Chapter 20

75 7 6
                                    

Chapter 20

Para akong tangang nakasilip sa bintana mula sa kwarto ko. Tanaw kase dito ang labas ng bahay namin kaya inaabangan ko kung may darating.

Sabado ngayon at ito ang araw na sinabi sakin ni Kipp. Pinagpipilitan niya talagang isama ako kahit ilang beses na ko tumanggi sa offer niya.

Bago pa ko makauwi kahapon ay inabangan niya ko sa labas ng room namin at sinabing susunduin raw niya ko ng 10am.

"Ginagawa mo dyan?"

Napatingin ako kay Mirla na kakabalik lang galing sa baba para kumuha ng egg pie na binili niya bago pumunta dito.

Sinenyasan ko siyang tumahimik kaya napataas nalang ang kilay niya.

"As if namang maririnig ni Kipp ang boses ko kapag nasa labas na siya," umirap lang siya sakin at tsaka tumalon papunta sa kama ko.

"Kakapalit ko lang nyan," turo ko sa bed sheet ko. "Baka naman malagyan yan ng mugmog ng egg pie." paalala ko sa kanya.

Binalik ko ang tingin ko mula labas at kinabahan ako bigla ng may dumaang itim na kotse kaya akala ko si Kipp na 'yon!

"Para kang tanga dyan, halika nga muna dito," pag-aaya niya sakin at inabot ang isang egg pie.

Tinanggap ko iyon at kumagat bago ibalik ang tingin ko sa labas. Kainis, bakit ko ba ginagawa 'to ngayon! Nasa bahay ako ngayon pero ako 'tong kabadong-kabado na pumunta siya dito.

"Tumanggi ka naman diba? Bakit inaalala mo pang pupunta siya dito?"

"That's the point," hindi makapaniwalang sabi ko kay Mirla. "Tumanggi na ko ng ilang beses pero kinukulit niya pa rin ako!"

Tinakpan ko pa ang bibig ko ng hindi ko mapigilang sumigaw. Napailing siya sa ginawa ko at sumenyas pa na para kong baliw.

"Kung sumama kana lang kase, gusto ka niya isama oh,"

Umiling ako.

Napa buntong-hininga nalang siya at nahiga sa kama ko.

"Kung ako 'yung inalok niya, jusko, agad-agad aayain ko na siya kahit overnight pa!"

"Bakit ba kase ako ang gusto niyang isama? Inis naman oh," bulong ko at sinilip ang labas kung may tao na ba.

9:50am na kaya mas lalo akong kinakabahan na baka nga pumunta siya kahit tumanggi akong sumama sa kanya.

Iniisip ko palang na sasama ko sa kanya sa Tagaytay, hindi ko na kaya. Imagine, aasarin at paga-attitud'an lang niya ko dun! Baka nga bigla niya pa kong iligaw e!

"Kase nga girl, gusto ka niya! Ang haba ng buhok mo ha! Anong shampoo?"

Inirapan ko siya. Hindi kase ako nakatiis na hindi sabihin sa kanya ang sinabi sakin ni Kipp. Hindi naman ako naniwala dun, pero itong si Mirla kulang nalang ay magpa spaghetti sa nalaman niya.

"Gusto niya kong guluhin," sagot ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita ko na si Kipp sa labas ng bahay namin!

"Ay gag-- Mirla!" mahinang tawag ko sa kanya at tsaka siya sinenyasan na nandito si Kipp sa baba.

Excited na sumilip si Mirla sa bintana at ipit na tumili siya kaya pinalo ko lang siya sa braso.

"Talk to him, sabihin mo wala ako, umalis." tarantang sabi ko at mas lalong nagtago sa kurtina.

Inirapan niya ako at padabog na umalis ng kwarto ko. Wala dito sina Mama at Papa dahil may inasikaso sila sa bahay ni lola. Alam naman daw nila na aalis ako ngayon kasama si Kipp, na 'kaibigan' ko naman daw.

It's You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon