SELFIE: 02

7.8K 273 2
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Nang matapo ang salo-salo ng pamilya ay napag-pasiyahan na ng mga kamag-anak kasama na din sila Yaya Simang at Mang Ricardo pati na din ang kasambahay ni Lola Veron na si Yaya Milagros na magligpit na, tulong tulong sila sa pag-aayos at pagliligpit ng lahat habang kami naman ay pumasok na sa loob ng bahay upang hintayin na lamang sila dahil sa pagkatapos ng pagliligpit ay magpa-paalamanan pa ang lahat para umuwi na, yup uuwi din kasi ang mga pinsan ko after nun kaya naman sinulit na namin sa loob ng bahay ang bonding, and infairness I am enjoying it. Ako na din ang humingi ng contact numbers nila para naman makatext ko sila, kinuha ko din yung number ni Vito na hindi naman niya pinagdamot sa akin, sa ganda kong to charot pero true ha-ha.

        Nang makatapos na ang mga matatanda sa pagliligpit ay siya namang pasok nila sa bahay, hudyat na din ng paghihiwalay ng magkakamag-anak. Nagpaalaman kaming magpipinsan at napag-usapan naming magkita kinabukasan para makapagbonding ulit. I guess mali ako sa naisip ko na hindi ko ma-enjoy ang bakasyon ko dito kasi naman ngayon ang dami ko ng friendship at may Vito pa ako na siyempre secretly crush ko lang, same age lang kami ni Vito at parehong freshman college na this coming school year kaya naman pasok na pasok sa banga.

        Nang makapagpaalam na kami at maihatid namin sa labas ang mga relatives namin ay agad na din kaming pumasok sa loob ng bahay para kami din ay magpahinga na. That time nakaramdam na din ako ng pagod at antok kaya naman excited na din ako na makapagpahinga.

        “Ah Miki apo, okay lang ba na may makasama ka sa kwarto na matulog?” ang tanong ni Lola Veron sa akin ng makapasok na kami sa sala.

        “Opo Lola, okay lang naman po sa akin.” ang sagot ko na ang iniisip ko ay siya ang makakasama ko matulog.

        “Mabuti naman kung ganon, Vito sa kwarto mo na muna matutulog si Miki ngayong gabi hindi ko pa kasi napapaayos yung isang kwarto dahil nakalimutan ko ipaayos, sana ay okay lang sayo na magkatabi kayo na matulog.” ang sabi ni Lola Veron na kinabigla ko pero di ko pinahalata. Hindi ko lang makakasama si Vito sa isang kwarto para matulog kundi katabi ko pa matulog, nakakaloka kinikilig yata ako.

        “Ah ayon lang po pala Lola, okay lang po kahit doon na lang po siya matulog hanggang sa pag-uwi nila, pabor po sa akin yon kasi may makakasama ako matulog at may makakausap ako din po ako.” ang sabi ni Vito na kinakilig ko siyempre hindi ko naman pinahalata sa kanila.

        “Eh kung ganon naman pala eh wala pala tayong magiging problema, mukhang magkasundo din naman kayong dalawa agad eh, sige ganon na lang siguro.” ang sabi ni Lola Veron na hindi ko na naiwasang mangiti, napatingin ako kay vito at ngumiti din siya sa akin. Oh my this is it okay na okay pala talaga na hindi ako nag-beach because heto na yung hinihintay ko na summer romance heto na yon, ang sabi ko sa isip ko.

        Nagpaalam na kami ni Vito kila Mommy, Daddy at Lola para makapagpahinga na kami. Sabay kaming umakyat ni Vito patungo sa kwarto niya kung saan ay magiging kwarto ko na din sa buong bakasyon namin dito sa probinsiya.

        Nang makarating kami sa kwarto ay si Vito ang siyang nagbukas ng pinto at una niya akong pinapasok, kumuha si Vito ng damit mula sa closet niya at pumasok siya sa banyo upang magpalit ng damit niya. Ako naman ay naupo lang sa kama at kinatikot ang cellphone ko para magbasa ng mga message mula sa mga kaibigan at kaklase ko. Ilang sandali pa ay lumabas na sa banyo si Vito na nakapagpalit na ng damit nito at dumiretso na ng higa sa kama. Nagkuwentuhan kami ni Vito habang ako ay nagche-check pa din ng messages habang siya naman ay nakahiga pa din.

Panget Mo!Where stories live. Discover now