo ang dalawang yun! Nakakalito kung sino ang susuportahan mo."

Bakit ko naman susuportahan si Kipp? Wala ngang ibang ginawa yun kung hindi istorbohin ako.

"Gusto ko sanang manood sa battle of the bands." Sabi ko.

"Talaga? Sabagay, hindi rin kasi dito gaganapin ang laban ng basketball." Napapatango pa siya at halatang nalilito pa rin kung alin ang papanoorin niya.

Actually, hindi pa ko nakakapanood ng basketball. Alam kong player si Kipp dahil kalat dito sa buong school yon. Pero, wala talaga kong hilig manood sa mga ganoon.

Sana talaga ay makapanood ako sa susunod na linggo kina Xyler. Gusto ko na ulit siyang mapanood tumugtog.

Wala kaming ginawa sa huling subject namin kaya maaga ang dismissal ng klase. Papalabas na sana ako sa room namin ng biglang may pumasok. Ako na lang ang naiwan dito dahil lahat ng mga kaklase ko ay nagmadali ng umuwi.

Napakunot ang noo ko ng makita kong si Kipp yung lalaking pumasok dito.

Nakangisi ito habang ang dalawang kamay ay parehong nasa bulsa ng pantalon niya.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now