Chapter 4

108 16 6
                                    


Chapter 4

"Nakagawa na kayo ni Xyler sa Oral Comm?"

Napailing ako sa sinabi ni Kate. "Hindi pa,"

"Hala, bakit? Next week na submission n'on."

Iyon na nga rin ang pinoproblema ko ngayon kaya kahit tapos na ang isang klase namin ngayon, nag-stay pa rin ako sa room para mag-ipon ng lakas nang loob para kausapin na si Xyler regarding dito.

Matapos ang isa naming klase, walang Xyler na dumating. Ang sabi naman ng Prof namin, nagpra-practice lang daw sila para sa darating na Battle of the Bands na sasalihan ng school.

Kaya lalo tuloy akong nagdalawang isip kung kakausapin ko pa ba siya ngayon pang nalaman kong may contest pala silang sasalihan.

Kung gawin ko na lang kaya 'tong mag-isa? Hindi naman na siguro malalaman ng Prof namin na ako lang ang gumawa. Pero, baka naman iba ang maging dating kay Xyler kung gagawin ko yun.

"Bahala na talaga," napahinga ako ng malalim at nagsimulang pumunta sa Music Room.

Nasa hallway pa lang ako ay rinig ko na ang tugtugan nila. Siguro nga ay talagang seryoso sila na makuha this time yung first place. Noong nakaraang taon kasi ay nag second place lang sila at hindi iyon matanggap ng SAA. Ang usapan ay naging bias raw ang kabilang school.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko ba siya o sosolohin ko na lang yung project namin. Kung tutuusin naman ay kaya kong mag-isang gawin iyon. Plus, hindi ko pa mai-interupt ang practice ni Xyler.

But in the end, I just saw myself knocking on the Music Room's door.

Automatic na napatigil sila sa pagtugtog nang buksan ko iyon. Alam ko rin namang hindi nila maririnig ang pagkatok ko dahil sa lakas ng mga instruments nila.

"Yes?" Tanong ni Trent, ang vocalists nila.

Hinawakan ko ang kamay ko at nilibot ko ang tingin ko sa loob. Napatigil ako nang mapansin kong mataman lang na nakatingin sa akin ang buong grupo, maging si Xyler ay nakakunot ang noo.

Tumikhim ako at binuo sa utak ko ang sasabihin ko. "P-Pwede bang makausap sandali si Xyler?"

Nagkatinginan silang lima at napansin ko ang simpleng pagngiti ng mga kasamahan niya.

"Wait, are you Elya Llanos?" Ani Lohan, drummer nila.

Napatango naman ako at hindi na ako nagtaka pa. Noong isang araw lang ay nagkalat sa school ang mukha at pangalan ko dahil sa pagkapanalo ko. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable dahil doon.

" Congrats! "Sigaw naman ni Caleb na sinundan ni Rev. Gitarista at Bassist nila.

Kilala ko na sila kahit hindi ko naman sila nakakausap. Kahit sino naman dito sa SAA ay kilalang-kilala sila. Hindi lang naman si Kipp ang sikat dito. Marami sila. Isa na dito ang banda nila Xyler. Kaya malapit ng maging crowded dito dahil sa kanila e.

"What for?"

Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Xyler at hinubad ang nakasukbit niyang gitara sa balikat.

"U-Uhm, gusto ko lang sanang--"

"Let's talk outside." Aniya at nilagpasan lang ako.

Tinignan ko saglit ang mga ka-grupo niya at lahat sila ay nakangisi. Hindi ko alam pero nagpaalam lang ako sa kanila. "P-Pasensya na sa abala."

"No prob." Iyon lang ang sabi nila at lumabas na ako roon.

Naabutan kong nakasandal si Xyler sa dingding at nakapikit. Kita kong pagod na siya at hindi ako tanga para hindi ko iyon mapansin.

Tumikhim ako at nagmulat siya ng mga mata. Umayos siya ng tayo at bahagya niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang kumalma sa harapan niya. Pero yung puso ko, hindi na yata kaya pa!

"Is this about our project?" Aniya.

