Chapter 28

58 5 3
                                    

Chapter 28

[Congratulations, El. I'm so proud of you!] bungad ni Kipp pagkasagot ko ng tawag.

Ngayong araw ang graduation namin at nag celebrate lang kami dito sa bahay kasama si Kipp. Pero agad din niya akong tinawagan ng makauwi siya sa kanila.

Actually, kanina lang ulit kami nagkita. Tatlong araw rin magmula nung gathering nila.

"Thank you, pang ilang beses na yan!" natatawang sabi ko.

Kami-kami lang nila mama, papa, si Kipp at Mirla ang nag celebrate dito sa bahay. Hindi rin nagtagal si Kipp dahil next week ang deadline ng mga plates niya tapos may ginagawa pa yata sila about machines, ewan ko pero nitong mga nakakaraang araw iyon daw ang kailangan nilang matapos.

[What's your plan? Nakapag-isip kana ba ng university?]

Napanguso ako, "Hindi ko pa alam pero gusto kong mag nursing at ituloy hanggang med."

Iyon naman talaga ang original plan ko. Kaya lang naman ako nag stem ay para science related na rin.

[Really?! That's great, El.]

"Magrereview na ko nyan for entrance exam sa SAA,"

[Kaya mo yan, tama. Sa SAA ka nalang din para madalas kita makasama.] narinig ko pa ang tawa niya kaya napangiti nalang ako.

"Sige na, gawin mo muna yung mga gagawin mo para matapos mo na." putol ko sa usapan namin.

Narinig ko pa siyang napabuntong hininga, [Yeah, I wil call you tomorrow. Maybe we can grab a lunch since kailangan kong bumawi sayo and celebration na rin natin sa graduation mo, bata.]

Napairap ako, "Hindi ako bata!"

Pinagtatawanan lang niya ko sa kabilang linya, [Okay, beb.] pilyo niyang sabi kaya natawa nalang din ako.

Kinabukasan ay sinundo lang ako ni Kipp sa bahay para kumain kami sa labas. Nandito lang kami ngayon sa isang restaurant at ang dami nanaman niyang inorder!

"Nawala lang ako ng tatlong araw, pumayat kana." naiiling na sabi niya habang matamang nakatingin sakin habang hinihintay namin dumating ang order.

"Ang feeling mo naman," sabi ko at napairap. "Ang OA ha," natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Totoo naman, kaya nagmumukha kang bata e. Maliit na nga-- aray!" reklamo niya ng tinampal ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Tumahimik ka nga dyan, Kuya."

"Ouch," umakto pa siyang nasaktan sa sinabi ko, "Kuya amputa."

Tinignan ko lang siya ng masama sa pagmumura niya.

Hindi ako tinigilan ni Kipp sa pang-aasar niya hanggang sa dumating ang mga order. Ang dami!

"Ubusin mo yan ah, three days ang kailangang bawiin." aniya habang hinihiwa ang steak na ibinigay din niya sakin.

Napailing nalang ako at pinigilang ngumiti.

"Kumusta yung mga requirements mo?" tanong ko sa kanya.

Sumubo muna siya bago sumagot, "Tapos ko na, ipapass ko nalang. Sabi sayo kaya ko yun e," mahanging sabi niya.

"Edi congrats," sabi ko nalang pero deep inside, masaya talaga ko dahil alam kong pinaghirapan at pinag puyatan niya yun kahit di niya saken sabihin.

STEM student ako at pinagagawa rin kami ng plates, napaka basic nun kumpara sa ginagawa nila ngayon.

"Next month pala ang entrance exam sa SAA, tinanong ko sa student council, do you want me to accompany you?"

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now