Chapter 24

53 6 4
                                    

Chapter 24

Umalis din kaagad si Kipp pagkahatid niya sakin dito sa building namin. Pinipilit pa niyang ihatid ako hanggang room ko pero tumanggi nalang ako. Narinig ko kase kanina nung may tumawag sa kanya sa cellphone na hinahanap na siya ng coach nila. Mukhang nalate pa yata siya sa training niya.

"Blooming ang quiz bee warrior namin ha," bungad sakin ni Kate pagpasok ko sa room.

Napanguso ako at umupo na. Mukhang kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko sa pang-aasar niya samin ni Kipp.

Pakiramdam ko kase ay palagi na kaming magkakasama ni Kipp niyan. Hindi ko alam pero ganoon ang feeling ko, dahil sanay na kong nandyan siya lagi. Kapag hindi niya ko inaasar at kinukulit, parang.. parang hindi ako sanay na wala siya.

Buong klase ay hindi ako nakapag focus. Gusto kong labanan yung feeling na nararamdaman ko ngayon kay Kipp. Masyado na ba kong na-attached sa kanya? Iyong patagong ngiti at saya ba na nararamdaman ko kapag kasama siya ay hindi na inis?

Naguguluhan ako. Kase hindi naman ganito ang naramdaman ko kay Xyler ng magka crush ako sa kanya. Mas higit pa e.

"Uhm, Kate?" tawag ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa canteen ng Senior High department kaya hindi crowded.

"Why?" aniya habang busy sa pagkain.

Pinaglaruan ko ang daliri ko, "Paano mo masasabi na.. na g-gusto mo yung isang tao?" napapikit ako ng itanong sa kanya iyon.

Naguguluhan na talaga ko. Ilang araw ko nang pinipigilan na isipin ang bagay na yon, bago pa man kami mag Tagaytay. Isa rin sa dahilan kung bakit ayokong sumama sa kanya noon ay baka mas lalo akong ma-attached.

Parang isang iglap, nabura lahat ng paghanga ko kay Xyler ng halos tatlong taon.

"Bakit? Bumibigay na ba yan kay Kipp?" sabi niya at tinuro ang dibdib ko.

Nanlaki agad ang mga mata ko, "H-Ha?"

Napangisi siya at binitawan ang kutsara't tinidor niya.

"Alam mo, ikaw mismo makakasagot niyan. Tsaka, hello, si Kipp yan." napairap siya ng sabihin niya iyon. "Halos lahat may gusto kay Kipp, kaya nga ang daming masama ang tingin sayo e."

Napansin ko din iyon. Na sa tuwing dumadaan ako sa hallway o kapag naglalakad lang ako dito sa school, ang daming nakamata sa amin ni Kipp.

"P-Pero paano kung hindi ko masagot? N-Naguguluhan kasi ako." mahinang sabi ko at yumuko. Nahihiya ako. Para kaseng di ko naman deserve yung maramdaman ang mga ganito.

"Kapag ba kasama mo siya, lumalabas iyong tunay mong ugali? Like, madalas ka palang tumawa, ngumiti, magsungit?"

Tumango ako.

"Eh paano kapag hindi siya nagparamdam sayo, hinahanap mo ba presence niya?"

Tumango ako ulit.

"Anong mararamdaman mo kung isang araw hindi nalang siya magparamdam sayo? Yung para bang napagsawaan kana niyang kasama?"

Napatigil ako sa paglalaro ko nang daliri ko at parang may sumuntok sa dibdib ko ng may maramdaman akong sakit. Parang umiikot ang sikmura ko ng maisip kong baka ganon ang mangyari samin.

"See? Halata sayo na nasaktan ka, the fact na sinabi ko lang yung possibility na yun." sabi ni Kate at ginulo ang buhok ko.

"Gusto mo siya, El."

Napaangat ako ng tingin sa kanya at dahan-dahang tumango. Suko na ko. Kailangan ko lang siguro ng may magsasabi sakin na gusto ko na si Kipp.

"N-Natatakot ako, Kate. Baka trip lang niya ko." Hirap akong lumunok. Mas ahead siya sakin ng dalawang taon. Mas malawak ang environment niya kaysa sa akin. Mas marami siyang makikilala.

It's You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon