SELFIE: 08

6.1K 231 4
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Lumipas ang ilang araw at sumapit ang araw ng Linggo, sa mga lumipas na araw na iyon ay hindi ko maiwasan na bangungutin kahit na gising dahil bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko yung halimaw na lalaking si Pokok, kung pwede lang ireklamo ng trespassing ang mga taong pumapasok sa isip ko ng wala kong pahintulot ay sinabi ko na. Hindi ko maintindihan bakit siya ang naiisip ko sa tuwing kasama ko si Vito, pakiramdam ko tuloy ay naiilang na ako kay Vito sa mga ganoong pagkakataon.

        Noong umaga din ng Linggong iyon ay dumating sila Mommy at Daddy dala ang mga school documents na kailangan ko. Nang bumaba sila mula sa sasakyan ay sinalubong namin sila, hinagkan ko sila Mommy at Daddy pagbaba ng sasakyan, oo siguro nga teenager na ako pero I still feel comfortable pag nayayakap ko parents ko, I am not like the other teens na naiirita pag hinahagkan o kaya ay bini-baby ng parents nila, tiyaka alam naman ng parents ko when or where ako dapat baby-hin.

        “Magkakasabay na pala tayong mag-enroll bukas kung ganon.” ang sabi ni Vito sa akin na nakangiti ng makita niya ang mga school documents na hawak nila Mommy.

        “Oo Vito, sasabay na sayo sa pag-enroll itong si Miki, ikaw na ang bahala sa kanya bukas ha, medyo may pagkapasaway pa kasi yan.” ang sabi ni Mommy.

        “Mommy hindi kaya ako pasaway. Pero ano po bang school ang papasukan namin?” ang tanong ko sa kanila dahil sa ilang araw ko doon ay hindi ko pa alam yung pangalan ng school na papasukan ko, hindi ko nga alam kung kilala o puchu puchu na school lang siya.

        “Colegio de San Isidro, ang name ng school na papasukan niyo. Pribadong kolehiyo iyon dito, sa bayan siya makikita.” ang sabi ni Lola Veron.

        “Colegio de San Isidro? Never heard of it Lola, is that even existing?” ang tanong ko kay Lola.

        “Ito talagang apo ko, doon kaya nagtapos ang Mommy mo, kaya naman siguradong magugustuhan mo doon. Maraming tagarito ang gusto makapasok sa eskwelahang iyon, kasi nga isa siya sa mga kilalang eskwelahan dito at maganda din ang pasilidad na maihahalintulad na sa mga eskwelahan sa Manila.” ang sabi ni Lola Veron.

        “Tama ang Lola mo Miki, tiyaka bukod don maganda din ang quality ng education at pagtuturo don pero hindi mahal ang tuition.” ang sabi ni Mommy. Now I know bakit talaga nila ako gustong ipasok doon, para makatipid, itong mga parents ko medyo may pagkakuripot ding tinataglay eh, pero okay lang kung hindi ko naman magustuhan doon ay pwede naman na akong magreklamo at sila na din naman ang magbabalik sa akin sa Manila.

        Sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay para sabay sabay na din kaming mag-almusal. Noong umagang iyon ay naging maingay ang hapag dahil sa kuwentuhan nila Lola, Mommy, Daddy, at maging nila Yaya Simang, Yaya Milagros, at Mang Ricardo na kasabay din namin sa pagkain.

        Kinabukasan araw ng Lunes ay dumating din ang pinsan kong si Mariza at Luiz na parehong mag-e-enroll din sa parehong eskwelahan, kinausap din pala sila ni Vito para sumabay sa amin. Ano ba yan akala ko pa naman ako lang at si Vito ang magkakasama today hay naku may pagka KJ din pala tong si Vito.

Panget Mo!Where stories live. Discover now