SELFIE SPECIAL

4.6K 190 24
                                    

SELFIE SPECIAL:


Naging maayos din ang lahat sa barkada, pinatawad na namin sila Jayson at Vito sa nagawa nila, ang totoo ay humingi sila agad ng tawad sa amin noong kinabukasan noong nagkabalikan kami ni Pokok, nauunawaan namin sila kahit paano kung bakit nila nagawa iyon, kaya para hindi na lumala pa at maging okay na ulit ang barkada ay pinatawad na nga namin sila, hindi lang sila sa amin humingi ng tawad maging kila Minyong, Mariza at Luiz.


Lumipas ang ilang araw at nalalapit na din ang pasukan ay tila may napapansin kami kay Minyong at Luiz na parang kakaiba, minsan nga ay inaasar namin sila at hindi maiwasang maging defensive ng dalawa kaya naman kami ay natatawa na lamang.


Bago pa matapos ang buwan ng Mayo ay nagpaalam na din sila Mom at Dad para bumalik ng Manila, nakita na din naman nila na okay na ako dito sa probinsiya at sa tingin ko ay nagkamali talaga ako sa inisip ko noong una tungkol sa buhay dito, hindi naman pala boring, ang totoo masaya nga kasi marami ako na-experience na hindi ko naranasan sa Manila, minsan try niyo din bumisita sa mga malalapit na probinsiya especially yung hindi pa masiyadong urbanize dahil for sure marami kayong mae-experience na bago, oha di ba nag-promote pa ko.


Dahil nga nalalapit na din ang pasukan ay sinulit na din namin ang mga gala namin, pati ang mga bonding dahil for sure magiging hectic ang schedule namin sa panahong iyo. Kami naman ni Pokok ay laging madalas na magkasama, may times na sa kanila ako natutulog, may times naman na sa amin na siya natutulog.


Sila Jayson at Vito naman ay naging malapit na din sa paglipas ng mga araw at mukhang in the end yata ay sila din ang magkakatuluyan kaya naman bukod sa tambalang Minyong at Luiz ay pinu-push din namin ang tambalan nila, so si Mariza na lang talaga ang wala, tsk tsk kawawang babae, kung sino pa ang babae siya pa ang walang love life ha-ha, pero who knows di ba makahanap siya sa pagdating ng pasukan, walang imposible sa pag-ibig.


Basta ang lagi niyong tandaan kung talagang pagmamahal ang hanap niyo never set a standard that will limit kung sino ba ang dapat mong mahalin, hindi mo dapat pinipili ang mamahalin mo ng nakabatay sa itsura, estado sa buhay, kakayanan o katalinuhan, lagi mong pagbabatayan kung kanino ka ba magiging masaya, yung pagdumating ang panahon na matanda na at magkasama pa din kayo ay wala kang regrets na mararamdaman.

Panget Mo!Where stories live. Discover now