Chapter 2

183 18 8
                                    


Chapter 2

Anong problema nang isang 'yon at bigla na lang nya kong kinausap? At anong sinasabi nyang ipapatanggal niya yung tarpaulin ko sa harap ng school? Ano namang koneksyon nya sa tarpaulin na yon?

Hanggang sa makauwi ako sa amin ay si Kipp lang yung nasa isip ko. Sa ilang taon ko sa St. Andrew's, ngayon ko lang siya nakausap at ngayon lang din niya ko kinausap. Ano yon, dahil ba sa pagkapanalo ko? Pero malabo iyon. Ilang taon na kong nananalo sa mga pa contest sa school at kailanman ay hindi nya ko kinausap.

Kipp Blair Esvega. Ahead siya sa akin ng dalawang taon. Grade 12 ako, siya 2nd year college na sa St. Andrew's Academy. Madalas ko siyang makita sa school dahil dinaig pa niya ang supervisor ng school. Kahit saan ay makikita mo siya kasama ng grupo niya. Nakakapagtaka nga kung nag-aaral ba siya o tumatambay lang sa school. College na pero parang asal high school student pa din.

Mayaman din ang pamilya nito dahil "Esvega" siya. Isang kilalang pamilya dito sa lugar namin. Marami silang ari-arian. Ang usap-usapan nga ay ang lupang kinatitirikan ng mga bahay dito kabilang ang sa amin ay pag-aari ng pamilya nila.

"Anak, may pinabibigay nga pala si Mirla sa'yo. Kuhanin mo na lang sa cabinet mo." Sabi ni Mama pagkatapos naming kumain.

"Nagpunta siya dito kanina Ma?"

"Hindi pero pinaabot niya kay Ka Jojo."

Napatango lang ako at nagpaalam na na magpapahinga na. Akala ko pa naman ay pumunta siya dito kanina ng wala ako. Mahigit isang linggo ko na rin iyong hindi nakikita. Ano nanaman kayang ginagawa noon?

Tinignan ko kung ano iyon at nakita ko yung notebook ko na hiniram niya sa akin noon. Lagi siyang nanghihiram sa akin ng mga notes ko dahil mas advance kami sa lesson kaysa sa ibang school. Malaking tulong kay Mirla iyon dahil gusto niya talagang maka graduate ng may mataas na award. Okay iyon at susuportahan ko siya.

Xyler

"Xyler.." Basa ko doon sa nakasulat sa likod ng notebook ko.

Sobrang liit lang nito at nasa sulok pa. Ito yung time na wala kaming teacher at pasimple ko itong isinulat nung nasa unahan siya habang tumutugtog siya ng gitara. Habang tumutugtog siya ay iniisip ko na para sa akin ang kantang 'yon. Ewan, pero ang laki talaga ng pagkagusto ko sa kanya. Since grade 8 yata ako, siya lang ang naging crush ko. Sadyang mahina lang ang loob ko para umamin. Ni kausapin nga siya hindi ko magawa.

Kinabukasan ay nasa jeep pa lang ako ay tinatanaw ko na ang gate ng school. Ilang saglit pa ay nakita ko na ito at tulad nga ng sabi ni Kipp, wala na nga yung tarpaulin ko!

Base nung mga nakakaraan, bago tanggalin ng school iyon, tatagal muna ng one week bago tuluyang tanggalin. Pero, ngayon, tumagal lang ng isang araw! Hindi naman sa ayaw ko iyon, pero hindi ako makapaniwala na nagawa nga iyon ni Kipp! Akala ko niloloko lang niya ko at pinagtitripan kahapon! Hindi pala!

Kahit naguguluhan ako sa ginawa ni Kipp, pinagpatuloy ko na lang ang pagpasok ko sa loob. Pero bago pa man ako makapasok sa room namin, nakita ko si Kipp na nakatayo sa gilid ng room namin.

Hindi ko alam pero napahinto ako saglit. Napakunot ang noo ko nang tignan niya ako at nandoon nanaman yung ngisi niya!

"Good to see you, Miss One Placer." Nakangising sabi niya at naglakad papunta sa pwesto ko.

