SELFIE: 25

4.3K 189 4
                                    

POKOK'S POINT OF VIEW:


Halos pagbagsakan ako ng langit ng lupa noong madinig ko ang mga sinabi sa akin ni Miki noong gabing iyon, mga salitang sabay sabay na tumarak sa isip at puso ko na parang mga kutsilyo, masakit pero ano pa ang magagawa ko kung si Miki na mismo ang siyang nagsabi, kung ang taong mahal ko na mismo ang tumapos ng lahat, gusto kong magmura sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan noong gabing iyon ay naglakad ako ng pauwi, talunan, luhaan at nasaktan.


"Pokok teka lang!" ang sigaw ni Minyong sa akin pero kahit na nadidinig ko siya na pilit akong pinapatigil sa paglalakad ko ay tila hindi ko na kontrolado ang katawan ko, tila ba isa akong patay na naglalakad sa gabing iyon.


"Sabing teka lang Pokok eh!" ang sabi ni Minyong, hinawakan niya ko sa mga balikat ko at hinarap niya ako sa kanya, tinignan niya ako sa mata ko pero sa halip ay iniwas ko ang tingin ko, ayoko na kaawaan niya ako, ayoko na may maawa sa akin dahil baka pagnaramdaman ko na kinaaawaan ako ay mas maramdaman ko pa ng sobra ang sakit na nararamdaman ko.


"Pokok! Pokok! Ano tumino ka nga, wag ka agad sumuko!" ang sabi ni Minyong sa akin.


"Minyong tama na, alam ko nag-aalala ka pero Minyong wala na tinapos na ni Miki lahat, malinaw na sa akin ang lahat, kaya tama na Minyong." ang sabi ko at tinakpan ko ng kanang kamay ko ang mga mata ko, kahit na alam kong hindi makikita ni Minyong ang mga luha ko ay alam ko na alam niyang umiiyak ako, sa tagal naming magkasama ngayon lamang ako umiyak ng ganito sa harapan niya, ngayon lang din ako nasaktan ng ganito sa buong buhay ko, ganito pala ang magmahal, masakit pagtotoo at natapos ng hindi masaya.


"Pokok, dahil lang sinabi niya titigil ka na? Susuko ka na lang ng ganon? Pokok magpakalalaki ka nga! Hindi dahil ganito tayo ibig sabihin ay absuwelto na tayo sa salaitang magpakalalaki, Pokok kung ang babae nga lumalaban pag alam nila na dapat ipaglaban ang isang bagay, tayo pa kaya? Pokok mahal mo si Miki di ba kaya ilaban mo kahit na sinabi na niyang tinatapos niya na ang lahat sa inyo ay tapos na talaga. Pokok pwede naman kayong mag-umpisa ulit mula sa umpisa Pokok." ang sabi ni Minyong sa akin bilang pangaral pero tanging ang pag-iyak ko lang ang nadinig niyang sagot mula sa akin hanggang sa napaupo na ko sa daan na tinatakapan ko pa din ang mga mata ko. Noong gabing iyon naghalo ang sakit, lungkot at ang lamig na nararamdaman ko, noong gabing iyon ay nawalan na ko ng pagnanais na maniwala pa sa sarili ko.


Kinabukasan ay halos balutin ko ang sarili ko ng kumot ngunit nakakaramdam pa din akong matinding lamig na sa parehong oras ay init na di ko mapaliwanag na, mabigat ang pakiramdam ko, masakit ang ulo at maging ang buong katawan ko, pinilit ko ang sarili kong bumangon, latang lata ako sa pakiramdam ko, halos pagewang-gewang na ako lumabas ng kwarto ko at ng pababa na ako di ko na kinaya ang sama ng nararamdaman ko at nahulog ako sa hagdan, naramdaman ko ang sakit ng pagbagsak.


"Pokok!" ang sigaw ng isang boses na agad na lumapit sa akin, inanig ko siyang mabuti dahil sa parang nanlalabo na noong mga sandaling iyon ang paningin ko, si Minyong, si Minyong ang siyang sumigaw marahil ay dito na din siya nagpalipas ng gabi. Nang makalapit si Minyong sa akin ay naramdaman ko pa na binuhat niya ako at pagkatapos noon ay wala na akong matandaan pa.


Nang magkamalay ako ay nakaramdam ako ng matinding pagkirot sa ulo ko, ininda ko ito at pinilit kong makabangon, nang makabangon ay doon ko lang napagatanto na nasa ospital ako. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko ang ibang pasiyente na kasama ko na may kanya kanyang bisita.

Panget Mo!Where stories live. Discover now