SELFIE: 16

4.7K 224 18
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Simula nang maging kami ni Pokok ay naging mas madalas pa ang aming mga naging pagkikita. Nandiyan yung dinadalaw niya ako sa bahay, naipakilala ko na siya kila lola at sa parents ko at masaya naman ako na sa part ng family ko ay walang tumutol sa amin, masaya ako kasi at least alam ko na suportado din ng parents ang buhay pag-ibig ko. Pinakilala na din niya ako sa mga parents niya noong minsang ako ang dumalaw sa kanila, medyo nakakatense nga eh pero it turns out na kay din pala sa parents niya ang lahat, hay ang sarap ng pakiramdam na pag parehong parents niyo ng partner mo ay suportado kayo, it was like wala kang dapat itago, wala kang dapat ikahiya, pero in the very first place kung nagmamahal tayo ay wala naman tayo dapat itago o ikahiya lalo na at wala tayong tinatapakang tao, kung hindi nila matanggap yung love natin it means sila yung may mali hindi tayo.


Dahil sa pareho na kaming open at legal na masasabi sa both sides ay mas naging madalas pa at mahaba ang oras na magkasama kami, pero siyempre kasama din namin ang barkada super bihira pa nung kaming dalawa, nangyayari lang yon pag busy silang lahat. Madalas naming tambayan ay kila Pokok, sa part kasi nila maraming lilim ng puno na pwede tambayan, kaya madalas ay doon din kami nagba-bonding lahat. Sa mga araw ding iyon ay mas naging malapit pa kami ni Pokok sa isa't isa, yung feelings namin para sa isa't isa is na-develop talaga and we both like it kasi it means we made a right decision.


Makulimlim ang araw na yon, it was the last Sunday of April 2013 at kung hindi ako nagkakamali ay 28 ang petsa ng araw na iyon. Naisipan ko na pumunta sa bahay nila Pokok para makitambay at makita siya, sa paglalakad ko papunt kila Pokok ay nakasalubong ko si Vito na marahil ay galing kila Jayson. Since the day na maghiwalay kami ng kwarto ni Vito ay rarely na lang kami mag-usap na kaming dalawa lang, may times na kinakausap niya ako at kakausapin ko naman siya pero I see to it na matatapos agad ang conversation namin ni Vito. Napahinto ako sa paglakad ko habang tinitignan ko lang si Vito na naglalakad papalapit sa akin.


"Ikaw pala Miki." ang bungad na sabi sa akin ni Vito ng makalapit sa akin.


"Oh Vito, san ka galing niyan?" ang tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman ang sagot.


"Ah kila Jayson." ang sabi ni Vito sa parang malata o nadismayang tono.


"Oh bakit ganyan ka magsalita? Parang natalo ka sa isang gameshow at umuwi ng walang dala?" ang usisa ko sa kanya.


"Ah wala, wala to." ang sabi ni Vito na nakita ko na sa mata niya na may problema siya.


"May problema ba kayo ni Jayson?" ang tanong ko sa kanya. Hindi man sabihin nila Vito at Jayson sa amin pero ang totoo ay pansin namin pag may hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil may times na hindi sila nagpapansinan o nag-uusap, pero ang hindi namin mapaliwanag ay parang madalas ay napapansin ko na nakatingin si Jayson kay Pokok at si Vito naman ay napapansin ni Pokok na nakatingin sa akin kaya kami naman ni Pokok ay napagkasunduan na hangga't maaari ay iiwasan namin na maging dahilan ng pagtatalo ng dalawa, hindi man namin alam talaga ang dahilan bakit madalas nila kaming tignan ay mas mabuti na nag-iingat dahil kaibigan namin sila at ayaw naming masira din ang binuo naming samahan.


"Uy Vito ayos ka lang ba?" ang tanong ko dahil hindi pa din siya umiimik.


Panget Mo!Where stories live. Discover now