Chapter 15

62 9 0
                                    


Chapter 15

".. kaya kitang halikan dito."

Automatic na nag-init ang buong mukha ko sa sinabi ni Kipp. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya kaya wala sa sariling inatras ko ang upuan.

"Aray!" Malakas na sigaw ni Kipp ng di ko sinasadyang matamaan ang paa niya ng silya.

"S-Sorry! H-Hindi ko sinasadya," Tarantang sabi ko at agad na dumistansya sa kanya.

Naglapitan ang mga crew dito ng restaurant na agad na tinanong kung anong meron. Pero umiling lang si Kipp habang iniinda pa rin yung paa niya.

"Why did you do that?!"

Napakagat ako ng labi ng makita kong namula na iyong mukha niya. Masakit ba talaga?

"B-Bakit ka kasi nagsasalita ng gano'n!" Utal kong singhal sa kanya.

Ano ba kasing kademonyohan ang pumasok sa isip nito at nasabi niya iyon? Ano bang gusto niyang maging reaksyon ko sa sinabi niya?! Matuwa?

"Bakit kasi hindi ka naniniwalang gusto kita? Gusto mo lang yata kasing halikan kita!" Sigaw niya na lalong nakapagpamula ng mukha ko sa hiya!

Napalingon ako sa mga tao dito at iyong iba, nangingiti pa sa palabas na ginagawa namin ngayon!

"A-Ang kapal naman ng mukha mo no! B-Bahala ka nga d'yan!"

Agad kong kinuha iyong bag ko at saglit na tinignan yung pagkaing inorder niya para sakin. Nakakakonsensya na lang dahil ang mahal nito tapos iiwanan ko lang pero, nakakahiya kasi talaga!

Nagmadali akong umalis doon sa pwesto namin at iniwan si Kipp. Bahala na siya d'yan. Nababaliw na talaga ang isang yon.

"Wait! Elya!" Sigaw niya pero tuloy-tuloy lang ako.

Hanggang sa makarating ako sa labas ay hindi ko pa rin siya nililingon. Hindi ko na rin siya naririnig kaya hindi na niya ko siguro sinundan pa rito.

Mabuti na yon dahil pulang-pula na talaga ang mukha ko sa hiya!

Ngayon lang ako nakaranas nang may magtapat sa akin na gusto niya ko. Sa mga nababasa ko at napapanood, sobrang romantic. Tapos, ngayon, ganito?

Sinabi niya na may gusto siya sakin tapos ang sunod niyang sinabi, hahalikan niya ko kapag ayaw kong maniwala?!

"Baliw ka ba?!" Inis na sigaw ko at tumingin sa kalsada kung may dadaan bang pwedeng masakyan pauwi.

"Hey!"

Napaigtad ako sa gulat ng hawakan ako ni Kipp sa braso. Tinabig ko iyon at lumayo sa kanya.

"Bakit ang hilig mong iwan ako? Ang bilis mo pang maglakad." Reklamo pa nito habang nakakunot nanaman ang noo niya.

"Puro kalokohan nanaman kasi ang nasa isip mo!"

Napahilamos ako ng mukha sa inis sa lalaking nasa harapan ko. Nakuha pa niyang magbiro ng ganoon.

"Kalokohan ba para sayo ang sinabi kong gusto kita?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Gusto kita. I like you. Je t'aime bien. Mi piaci."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sinimulan niyang humakbang papalapit sa akin hanggang sa hinawakan niya ang baba ko at pilit na hinuli ang tingin ko.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaangal sa ginawa at sinabi niya. Basta, pero parang hindi nagfu-function ng maayos ang utak ko ngayon.

"Is that enough to say that I really like you, Miss One Placer? How many languages do I need to speak for you to believe me?"

It's You [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora