TEASER

24K 438 33
                                    

[BoyXBoy|Yaoi]

~Panget Mo!~

“Walang mukhang nakikita ang tunay na pagmamahal at wala din dapat tayong maging dahilan kapag nagmamahal.”

~Miki (Panget Mo!)

 

                Michael San Martinez o mas kilala sa nickname niyang Miki, isang mayaman, sosyalero, maarte, at super lambot na bi at super kung magpahalaga sa itsura niya.

                Poncius Cruz na mas kilala na Pokok sa bahay nila, sporty, nabibilang sa pamilyang payak lang ang pamumuhay, matangkad, moreno pero hindi ka-in love in love ang mukha para sa karamihan.

                Sa pagbisita ni Miki sa probinsiya ng kanyang ina ay nakilala niya si Vito na apo ng kaibigan ng kanyang Lola Veron, na kasalukuyang tumutuloy din sa bahay ng kanyang lola, at nakaramdam ito ng pagkagusto kay Vito.

               Si Pokok naman ay matagal nang may itinatago na pagtingin sa kapitbahay nilang si Jayson ngunit dahil sa katorpehan ay hindi niya magawang magtapat dito.

                Paano kung si Miki at Pokok ay mapagkatuwaan ng tadhana na walang magawa? Pagtagpuin sila sa pagkakataong hindi kanaisnais? Magka-in love-an kaya ang dalawang to o magsimula lang ng disaster? O magtutulungan sila para makuha nila ang mga taong gusto nila?

 

AUTHOR’S NOTE:

        Panget Mo! is my sixth book and new story, likha lamang ito ng aking malikot na imahinasyon at utak kaya kung may pagkakapareho man sa riyalidad ay hindi ito sinasadya.

Sana ay magustuhan ang kwentong ito.

Sincerely Yours,

Adamant

Panget Mo!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt