SELFIE: 20

4.6K 197 9
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Gabi na nang magtungo kami sa perya na itinayo sa isang malaking bakanteng lote sa bayan, bago kami pumasok sa perya ay naglibot pa kami ng kaunti para tignan pa ang ibang mga paninda sa mga tiyangge, sinusulit ko kasi baka may makita ako na pwedeng mabili na magustuhan ko at humahanap din ako ng pwede ko mairegalo kay Pokok. Sa mga tiyanggian na nakapuwesto malapit sa peryaan ay may nakita ako na tindahan ng mga tribal theme accessories halos katulad siya ng isang stall na pinuntahan namin kanina na puro native ang tinda. Sa pagpasok ko sa stall ay may nakapukaw na agad ng interes ko, isang dream catcher necklace, pero dahil gusto ko din maging surprise yung gift ko kay Pokok ay hindi ko muna ito binili bagkus ay nagyaya na agad ako sa peryaan, naisipan ko na mamaya ko ito bibilhin pag hindi ko na sila kasama.

Bago kami makapasok sa perya ay nagbayad kami ng entrance fee sa halagang bente pesos bawat isa, grabe na pala mga perya ngayon may entrance na din dati ang alam ko sa perya libre pasok masiyado na talaga business minded mga tao ngayon. Nang makabayad na kami ay sabay sabay na din kami pumasok, sa pagpasok pa lang namin ay bumungad na agad ang iba't ibang rides and attractions sa perya na yon, infairness masasabi ko na sulit naman pala yung bente na ibinayad namin.


"Oh san ang una nating destinasyon? Malakilaki din itong perya at madamidami din ang rides at iba pa na pwede natin subukan." ang sabi ni Luiz.


"Hmm mabuti pa si Miki na pagdesisyunin natin." ang sabi ni Pokok.


"Hala bakit ako?" ang sabi kong gulat dahil di ko naman alam kung saan ba kami dapat pumunta na mag-e-enjoy din ang lahat.


"Ikaw na, kasi ikaw ang bago dito sa lugar kaya naman mas okay at least masusubukan natin yung gusto mo na gawin o rides na sakyan, tapos pag nagawa na natin yung gusto mo ikaw naman ang pipili ng susunod na pipili ng destinasyon natin." ang sabi ni Pokok na agad ko naman na naunawaan, nagustuhan ko din yung idea niya na iyon dahil at least lahat kami magagawa namin ang mga gusto namin.


"Ano Miki, may napili ka na ba?" ang biglang tanong ni Vito sa akin. Mula sa kinatatayuan namin ay sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa perya sa abot ng kaya kong makita para pumili ng una naming susubukan na gawin.


"Hmm eh kung try natin ang octopus ride na yon?" ang sabi ko ng makita ko yung octopus ride na mukhang may thrill dahil sa nadidinig ko na sigawan mula doon.


"Ano ba yan sis, umpisa pa lang gusto mo na may magsuka sa atin noh?" ang sabi ni Mariza na parang namutla ng malaman niya ang gusto ko subukan.


"Asus dapat sinabi mo na ikaw na iyon para naman aware kami kung sino tatabihan namin sa ride." ang pabirong sabi ni Luiz, dahil din don nalaman namin na hindi sanay sa ganoong klase ng rides si Mariza kaya naman napagkasunduan na lang namin na huwag na siyang sumakay at bumawi na lang sa next ride.


Nang magkasundo na ay agad na naming tinungo ang octopus ride, doon ay pumila kami sa ticket booth para magbayad, ang presyo ng ticket sa ride na iyon ay kinse pesos kaya sa tingin ko dapat na ding sulitin, sa ticket booth ay mas dinig ang malalakas na tili at sigawan ng mga nakasakay sa octopus ride at dahil doon ay mas na-excite ako na masubukan iyon. Nang makabayad na kami ay pumila naman kami sa pila ng mga taong sasakay habang si Mariza naman ay nasa isang tabi lang at panay sabi ng good luck.

Panget Mo!Where stories live. Discover now