Chapter 10

65 9 1
                                    


Chapter 10

"Elya! Nandito na si Mirla!" Sigaw ni Mama mula sa labas.

Automatic na napatayo kaagad ako sa pagkakahiga dito sa sala at agad na lumabas ng bahay.

"Elya!"

Napangiti ako ng makita ko na ngang nandito na si Mirla sa bahay. May usapan kasi kami na pupunta siya dito sa bahay para mamasyal. Ilang linggo na rin nung huli kaming magkita.

"Kanina pa kita hinihintay! Ang tagal mo," Reklamo ko.

Tinapik lang niya ang braso ko, "Inutusan pa ko ni Tatay na kuhanin sa kapitbahay namin yung bisekleta niya."

"Oo na, pasok tayo." Pag-aaya ko na lang.

"Kumusta na nga pala? Nagamit mo ba yung mga naging notes ko?"

Tumango naman siya. "Oo, di hamak namang mas advance kayo sa lessons no."

Bahagya kong hininaan ang volume nung TV namin para makapag-usap ng maayos.

"E ikaw? Anong update sayo? Bukod sa pagiging tahimik mo sa school niyo?"

Napairap ako sa pagiging sarkastiko niya. "Ayon. May nagbago naman kahit papaano."

Bigla siyang napaayos ng upo," Ha?! Teka-- parang sa tinagal-tagal mo dun, ngayon mo lang yan nasabi sakin! Bakit?"

Sabi ko na nga ba, magiging alerto siya kapag sinabi ko yun. Lagi ko kasing sinasabing wala namang pagbabago sa environment ko sa school.

"May nanggugulo sakin."

"Ha?! Don't tell me, binubully ka?! Sumbong natin sa Dean niyo!"

Agad akong umiling at sinenyasang hinaan lang niya ang boses niya.

"Ano ka ba! Hindi no."

Napakunot ang noo niya, "Kung ganoon, ano? sino?"

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa upuan.

"College student sa SAA."

"College? E diba magkahiwalay ang building ng Senior High sa College?"

Tumango ako. Iyon na nga e. Magkahiwalay na, pero nakukuha pa niyang pumunta sa building namin para lang inisin ako.

"Anong ginagawa sayo? Wait, girl or boy?" Curious niyang tanong.

"Lalaki."

Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo pa yata siyang na-excite sa kwento ko.

"Anong ginagawa sayo? Sinasaktan ka ba?!"

"Hindi sa ganon. Alam mo yung nang-iinis siya? Kung anu-ano sinasabi. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba siya." Knowing Kipp, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng isang yon.

"Alam mo kung anong name niya?" Nakangiti niyang tanong.

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Bakit ka nakangiti?"

Umiling lang siya, "So, anong name niya?"

"Kipp Esvega."

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at bigla na lang siyang tumili.

"My goodness! As in, Kipp Blair Esvega?!"

Tumango ako at pilit siyang sinesenyasan na tumahimik. Baka kung anong isipin ni Mama sa labas.

"W-Wait! Kailan ka pa niya kinausap?"

Napakibit-balikat ako, "Ewan. Mahigit isang linggo na rin yata. Nagulat na lang din ako ng bigla niya kong kausapin after ng contest ko e."

Napakurap ako ng bigla siyang mag snap ng daliri niya. "Baka kaya type ka niya? Tapos nanalo ka pa sa contest niyo nun?"

Ako? Ibang klase ang imahinasyon ni Mirla. Hindi ko kinakaya.

"Magtigil ka nga diyan! Hindi no!"

"Pwes kung ganoon, ano namang reason niya kung bakit ka niya kinausap n'on?"

Napahinto ako saglit. Kasi maski ako, hindi ko rin alam.

"See? Baka nga type ka niya! Alam ko na yang galawan na yan! Yan yung mga tactics ng mga boys kapag gusto nila ang isang babae, iinisin nila." Aniya.

"Hindi nga sabi! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Mirla!"

"Bakit? Totoo naman!" Masayang sabi pa niya.

Kinikilabutan ako sa sinabi niya.

"Nakakakilig naman, Elya! Sobrang jackpot ka na kay Kipp! Mayaman na, gwapo pa!" Tili niyang sabi.

Napailing na lang ako at unti-unti na kong nandidiri sa sinasabi niya.

Hanggang sa gumabi ay patuloy pa rin sa pangungulit sakin ni Mirla yung tungkol kay Kipp. Gusto ko na nga siyang batukan sa paulit-ulit niyang sinasabing 'type' daw ako ni Kipp. Iisipin ko pa lang yon, nakakasuka na.

Napaka imposible noon dahil sa estado pa lang namin, imposible na talaga! At sa mga tipo ni Kipp, malayong-malayo ako sa matitipuhan niya. At wala akong pakealam! Kay Xyler lang nga ay imposible ring mangyari na magkagusto rin siya sa akin.

Mga bandang alas-siete ng gabi umuwi si Mirla sa kanila. Taga kabilang baryo pa siya kaya bawal talaga siyang malate ng uwi.

Pumasok lang ako sa kwarto ko ng lumalim na ang gabi. Nakatulala lang ako sa kisame at palaisipan pa rin talaga sa akin kung bakit hanggang ngayon, kinakausap pa rin ako ni Kipp.

Hindi lang iyon, talagang inuutusan pa niya kong dalhin ang jersey niya sa laban niya!

Speaking of Jersey, bahala siyang hindi makapaglaro sa game niya! Talagang gusto niya kong inisin na sa puntong pagdadala na lang ba naman ng susuotin niya, sakin pa niya pinapagawa! Sa pagkakaalam ko, hindi naman kami ganoon ka-close sa isa't isa para mag demand siya sa akin ng ganoon!

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text sa akin. Sana naman huwag si Mirla na nangungulit pa rin.

Binuksan ko ito at hindi si Mirla. Unknown number ito kaya nakakapagtaka lang. Wala akong ibang pinagbigyan ng number ko, tanging sina Mama lang at yung mga kakilala ko lang.

I know what you're thinking right now. Let me remind you, mahirap pakiusapan ang coach ko. - Unknown

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko at malakas ang kutob ko na kilala ko na kung sino ito.

Maya-maya lang ay tumunog ulit ito at siya ulit ang nagtext.

Kaya huwag mo nang subukang hindi pumunta. See you soon, Miss One Placer :)  - Unknown

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now