Chapter 16

74 9 1
                                    


Chapter 16

"Iba talaga kapag mayaman ka,"

Napalingon ako kay Karla ng magsalita siya sa gilid ko. Hindi ko nanaman namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

Kailan ko kaya matye-tyempuhan ang babaeng 'to sa tuwing lalapit siya sakin? Para naman hindi ako laging nagugulat sa kanya.

".. lahat ng atensyon na sayo." dugtong niya.

Pareho naming tinitignan si Xyler at ng banda niya dito sa canteen.

Maraming nakapalibot sa kanila at karamihan dito ay mga babae.

Tatlong araw na ang lumipas mula noong laban nila. Nanalo sila kaya buong SAA ay nagsasaya hanggang ngayon.

Hindi ko naman sila masisisi dahil mahigpit na kalaban ng school namin ang nakatapat nila sa battle of the bands. Gayundin ang basketball tournament na ginanap sa WU, na nag champion din ang SAA laban dito. Kaya ganoon nalang ang celebration dito.

Okay sana kung lahat nga ng estudyante dito ay kasama sa pakikisaya. Kaso, sa lagay ko, hindi. Dahil hindi naman ako ganoong ka-close sa mga tao dito.

Pakiramdam ko ay hindi naman ako kasama sa celebration na ito. Kahit pa buong school ang nagdidiwang. Ewan, pero nakakaramdam ako ng pagka out of place.

" Nakakatamad. Kanina ka pa dito?"

Napatango ako at sinimulan ulit ang pagkain. "Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Salamat pero kanina pa ko kumain. Wala nanaman kasi tayong klase ngayon kay Sir Ron." Naiiling na sabi niya.

Simula kasi nung lunes, hindi na kami nakakapagklase sa General Chemistry. Ang dahilan nito ay para naman daw makapagpahinga ang mga lumahok sa contest noong nakaraang linggo.

Syempre, para sa mga normal na estudyante, matutuwa dahil walang sakit sa ulo ang magaganap. Puro saya lang.

Pero sabi ko nga, sa lagay ko, mas gugustuhin ko ng sumakit ang ulo kakaaral kaysa sumakit ang ulo ko sa ingay sa paligid.

Buong Senior High Department ay nasa labas ngayon dahil nga hindi lang naman kaming STEM ang walang klase, gayon din ang ibang strand.

May mga college din kaming nakikita sa paligid, dahil sa mga ID lace nila kaya madali silang makilalang college student dito.

And speaking of college student, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Kipp. Simula kasi nung iwan ko siya sa restaurant noon, hindi na ulit kami nagkita.

Hindi sa hinahanap ko siya, pero nasanay na rin kasi akong nandyaan siya. Iyong may bubungad sa akin ang nakakainis niyang ngiti.

Baka nakahanap na ng ibang iinisin?

"Hindi ka ba naaasiwa sa mga babaeng yon? Ang iingay, sa canteen pa talaga."

Tumigil ang pag-iisip ko tungkol kay Kipp ng muling magsalita si Karla.

"Hindi naman. Nagutom kasi ako kaya pumunta muna ako dito."

Masakit lang talaga sa ulo iyong ingay nang mga tilian nila.

"Hulaan ko kung saan ka galing? Sa library no?"

Tumango ako, "Paano mo nalaman?"

"Kailangan pa bang i-memorize yan? Saan ka pa ba pupunta kapag vacant?" Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin.

"G-Ganoon ba?" Pilit akong tumawa kahit sa tingin ko ay wala namang nakakatawa.

"Pero parang may napapansin akong kakaiba." Nagbago ang tono ng pananalita niya.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now