SELFIE: 14

4.9K 227 16
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Nagising sila Vito, Jayson, Minyong at Luiz nang halos sabay sabay lamang at saktong kakatapos lamang naming magkape nila Pokok at Mariza. Agad silang naghilamos at nagmumog nang makalabas sila ng tent bago nila kami binati ng magandang umaga. Dahil maaga pa ay naisipan na nila Pokok at Minyong na gumawa ng apoy, habang sila Luiz, Vito at Jayson naman ay naghanap ng buho ng kawayan na gagamitin para pagsaingan ng bigas. Kami naman ni Mariza ay nagtulong sa pagtitimpla ng kape para sa lahat.

        “Sigurado ka na ba diyan?” ang tanong ni Mariza sa akin habang nilalagyan ko ng tubig na mainit ang ilang mga styro cups.

        “Oo naman magtitimpla tayo ng kape kaya kailangan ng tubig na mainit.” ang tugon ko na sa pag-aakala ay ang paglalagay ko ng tubig na mainit sa styro cups ang tinatanong niya.

        “Gaga, ang ibig kong sabihin sis ay sigurado ka na ba sa pakikipagrelasyon mo kay Pokok? Alam nating pareho kung sino talaga ang gusto mo at alam ko din na hindi ikaw ang gusto ni Pokok.” ang sabi ni Mariza habang nilalagyan ng 3in1 coffee ang styro cups na nalagyan ko na ng tubig na mainit.

        “Ah iyon ba. Akala ko naman itong tubig na mainit ang tinatanong mo. Oo Mariza, sigurado naman ako sa pinasok kong ito, at sigurado din naman si Pokok, kinausap ko siya kagabi tungkol dito at pareho naman kaming gustong subukan kung magwo-work yung kami, pag nag-work eh di mabuti, pag hindi naman eh di salamat at least nasubukan namin, tiyaka isa pa pareho kaming bigo kaya parang sandalan na namin ang isa’t isa.” ang sabi ko bilang sagot kay Mariza habang tinatakpan ko ang thermos.

        “Kung ganon, masaya ako para sa inyo. Siguro nga pagdating sa looks talo kay Vito si Pokok pero sa tingin ko sis if ever mag-work man itong biglaan niyong pagiging mag-on isa ako sa magiging super saya para sa inyo.” ang sabi ni Mariza na nakangiti pa habang kumukuha ng panibagong pack ng 3in1 na kape.

        “Bakit mo naman nasabi yan?” ang tanong ko sa kanya at hinalo ko na yung isang styro cup na nalagyan na niya ng kape.

        “Eh kasi naman maganda ang chemistry niyong dalawa, may kilig factor kayo, tiyaka kanina pa lang noong nakita ko kayong magkayakap nakita ko na komportable na agad kayo sa isa’t isa. Tiyaka pakiramdam ko kasi talaga na iyang si Pokok ay maalaga at mabuting tao.” ang sabi ni Mariza at hindi ko maiwasang hindi mangiti sa mga sinabi niya.

        Nagpatuloy kami ni Mariza sa ginagawa namin, nang matapos kami na magtimpla ay sakto namang tapos na sa pagpapaapoy sila Pokok at Minyong at dumating na din sila Vito, Jayson at Luiz dala ang ilang buho ng kawayan na nakita nila. Agad na nilinis nila Pokok at Minyong ang gagamiting kawayan, habang si Mariza naman ay hinugasan na ang bigas at ako naman ay inabutan ng kape sila Vito, Jayson at Luiz na kasalukuyan namang binubuksan ang ilang delata na dala namin.

        “Heto magkape na muna kayo.” ang sabi ko habang iniaabot sa kanila ang kape na dala ko na nakalagay sa isang pinggan na nagsilbing tray ko.

        “Ah maraming salamat.” ang sabi ni Vito at kinuha niya sa akin ang kape.

Panget Mo!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora