SELFIE: 18

5.3K 200 28
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Tahimik kaming naglakad sa ilalim ng ulan ni Vito habang sukob ng payong. Diretso lamang ang aking tingin, mabagal ang aming paglakad, kung sabagay hindi naman ako talaga nagmamadaling umuwi. Narinig ko ang ilang pagbuntong hininga ni Vito ngunit hindi ko siya tinignan o kinausap man lamang, nagpanggap ako na hindi ko siya nadinig, nanatili kaming tahimik at hindi nag-uusap.


"Ah Miki." ang sabi ni Vito biglang pagbasag sa katahimikan.


"Ano yun Vito? May gusto ka bang sabihin?" ang tanong ko sa kanya pero hindi pa din ako tumitingin sa kanya.


"Seryoso ba talaga yung sa inyo ni Pokok?" ang biglang tanong ni Vito kaya naman hindi ko na naiwasan na hindi mapatingin sa kanya.


"Ano namang klaseng tanong yan Vito, siyempre naman oo, at masaya ako, kaming dalawa ni Pokok sa isa't isa." ang sabi ko at ngumiti ako sa kanya kahit na medyo nainis ako sa tanong niyang iyon sa akin.


"Ah mabuti naman pala kung ganon. Minsan tuloy hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Pokok." ang sabi bigla ni Vito.


"Huh? Anong ibig mong sabihn Vito? Bakit ka naman maiinggit kay Pokok?" ang tanong ko sa kanya.


"Ah wala naman, nasabi ko lang yun kasi mukhang mahal na mahal mo si Pokok at mukhang masayang masaya talaga kayo." ang sabi ni Vito na iniwas ang tingin sa akin.


"Mahal na mahal din naman ako ni Pokok at tulad ng sabi ko masaya kami pareho sa isa't isa. Maalaga at mapagmahal na tao si Pokok, sweet at malambing siya, masasabi ko na suwerte ako sa kanya." ang sabi ko at muling binalik ang aking tingin sa daan.


Hindi na umimik pa o nagtanong pang muli si Vito sa akin kaya naman hindi ko na lamang din inusisa pa kung may problema ba siya o sila ni Jayson kaya niya natanong at nasabi yung mga ganoong bagay. Hindi ko na din inusisa pa dahil hindi ko na din dapat pa silang pakialaman. Nagpatuloy kami ni Vito sa paglalakad ng tahimik lamang at walang kibuan. Nang makarating kami ng bahay ay nagpasalamat ako kay VIto sa pagsundo sa akin, nagpasabi na din ako na hindi ako makakasabay sa hapunan dahil sa busog pa ako dahil sa aroz caldo na kinain namin ni Pokok kanina. Umakyat ako papunta sa kwarto ko at pagdating ko sa kwarto ko ay nahiga ako at niyakap ko ang isa kong unan, inisip ko na si Pokok ang yakap kong unan, sa lamig ng aircon isama mo pa ang malamig na temperatura dulot ng pag-ulan ay mabilis akong na-relax, dahilan upang makaramdam ako ng antok at makatulog.


Kinabukasan ay nagising ako ng may ngiti sa aking mukha, maulan ang umagang iyon, dahil nga sa sobrang kulimlim ay hindi mo aakalaing umaga pa lang. Nang matapos akong magsipilyo at maghilamos sa banyo ng kwarto ko ay lumabas ako ng kwarto ko, sa paglabas ko ng kwarto ay siya namang paglabas ng kwarto ni Vito na katabi lamang ng kwarto ko.


"Good morning Miki!" ang bungad na bati sa akin ni Vito.


"Good morning din sayo Vito." ang tugon ko naman at ngumiti ako sa kanya.


Sabay kaming bumaba ni Vito papunta sa kusina upang mag-almusal, pagdating namin doon ay naghahain pa lamang sila Yaya Simang at Yaya Milagros ng agahan, binati namin sila ni Vito ng magandang umaga at tumugon naman sila sa amin. Naisipan namin na tulungan na sila sa paghahain para mapabilis ang paghahain nila.

Panget Mo!Where stories live. Discover now