SELFIE: 13

4.7K 229 13
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Nang matapos ang kuwentuhan at mga revelations ay napagpasiyahan namin na magpahinga na dahil nakaramdam na din kaming lahat ng antok. Lima lamang ang kakasiya sa loob ng tent kaya naman napagpasiyahan namin ni Pokok na kami na lamang ang matutulog sa labas gamit ang sleeping bags na dala namin. Pumwesto kami malapit sa bonfire upang kahit paano ay mainitan kami dahil noong mga sandaling iyon ay ramdam ko na ang lamig sa burol kahit suot ko pa ang paborito kong kerro-keropi jacket. Dahil na din sa nangyari sa paa ko ay si Pokok pa din ang nag-ayos sa tutulugan namin, nang maayos na ay inalalayan niya ako sa pagtayo papunta sa sleeping bags.

        “Hindi ka ba nilalamig?” ang tanong ko sa kanya dahil sa napansin ko na naka suot lamang siya ng t-shirt at manipis ang tela nito.

        “Ah hindi, sanay na ko. Okay lang ako huwag ka mag-alala.” ang sabi ni Pokok.

        “Puwede mo bang pakiabot sa akin yung bag ko? Yung kulay green.” ang pakiusap ko sa kanya at tumango siya, lumakad si Pokok papunta malapit sa tent kung saan namin inilagay yung mga bag namin. Pagbalik niya ay iniabot niya sa akin ang bag ko at aktong babalik na siya sa sleeping bag niya.

        “Sandali lang.” ang pigil ko sa kanya habang hinahalungkat ko yung gamit ko sa bag, “heto isuot mo to, para hindi ka lamigin.” ang sabi ko sabay abot sa kanya ng isa pang Kerro-keropi jacket.

        “Naku huwag na. Ayos na ako.” ang sabi ni Pokok bilang pagtanggi.

        “Isuot mo na to, huwag ka na ngang makulit, ayoko naman na magkasakit ka after nito no. Kaya kunin mo na huwag kang mag-alala kasiya sayo ito dahil malaki sa akin yung size nito, kaya ibibigay ko na din sayo ito.” ang sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin.

        “Pero...” ang sabi ni Pokok.

        “Sige na kunin mo na to, isipin mo na lang na regalo ko ito sayo bilang pasasalamat sa lahat, kung tutuusin kulang pa tong jacket na to.” ang sabi ko sa kanya.

        “Sige na nga, mananalo pa ba ako sa kakulitan mo.” ang sabi ni Pokok at kinuha niya ang jacket sa kamay ko at agad niya itong isinuot.

        “Eh di mas okay.” ang sabi ko at ngumit ako sa kanya. Inilagay ko sa isang tabi yung bag at nahig na at tumingin sa magandang kalangitan na punong puno ng bituin. At naramdaman ko na humiga na din si Pokok at nakatingin din siya sa langit.

        “Pasensiya ka na Pokok ha.” ang sabi ko at tumingin ako sa kanya.

        “Pasensiya para saan?” ang tanong ni Pokok sa akin at tumingin din siya sa akin.

        “Pasensiya kasi wala man lang ako nagawa para maging matagumpay yung plans natin, pasensiya kasi napsubo ka pa tuloy ng dahil sa akin.” ang sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

        “Ano ka ba wala kang kasalanan, ang totoo ako nga dapat ang humingi sayo ng pasensiya kung siguro hindi lang ako nanging torpe ay baka hindi umaabot sa ganito ang lahat. Pero alam mo wala pa din naman akong regrets, masaya pa din ako, ang totoo gumaan ang loob ko noong sinabi mo na tayo na.” ang sabi ni Pokok, nang madinig ko iyon ay para akong kinilig. Ibinaling muli ni Pokok ang tingin niya sa langit habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Panget Mo!Where stories live. Discover now