Chapter 13

59 9 1
                                    


Chapter 13

Lahat yata nang kahihiyan ko sa katawan ay biglang naglaho sa araw na 'to.

Ngayon ko lang kasi na realize na nakakahiya pala ang ginawa kong basta-basta na lang pumasok sa college department at pumunta sa Engineering Building.

Mabuti na lamang talaga at walang masyadong estudyante ngayon dahil maski mga college student ay nakikisaya sa labas. May mga nakasalubong pa ko kanina na ang usapan ay ang laro nila Kipp ngayon.

Mukha ngang hindi nagbibiro si Karla sa sinabi nyang mahigpit ang laban ngayon sa basketball.

Kinuha ko ang susi at binuksan ang locker ni Kipp. Wala itong masyadong laman, bukod sa jersey niya, may dalawang libro lang na nakalagay dito. Akalain mong estudyante pala talaga siya.

Nasa paper bag na ito kaya hindi na ko nahirapang bitbitin ang jersey ni Kipp. Pero bago ko isara ulit ang locker niya, napansin ko ang kapirasong papel na nakadikit sa loob.

See? Alam kong hindi mo ko matitiis.
-K

Sulat-kamay niya iyon. Pero imbis na mainis sa kanya ay napailing na lang ako at bahagyang napangiti sa sinulat niya. Paanong hindi ko siya matitiis kung narinig ko kung paano siya pagalitan ngayon ng coach niya!

At alam kong sinadya niya talaga iyong iparinig sa akin para makunsensya ako kung sakaling hindi talaga ko pupunta!

...

Nang makarating ako sa Western University ay lakad-takbo na ang ginawa ko para lang makarating kaagad sa gym ng school nila. Mabuti na lamang at open gate ngayon dito kaya hindi ako nahirapang makapasok.

Hindi na rin ako nagtanong pa kung saan ang gymnasium nila dahil nakapunta na rin naman ako dito noon nung lumaban ako sa Math Competition dati.

Nasa bungad pa lang ako ay halos mabingi na ako sa hiyawan nang mga tao rito. Muntik pa nga akong matumba nang may biglang gumitgit sa akin nang makapasok ako.

'Mukhang ganado ang Western University!' Saad ng commentators.

Lalong lumakas ang hiyawan ng maka shoot ulit ang Western University.

Nasa gilid lang ako at pilit na tinatanawan si Kipp mula dito. Ang hirap lang kasi dahil kailangan ko pang tumingkayad para lang makita ang nasa unahan.

Nasa kabilang side ng court ang St. Andrew's Academy at otomatikong huminto ang paningin ko kay Kipp na prenteng nakaupo lang doon habang hawak ang phone niya. Doon lang siya nakatingin at hindi pinapansin ang coach niyang halatang sinisigawan pa rin siya.

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil ako pa itong nai-stress kaysa sa kanya! Kinuha ko ang phone ko at tinext siyang nandito na ako.

Maya-maya lang ay nakita kong nilibot niya ang paningin niya at tila may hinahanap.

"Ano ba yan! Bakit kasi ayaw pang maglaro ni Kipp!"

"Sampo na ang lamang ng kalaban! Baka matambakan lalo sila!"

"Tapos na-injury pa si Triston! Talagang si Kipp na lang ang pag-asa!"

Huminga muna akong malalim bago makipagsiksikan sa mga taong nakaharang papunta sa pwesto nila Kipp.

Nang malapit na ako sa pwesto niya ay saka lang niya ko napansin. Agad siyang napatayo sa kinauupuan niya at malawak ang ngiti niyang sinalubong ako.

"I thought you would not come --"

"Huwag ka nang magsalita! Bilisan mong magbihis!" Sigaw ko na nakapagpa gulat sa kanya.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtataka nang coach nila kung bakit ako nandito sa pwesto nila. Ganoon din ang ibang manonood dahil ramdam ko ang mga pinupukol nilang tingin sa akin.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now