Chapter 14

68 10 6
                                    


Chapter 14

Nagkakagulo ngayon ang mga tao sa loob ng gymnasium kaya pinilit kong makalabas doon kahit na ilang beses akong natapakan.

Pinagpag ko yung sapatos kong kanina lang ay itim na ngayon ay kulay brown na sa duming nakuha nito.

"Sikat pala talaga si Kipp." Naiiling na sabi ko at umupo sa isa sa mga benches nila dito.

Ano na kayang nangyari sa battle of the bands? Kahit gustuhin ko mang pumunta sa school, hindi ko naman magawa kasi ang hinayupak na Kipp na yon, sa akin niya binigay yung mga gamit niya bago siya naglaro kanina!

"Kipp! What are you doing?!"

Hindi pinansin ni Kipp yung coach niya sa pagsigaw.

Nanlalaki ang mga mata ko ng pumunta sa bleachers si Kipp at huminto sa harapan ko.

"A-Ano bang ginagawa mo, Kipp?" Nagtatakang sabi ko sa kabila ng hiyawan dito sa paligid.

"I will make sure na hindi mo ko tatakasan." Aniya bago ilapag ang bag niya sa harapan ko.

"Nandyaan ang lahat ng gamit ko, phone, money, shirts and stuffs. Ikaw na bahala." Nakangising sabi niya at wala sabing tumakbo papunta sa court.

Kaya ngayon, wala akong magawa kung hindi hintayin siyang matapos doon sa loob nang maibigay ko na sa kanya ito.

Ano bang maiaambag ko kung mapanood ko man siyang maglaro? Aaminin ko, magaling talaga siyang maglaro ng basketball kahit wala naman akong alam sa larong iyan. Pero base sa pinakita niya kanina, halos siya ang pumupuntos kaya nakalamang sila sa kalaban.

Hindi ko na nga napansing isa na pala ako sa nakikihiyaw kanina. Sa palagay ko naman ay hindi na iyon alam ni Kipp na pinagchi-cheer ko siya kanina. Sa dami ba naman naming sumisigaw, malabong marinig niya ang boses ko.

"Finally, found you."

Napalingon kaagad ako sa likuran ko at sumalubong sa akin ang paiwasang Kipp.

"Bakit ka umalis doon?"

"Maingay." Tipid kong sagot.

Tumayo ako at inilahad sa kanya yung bag niya. "Oh, siguro naman titigilan mo na ko?" Sarkastikong sabi ko pero nginisian lang niya ko.

Nakakainis talaga yung bawat expression ng mukha niya. Akala mo laging naghahanap ng away sa nakakaloko niyang tingin at ngiti.

"Pero, ang galing ko di'ba? Ako nagbuhat ng team namin." Aniya at nag flex pa sa harapan ko.

Napairap nalang ako at napailing. "Ang yabang mo talaga." Bulong ko.

"Huh? What did you say?" nakakunot niyang sabi.

Umiling lang ako at pilit na inabot sa kanya yung bag niya na kinuha naman niya.

"Uuwi na ko. Congratulations pala." Sabi ko at tumalikod na.

Pero bago pa man ako makalayo sa kanya, hinarangan na niya kaagad ang dadaanan ko.

"Hindi ka nagugutom? Treat ko, tutal champion naman kami." Nakangiting aya niya.

"Hindi na. Di'ba kapag ganyang champion, may victory party pa?" Tanong ko.

Sa mga nababasa ko kasi at napapanood, kapag nanalo sa isang game ang team, nagvi-victory party sila to celebrate.

Tumango naman siya, "Oo nga. Gusto ko sanang sumama, kaso lang wala kang makakasama ngayon."

"Bakit? Sino bang may sabi sayong kailangan ko ng kasama?"

It's You [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz