Chapter 17

68 7 2
                                    


Chapter 17

"Wala kang klase?"

Napaangat ang tingin ko kay Kipp ng magsalita siya. Halos kalahating oras din kaming hindi nag-iimikan dito. Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya kanina kaya mas pinili ko nalang manahimik. Malay ko bang gaya-gaya din ang isang 'to.

Umiling ako, "Wala."

Tumango siya pero tutok pa din siya sa ginagawa niya.

Nakakapanibago talagang makita siyang ganito kaseryoso sa pag-aaral. Ngayon, naniniwala na kong nag-aaral talaga siya dito at engineering student nga siya.

Hinintay kong magsalita siya pero hindi na nasundan ang tanong niya. Grabe, ano bang nangyayari ngayon?

Hindi ako nakatiis at sinara ang librong binabasa ko.

"Ikaw? Wala kang klase?" Tanong ko.

Umiling siya, "Nope."

"So bakit nandito ka pa?"

"Hindi ko pa natatapos 'to."

Sinilip ko ang ginagawa niya. May isa na siyang natapos at panibago na ulit ito.

"Hindi ba maapektuhan yung subject mo, kasi inuna mo yan kaysa pumasok sa klase mo." Naging madaldal na rin ako these past few days.

Huminto siya sa pagguhit at tignan ako. Nagulat ako sa pagtitig na ginawa niya pero hindi ako nagpahalata.

Ngumiti siya at pinaglaruan niya yung hawak niyang engineering pen.

" Hindi mo man lang ba ko namiss?"

"A-Ano? Bakit naman kita mamimiss?" Utal kong sabi sa kanya.

"Bakit naman kita mamimiss?" pag-uulit niya sa sinabi ko. Tsk, pagdating talaga sa pambubuwisit, ang husay niya!

Umirap lang ako at hindi nalang siya pinansin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko.

Akala ko graduate na siya sa pang-aabala at pang-iinis sa akin, hindi pala. Hanggang ngayon, palaisipan pa din talaga saken ang lalaking 'to kung bakit bigla nalang siyang nanghimasok sa buhay ko.

"Do you have plans next week?"

Napatingin ako kay Kipp at mataman lang siyang nagddrawing sa harapan ko.

Inisip ko muna kung meron nga, bukod sa may pasok ako, wala naman akong ibang gagawin.

Umiling ako kahit na hindi naman niya yun makikita, "Wala naman, bakit?"

Napangiti siya ng konti sa naging sagot ko.

"Good. Let's go to Tagaytay."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya naman binitawan ko ang librong hawak ko.

"A-Ano? Tagaytay?" Hindi makapaniwalang sabi ko, pinipigilan ko pang lakasan ang boses ko para hindi kami mapagalitan dito.

"Oo, Tagaytay. Narinig mo naman pala e,"

"Ayoko nga," agad kong pagtanggi.
"Bakit naman ako sasama sa'yo,"

Nakakunot ang noo kong pinapanood siya sa pagguhit doon sa plates niya.

"Don't worry, I'm harmless." Natatawang sabi niya pa at tinignan ako saglit.

I'm harmless, duda ako dyan.

"Ayoko, tsaka ano namang naisipan mo bakit bigla kang nag-aayang mag Tagaytay?"

Tama na 'yung nauto at kinonsensya niya ko nung game niya no.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now