Napaatras ako bahagya at nakakailang na dahil ang dami nang taong nakatingin sakin!

"A-Anong kailangan mo?" Kinakabahang sabi ko.

Humalukipkip siya sa harapan ko at mas lalong lumawak ang ngisi niya. Nilibot ko ang paningin ko at napahinto ako ng makita ko si Xyler na matamang nakatingin sa pwesto namin. May sukbit siyang gitara sa likod kasama ng mga kaibigan niya.

"Here,"

Napalingon ako kay Kipp at nakita kong may hawak siyang isang maliit na papel.

"Anong gagawin ko d'yan? At bakit mo ako k-kinakausap?" Nalilitong sabi ko sa kanya.

"Call me immediately when your class is over, " Kinuha niya bigla ang kamay ko at inilagay niya yung kapirasong papel dito.

Magsasalita pa sana ako pero nagsimula na siyang maglakad papaalis.

"P-Pero, Kipp!" Nag-aalangan man ay tinawag ko pa rin siya.

Napahinto siya sa paglalakad at malawak ang ngising lumingon ito sa akin.

"It's good to know that you already know me. No need to introduce myself to you, Miss One Placer." Kumindat pa siya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Basta, tawagan mo ko mamaya sa number na 'yan. Hihintayin ko." Aniya at nagsimula ulit maglakad papaalis sa building namin.

Napuno ng bulungan ang hallway dahil kay Kipp, at siguro, dahil na rin sa akin. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung may nagawi ditong college student at si Kipp Esvega pa talaga. Lalo naman nung kinausap niya pa ko.

Pasimple kong nilingon si Xyler habang nasa gitna kami ng klase ngayon. Nakatingin lang siya sa notebook niya habang nilalaro yung ballpen niya sa kamay. Hindi ko alam pero para kong nagtaksil kanina sa kanya dahil kausap ko si Kipp. Kahit na wala naman talaga yon at wala naman siyang pakialam kung sino man ang kasama at makausap ko.

"Okay, so I will choose your partner for your next activity. Your activity will be in partners. And you will do a witten report about the dimensions of communication. Kayong bahala kung paano niyo gagawin yon. " Sabi ng teacher namin sa Oral Communication. "The submission date will be next week so I hope, you will finish it in time. Understood?"

Sumang-ayon lang kami at hinayaan na mag-announce ng mga pangalan na magkakapareha sa activity namin.

"Llanos, Elya Kristen and Montecillo, Xyler Grey."

Nagising ang buong diwa ko ng sabihin ng Prof namin ang pangalan namin ni Xyler.

"P-Po?" Gulat kong tanong at hindi ko na napigilang mapalakas ang sabi.

Nagtinginan ang mga kaklase ko at kahit yung Prof namin ay napatigil sa pag-aannounce.

"Pardon, Miss Llanos?"

Napailing ako at napayuko na lang sa kahihiyan. "W-Wala po. Sorry."

Napatango lang ito at pinagpatuloy ang pagsasabi ng mga pangalan. Habang ako ay namumula na. Iisipin ko pa lang na magkasama kami ni Xyler sa paggawa ng kung ano mang activity yon, hindi ko na alam gagawin ko kapag kinausap niya ko.

Tinignan ko siya sa likuran ko at muntik na kong masamid ng makitang nakatingin pala siya sa akin!

"So, when will we start?" Tanong niya habang patuloy na nilalaro yung ballpen niya sa kamay. Kahit na nadidistract ako doon at sa mga tingin niya sakin, pinilit kong maging normal sa harap niya.

"I-Ikaw? Kailan ka ba pwede?"

Nagkibit-balikat lang siya, "Ikaw bahala."

"S-Sige.. sasabihin ko na lang sa'yo kung kailan." Tumango naman siya at iniiwas na ang tingin.

Unti-unti akong umayos nang upo at kinapa ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa simpleng pagkausap ko sa kanya.

Sana naman, makayanan kong makasama siya buong week. Magkakaroon yata ako ng mini - heart attack dahil kay Xyler.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now