Chapter 22

62 8 7
                                    

Chapter 22

"Hindi ba delikado dyan?"

Napalunok ako nang kami na ang susunod na sasakay sa Super Viking. Pangatlong rides na namin 'to at suko na ko!

Nandito kami ngayon ni Kipp sa Sky Ranch pagkatapos namin bumili ng damit ko pamalit. Kaya pala pinilit din niya kong mag pantalon ay may balak siyang dalin ako dito.

Umiling siya at mukhang excited pa.

"No. Hindi naman nila papasakay yan satin kung delikado," pambabara niya pa.

"Ayoko, mukhang nakakatakot." tanggi ko, "Hintayin nalang kita dun." Tinuro ko ang bench na nasa gilid.

"Next," tawag ng staff dito.

Agad akong umiling kay Kipp pero ngitinian lang niya ko at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go!" masayang sigaw niya habang ako ay pilit na bumibitaw sa kanya.

Sa lakas niya ay wala rin akong nagawa kung hindi kumapit ng mabuti sa handle at mariin na piniki ang mata ko.

"Hey! Open your eyes!" Rinig kong sigaw ni Kipp ng magsimula ng umandar ang ride.

Gusto kong sumigaw sa takot pero walang lumalabas na boses sakin.

Para kong masusuka na ewan!

Naramdaman kong inabot ni Kipp ang isang kamay ko habang ang isang kamay naman niya ay umakbay sakin.

"Dito lang ako, huwag ka matakot." bulong niya sakin habang papataas naman kami ngayon.

Hinampas ko siya ng malakas pagkababa namin. Pero siya, nakuha niya pang magvideo kanina habang takot na takot ako!

"Kawawa naman 'tong kasama ko," natatawa niyang sabi sa gilid ko habang paulit-ulit na pinapanood ang video namin kanina.

Nilagay niya pa yata sa IG story niya! Kaasar!

"Burahin mo sabi yan!" Inis na sabi ko pero agad din niyang tinago ang phone niya.

"Saan tayo next?" pambabalewala nanaman niya sa hinaing ko at nginisian lang niya ko.

"Uwi na tayo, ayoko naman sumakay sa mga rides e," reklamo ko sa kanya. Totoo naman, takot ako sumakay sa mga ganyang type ng rides kase pakiramdam ko, mahuhulog ako.

"May 2 hours pa ko sayo bago kita ibalik no, sulitin ko na," aniya at hinawakan nanaman niya ko sa kamay para hilahin doon sa may bench.

Sumosobra na to kakahila sakin ah!

"Wait for me here. Bili lang ako drinks," sabi niya ng pagkaupo ko.

Tumango lang ako at pinanood siyang umalis sa pwesto ko.

Nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda rito, sobra. Tapos ang ganda pa ng klima. Aayain ko rito sila Mama at Papa kapag may pagkakataon.

"Here, inom ka muna." Napatingin ako kay Kipp ng umupo na siya sa tabi ko at inabot niya sakin ang isang coke in can.

"Salamat," sabi ko at akmang ilalabas ko sana ang pera para bayaran siya ng umiling lang siya agad.

"No need, sabi ko naman sayo akong bahala e."

Ayoko tuloy siyang awayin ngayon at pagsungitan. Ang dami na niyang nagastos ngayon, at puro libre ang ginawa niya sakin.

Masarap naman siyang kasama. Actually, hindi naman ako nabored ngayong araw. Sadyang iniinis lang niya ko kapag tumatahimik ako bigla.

"Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong titigan, nakakailang e." Natatawang sabi niya at hinampas ko lang siya sa braso niya.

Hindi ko napansin na nakatitig pala ko sa kanya the whole time!

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now