SELFIE: 04

7K 263 7
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Nang makauwi ako sa bahay galing sa batis ay agad akong pumasok ng bahay, ngunit tahimik pa din. Noong dumating ako ay tulad pa din kanina ang bahay bago ako lumabas, tahimik, at halatang tulog pa talaga ang lahat. Umakyat ako pabalik sa kwarto namin ni Vito, maingat akong pumasok at nakita ko na tulog na tulog pa din si Vito tulad kanina.

        Nang makalapit ako sa kama ay tahimik at maingat akong humiga sa puwesto ko sa kama, patagilid akong humarap sa natutulog na si Vito. Pinagmasdan ko ang mukha niya pero ilang sandali pa ay napayakap si Vito sa akin na sa pagkabigla ko ay halos di ako huminga at hindi makagalaw. Hinayaan ko na lang si Vito na yakapin ako dumantay sa akin, ayokong maging malisyosong tao, alam kong tulog si Vito at hindi niya sinasadya yon. Dahil sa pagkakayakap at pagkakadantay sa akin ni Vito ay naging komportable din ang pakiramdam ko hanggang sa makaramdam ako ng pagkaantok, hanggang sa unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog.

        “Huh? Nasaan ako? Kanina lang natutulog ako sa kwarto, ano bang lugar to?” ang patanong kong sabi nang magising ako sa isang tila hardin sa dami ng bulaklak. May mga paru-paro, mga ibon, at iba pang hayop na tila masayang naglalaro sa maganadang lugar na iyon.

        “Vito? Mom? Dad? Lola? Yaya Simang? Yaya Milagros? Mang Ricardo? Hello? May ibang tao bang nandito?” ang tawag ko sa kanila habang naglalakad ako sa lugar. Nilibot ko ang lugar habang patuloy ako sa pagtawag sa mga kakilala ko, lumilingon ako sa buong paligid na nagbabasakaling makita ko isa man lang sa kanila.

        Malayo na ang nalalakad ko pero wala ni anino ng hibla ng buhok nila ang makita ko. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang pamilyar na lugar, yung batis, biglang umihip ang malakas na hangin, nagdilim ang langit at nagsimulang kumulog at kumidlat, bumuhos ang malakas na ulan. Sa takot ko ay naisipan kong bumalik sa pinanggalingan ko pero nang tignan ko ang dinaanan ko ay naglaho ito at napalitan ng mga nakakatakot na puno.

        “Tulong!” ang sigaw ko dahil gumagapang na ang takot sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa batis at mula doon ay umahon ang isang halimaw at sa sobrang takot ko ay hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto kong sumigaw pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko kahit na isang letra ay walang lumalabas. Mula sa batis ay nakita ko itong naglalakad papalapit sa akin, nanghihina na ang mga binti at tuhod ko sa takot hanggang sa mapaupo na lamang ako. Nang makalapit na ito sa akin ay nakita ko ang magandang hubog na katawan nito pero hindi ko makita ang mukha nito.

        “Miki!” ang tawag sa akin ng isang boses, nang marinig ko iyon ay biglang nagliwanag at ng imulat ko ang mata ko ay nasa kwarto na ako ulit at bumungad sa akin ang mukha ni Vito.

        “A-anong nangyari?” ang tanong ko kay Vito na halos hinihingal ako at parang pagod na pagod.

        “Mukhang nanaginip ka ng masama, kaya ginising na kita.” ang sabi sa akin ni Vito, “ano ba ang napanaginipan mo?” ang dagdag na tanong ni Vito sa akin.

        “Ah hindi ko na matandaan, ang alam ko lang ay nakakatakot yung panaginip ko.” ang sabi ko na hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil mamaya ay makakuha siya ng hint na lumabas ako at nagpunta ako sa batis.

Panget Mo!Место, где живут истории. Откройте их для себя