Chapter 11

63 9 3
                                    


Chapter 11

"Magandang umaga, binibini."

Otomatikong napairap ako nang marinig ko ang boses ni Kipp na nasa harapan ko na ngayon.

Kakatapos lang nang isang klase ko at bigla na lang siyang humarang sa dinadaanan ko.

"Ano nanaman?" Bagot kong sabi sa kanya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang suot niya ngayong pang basketball at hawak niya sa isang kamay ang bola. Pansin ko rin ang ilang butil ng pawis sa noo niya pero nakakapagtaka lang na mas nangingibabaw ang pabango niya.

"Ang sungit mo naman, Miss One Placer. Aayain lang naman kitang kumain." Ngisi niyang saad kaya mas lalo akong nairita.

"Pwede ba, may pangalan ako."

"So, can I call you, Elya?"

Ewan ko pero nang banggitin niya nanaman yung pangalan ko, kinilabutan nanaman ako. Siguro epekto yun ng pagkainis sa kanya?

"Ewan ko sayo. Marami pa kong gagawin kaya huwag mo kong istorbohin."

Nagsimula akong maglakad papaalis doon pero hindi ako tanga para hindi malamang hindi siya sumusunod. Sa tangkad ng isang 'to, mararamdaman mo kaagad ang presensya niya.

"Elya!" Sigaw niya.

Mabuti na lamang at kakaunti lang ang tao rito sa hallway kaya hindi siya nakaagaw pansin. Iritado akong huminto sa paglalakad at hinarap siya.

"Bakit ka ba sumisigaw? Pwede ba, tigilan mo na rin ako."

"Ang ganda pala talaga ng pangalan mo, lalo na kapag sakin nagmumula." Malawak ang ngiti niyang lumapit.

Napailing na lang ako.

"Bakit ba kasi 'Miss One Placer' ang tawag mo sakin? At saka ano ba talagang gusto mo this time?" Nakahalukipkip kong sabi.

"Wala lang." Kibit-balikat niyang sabi. "Kumain ka na, Elya?"

Napairap ako nang diniinan niya ang pagbanggit ng pangalan ko. Natawa pa siya nang bahagya sa ginawa ko. Ano naman kayang nakakatawa do'n?

"May klase pa ko,"

Tumango naman siya. "Ngayon na?"

"Oo, kaya aalis na ko." Sabi ko at akmang aalis na ako sa harapan niya ng harangin nanaman niya ko.

"Ano?" Iritado kong sabi sa kanya.

"Hindi ka ba nagugutom? Samahan mo muna kong kumain tapos ako nang bahala sa teacher mo magpaliwanag." Nakangising sabi niya.

"Seryoso ka ba? Huwag mo nga akong impluwensyahan sa mga kalokohan mo! Tabi, malelate na ko." Hawi ko sa kanya.

Umismid naman siya at umiling. "You're too good."

"Oo kaya layuan mo ko!" Sigaw ko at nag umpisa ng humakbang.

"Saan ba yung room mo?"

Seriously? Hindi pa rin ba titigil 'tong Esvega na ' to?

Hindi ako tumigil sa paglalakad habang siya ay pinapantayan lang ang bilis ko.

"Third floor." Maikling sagot ko.

Nakita ko sa mga gilid ng mata ko ang pagtango niya.

"Okay. I'll go ahead, then. See you later, Elya." Aniya at tumakbo na papaalis.

Napahinto ako at napakunot ng noo sa ginawa niya. Tinignan ko kung saan siya pupunta at sa tingin ko, aalis na siya dito sa building ng SHS. Bakit kaya walang nagra-round dito at pinapayagan lang nilang may pagala-galang college student dito sa loob?

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now