"Ah, yes. Pasensya na sa abala pero uhm.. do you have any ideas kung paano yung gagawin natin?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang yumuko dahil sa pagkailang sa kanya. Ito ang madalas kong mapansin sa kanya. Sa tuwing may kumakausap sa kanya ay nandoon ang buong atensyon niya sa nagsasalita. Wala siyang alam na maraming nahuhulog sa kanya dahil sa mga mata niya!

" How about a survey?"

"Paanong 'survey'?" Takang tanong ko.

"Survey about those dimensions." Aniya at wala na kong nagawa kundi ang sumang-ayon sa suggestion niya. Hindi sa go with the flow na lang ako sa kanya pero parang lahat ng lumalabas sa bibig niya ay tama.

Kinabukasan ay nakita ko na si Xyler na nakatayo sa labas ng SHS Building. Iyon kasi ang huling naging usapan namin. Magkikita kami dito para simulan na yung survey namin.

"S-Sorry.. walang masyadong jeep kanina kaya na late ako." Hinihingal kong sabi sa kanya.

"No need to say sorry." Aniya at napakunot ang noo niya nang makitang hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo. Mula yata kasi pagbaba ko ng jeep ay tumakbo na ko hanggang makarating dito.

"You need water?"

Umiling lang ako at umayos ng tayo. "Tara na? Malapit na rin magsimula ang klase." Pag-aaya ko.

Tumango naman siya at napansin kong nasa gilid pala yung gitara niya.

"Ah, k-kung ako na lang kaya yung mag-survey? Kaya ko naman."

Napansin niya yatang nakatingin ako sa gitara niya kaya umiling siya. Sa mga mata palang niya ay kita ko nang tutol siya sa sinabi ko.

"No. And if you think you're just a nuisance to my practice, no you're not." Seryosong sabi niya at naunang maglakad papaalis.

Patakbo akong lumapit sa kanya at sinabayan siyang maglakad. Pero ilang dipa ang pagitan namin at siya ang hinayaan kong mauna. Hindi ako komportable lalo pa't kasama ko siya ngayon.

" Excuse me, but can I ask you one question for our project only?" Sabi niya sa dalawang babaeng nag-uusap sa bench. At syempre, namumula na yung dalawa sa kilig.

"Of course, Xy! / Sure!"

Tinignan ako ni Xyler mula sa kinatatayuan ko at sinenyasan lang niya ko na lumapit sa kanila.

Ni-ready ko na kaagad yung cellphone ko para irecord ang isasagot nila.

"Hmm, which one's you prefer when you confess to your crush that you like him, through love letter or you just say to him that you like him?" Tanong ko.

Isang buong oras yata ay ganoon lang ang ginagawa namin ni Xyler. Paulit-ulit lang at sila na mismo ang lumalapit sa amin para magpa-survey. Kaya sobra-sobra na ang nakuha namin. Iba talaga kapag Montecillo.

"Are you already tired?"

Nabigla ako nang tanungin niya ko. Hindi rin naman kasi kami nag-uusap kanina. Siguro sa sobrang dami naming na-interview kanina ay wala na kaming panahon para mag-usap pa. At isa pa, bakit naman din niya ko kakausapin?

"Ah, hindi naman. S-Salamat pala. Ako nang bahala mag type nito mamaya."Nahihiyang sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko.

Nasa harap na ulit kami ng SHS Building dahil tapos na kami at ilang minuto na lang ay start na nang klase namin.

Hindi siya papasok ngayon sa klase namin dahil magpapractice sila.

" Okay. So, I'll go ahead." Aniya.

Tumango ako at ngumiti. Nauna na siyang umalis sa kinatatayuan namin at sinundan ko lang siya ng tingin.

Hindi ko maimagine na nakasama ko siya ng isang buong oras. At kinakausap niya rin ako kahit papaano.

Tinignan ko ang hawak kong mineral bottle na binili niya sa akin kanina bago kami bumalik dito. Hindi ko alam kung anong irereact ko ng binigay niya sa akin 'to. Kung may sakit lang siguro ko sa puso, 50/50 na ako for sure sa bilis ng tibok nito.

"It seems that you like him, huh?"

Napaangat ako nang tingin sa nagsalita at nakita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now