Chapter 1

304 27 12
                                    

Chapter 1

Pagkababa ko pa lang ng jeep ay tanaw ko na kaagad ang malaking tarpaulin na nakalagay sa malaking gate ng St. Andrew's. At sa mga oras ding 'yon, nagtinginan na lahat ng tao sa akin.

Nahihiya man ay ngumiti na lang ako at nagmadaling pumunta sa room ko. Pero ang buong akala ko na makakaligtas na ko sa usapan sa labas, hindi pa pala.

"Elya! Congratulations!" Sabay-sabay nilang sigaw at napaigtad pa ko sa gulat.

Nahihiya akong ngumiti, "Thank you."

"Grabe! Ang galing mo talaga! Natalo mo 'yung ibang school!"

"Oo nga! Sabi ko na nga ba, si Elya mananalo sa Science Quiz Bee e!"

"Ang hirap kaya ng Science! Lalo na kapag sa competition pa!"

Nakayuko akong umupo sa pwesto ko at inayos ang mga gamit kong naiwan ko pala last week. Buti na lang ay walang nag-interes kuhanin.

Hindi ako sanay sa mga papuring binibigay nila sa akin. Mahiyain ako at madaling mailang sa ibang tao. Kaya kahit na taon-taon naman akong pinanlalaban ng school sa mga ganitong contest, hindi pa rin ako sanay kapag nakakakuha ko ng award.

Nakakatuwa lang dahil naa-appreciate ng St. Andrew's ang isang tulad ko.

Hindi ako isang nerd dito o kung ano mang weird na estudyante. Simple lang ako at sadyang may pagka anti-social lang ako. Hindi ako palagala at wala rin akong barkada dito sa school. May kaibigan naman ako pero sa ibang school sya nakapag-aral dahil hindi umabot ang naging score nya noon sa entrance exam.

"Hey."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong mataman lang nya akong tinitignan.

"B-bakit?" Sabi ko nang bumaba ang tingin nya at bumalik din sa mga mata ko.

Nakakailang dahil tinitignan nya ko ngayon. Mabuti na lang ay nakaupo ako dahil nararamdaman kong nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa presensya nya.

"Is that your pen?" Aniya at tinuro pa niya yung ilalim ng upuan ko.

"Ha?"

Sinilip ko kung ano iyong sinasabi nya at nakita ko nga sa ilalim ng upuan ko ang ballpen kong matagal ko na ring hinahanap.

Napapikit ako at mariing hinawakan yung ballpen. Nilingon ko ulit sya, pero hindi na sya nakatingin sa akin. Kahit mukhang busy na ulit siya sa cellphone nya, naglakas-loob pa rin akong magpasalamat.

"Salamat.." Sabi ko at dahan-dahan siyang tinalikuran.

"Xyler!"

Napaangat ako ng tingin ng tinawag yung pangalan nya. Nakita kong masayang pumasok sa loob si Trent at nilapitan si Xyler sa likuran ko.

"Bro, kanina ka pa hinahanap don!" Rinig kong sabi nito.

"May klase kami ngayon. Maybe later."

Binuklat ko yung libro ko at sinubukang huwag makinig sa usapan nila pero masyado akong alerto kapag tungkol o may kinalaman sa kanya.

Hindi ko lang talaga pinapahalata sa lahat na may gusto ako kay Xyler. Una, nakakahiya. Pangalawa, wala akong lakas ng loob aminin 'to. Pangatlo, okay na yung sa akin na lang. Na ako lang nakakaalam. Lalo pa't kaklase ko sya at nasa likuran ko lang siya. Nakakahiya no.

"Pero malapit na yun, bro. Wala pa tayong plano. "

"Hindi yan. Madali na yon." Dinig kong sabi ni Xyler kay Trent.

Wala akong idea kung anong pinag-uusapan nila. Pero kung ano man yon, wala na kong pakealam don.

Nagsimula ang klase at bawat teacher na pumapasok sa room namin ay lagi akong minemention dahil sa pagkapanalo ko. Kaya naman ng dumating ang uwian, anhin ko na lang ay makalabas na dito sa school at magdasal na sana, bukas back to normal ulit ang buhay ko na daan-daanan at hindi pansinin.

Gano'n naman siguro talaga. Napapansin ka at nabibigyang-importansya ka kapag may nagawa ka ng tama.

Papalabas ako ng school nang makita ko ang grupo ni Xyler, malapit sa gate. Nagtatawanan silang lahat at halatang may pinag-uusapan.

Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa paglabas dahil nakakailang dumaan sa harapan nila.

Huminga ako ng malalim at yumukong naglakad at lampasan ang grupo nila. Pero nahagip ng mga mata ko na sinundan nya ko ng tingin. Kaya naman muntik na kong makabunggo ng tao sa harapan ko.

Ramdam ko ang tibok ng puso ko at hindi ito normal. Mabilis at parang gustong kumawala dahil sa tingin nyang iyon.

Napahawak ako dito at nanghihinang napaupo sa upuan dito sa waiting shed.

"Grabe. Tingin pa lang nya, ganito na." Wala sa sariling sabi ko.

"Ang alin?"

Mabilis akong napalingon sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si Kipp Esvega.

"B-bakit ka nandito?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Am I not allowed here, Miss One Placer?" Sumilay sa labi nya ang ngisi.

Napaiwas akong tingin at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat.

Sa araw-araw na pag-abang ko dito sa waiting shed, ngayon ko lang siya nakita dito. Pero teka, mayaman ang isang 'to at minsan ko na siyang nakitang sumakay sa kotse kaya anong ginagawa nya dito? At bakit hindi ko sya napansin kanina?

"Thanks to you, sumikat nanaman ang pangalan ng school sa pagkapanalo mo."Aniya at tumayo sa harap ko na syang ikinagulat ko.

Napatingala ako sa kanya at nakakaramdam na ako ng pagkailang. Yumuko siya ng bahagya at ilang dipa lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko!

"Anong g-ginagawa mo?" Kabado at litong sabi ko sa kanya pero mas lumawak lang ang ngisi nito.

Napahawak ako sa bag ko at napaatras nang  bahagya sa pagkakaupo.

"Mas maganda ka pala sa malapitan."

Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi nya. Anong problema nang isang 'to?

"Huwag kang magagalit kapag bukas wala na yung tarpaulin mo d' yan sa labas, ayoko nang picture mo don." Turo pa niya sa malaking tarpaulin kung saan nandoon ang picture ko nung nanalo ako sa Quiz bee.

Umayos siya ng tayo at pinamulsa ang dalawa niyang kamay.

"Masyado kang maganda sa tarpaulin na yon. Ayokong may ibang makakita no'n." Aniya at saktong may humintong itim na magarang kotse.

Bago siya umalis ay sumilay nanaman ang ngisi sa labi niya. Wala na siyang ibang sinabi at sumakay na siya doon.

Habang ako, iniwan akong naguguluhan sa kinauupuan ko. Hindi ma-absorb ng utak ko kung ano yung mga pinagsasasabi niya.

It's You [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang