Chapter 23

56 9 8
                                    

Chapter 23

"May lecture ka dito, El?" tumango ako kay Bea at pinahiram muna sa kanya ang notebook ko.

Nandito ako ngayon sa room, lahat kami ay nag stay nalang dito para magreview. Next week na kase ang midterms at kailangan naming pumasa doon. Graduating students na kami kaya hindi na pwede ang chill lang.

Well, palagi naman akong seryoso pagdating sa pagtetake ng exam, o quizzes. Ayokong maapektuhan ang scholarship ko.

"Kain muna kaya tayo?"

Busy ako sa pagha highlight ng mga keywords para aaralin ko nalang mamaya.

"Kahit ikaw nalang muna, Kate." sabi ko.

Kinuha niya ang isang bakanteng upuan at pumunta sa harapan ko. Umupo siya doon at nagpangalumbaba nalang siya.

"Tara na, saglit lang naman tayo kakain."

Napabuntong hininga nalang ako at pumayag. Inayos ko lang saglit ang gamit ko. Hindi ko nalang siguro dadalhin ang bag at libro ko tutal nandito din naman mga kaklase namin.

Dala ko lang ay iyong cellphone at wallet ko.

"Sayang kasabay ng exam natin ang game nila Kipp."

May game sila? Akala ko last game na nila nung nakaraan.

"Friendly competition lang ng ibang university, pero sayang pa din." Pagpapatuloy ni Kate.

Simula nung nagpunta kami ni Kipp sa Tagaytay ay hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam. Baka busy rin sa training.

Napailing ako ng iniisip ko nanaman siya.

"Burger nalang sakin, sayo El?"

"Same nalang," tipid kong sagot at nilibot ang paningin ko sa canteen.

"Uy, hinahanap yung kadate niya nung Saturday." nanlaki ang mata ko sa panunukso ni Kate at sinenyasan siyang hinaan niya ang boses niya.

"Wag ka maingay, tsaka hindi date yun." saway ko sa kanya at tinignan ko pa kung may nakarinig.

"Sus, no need na para itanggi. Ikaw ang puro laman ng IG story ni Kipp, kaya halos lahat dito alam na girl." nakangising sabi niya pa.

"N-Nasa IG niya?" Gulat na sabi ko.

Tumango siya at pabiro pa kong tinulak. "Ikaw ha, gusto mo rin pala ng engineer." natatawang sabi niya.

Agad akong nagbukas ng IG account ko pero narealize kong hindi ko alam ang username niya.

"A-Ano username niya?" nahihiyang sabi ko. Paniguradong tutuksuhin nanaman niya ko!

Ngumisi nanaman siya, "kippblair"

Agad kong tinignan ang account niya.

104 following • 3579 followers

Hindi na ko nagulat na marami siyang followers. Agad kong tinignan ang story niya at iisa nalang ang nandoon, 2 days na rin naman kasing lumipas kaya wala na yung 'ibang' sinasabi ni Kate.

23 hours ago na ang story niya na yun at kahapon lang niya pinost. Iyon yung video niya sakin na naghihintay ako sa bench ng bumili siya ng drinks namin. Papunta na siya sa pwesto ko nun sa video.

Teka, hindi ko alam na may ganito akong video sa kanya!

"I miss you already, wait for me to come to you again, ayieee ang tamis ha!" pagbasa ni Kate sa caption ni Kipp sa video.

Nag-init ang pisngi ko ng mabasa ko rin iyon at parang may kung ano sa tiyan ko. Agad kong inexit ang IG story niya at pinatay ang cellphone ko.

Bakit kailangan ganon ang caption niya?!

It's You [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