SELFIE: 11

5.2K 227 11
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Simula noong gabing magkita kami ni Pokok sa may batis at magkasundo kami na magtutulungan para magkagusto sa amin ang taong gusto namin ay naging madalas ang pagkikita namin. Sa madalas na pagkikita namin ay madalas din na kasama sila Vito, Jayson, Minyong, Luiz at Mariza, pero may mga sandali na kami ni Pokok ang magkausap para sa mga magiging plano. Nandiyan yung mag-pi-picnic sa batis, mag-hiking, mamitas ng mangga at ng kung ano-ano pang prutas sa kabukiran. Naging malapit ang bawat isa sa amin, ang dating tahimik na si Jayson ay naging madaldal na din dahil marahil sa palagay na siya sa amin.

        Sa mga araw na nagdaan ay nagawa naming mapalapit kila Vito at Jayson, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin namin magawang paglayuin ang dalawa. Para silang magnet na naghihilahan, kung nasaan si Vito ay nandoon si Jayson at kung nasaan naman si Jayson ay nandoon si Vito, nauubusan na din kami ng idea kung paano kami mapapalapit lalo sa taong gusto namin habang mapaglalayo naman namin sila Vito at Jayson.

        Araw ng Sabado, ay napagkasunduan namin na magbisikleta ng sama-sama upang gumala at libutin ang buong lugar namin, nakakainis naman bakit ito pa ang napagkasunduan eh hindi naman ako sanay mag bisikleta. Pero kung para kay Vito ay gagawin ko kahit na magmukhang tanga ako. Kinuha na ni Vito ang bisikleta niya para ilabas habang ako ay pinahiram ng isa sa mga pinsan ko, dahil hindi pa sanay si Mariza ay inangkas na lamang siya ni Luiz. Nang ready na ang lahat ay sumakay nagsimula na magbisikleta sila Vito papunta kila Pokok pero ako hindi, naglakad ako at tila inakay ko lang ang bisikleta. Mayamaya ay huminto sila Vito at tinanaw ako.

        “Oh bakit hindi ka pa sumakay ng bike?” ang tanong ni Vito nang makalapit ako sa kanila.

        “Ah wala pa kasi ako sa mood mag-bike, kailangan kasi nasa mood ako para maganda ang takbo ko, kaya parang warm-up ko na lang to.” ang sabi ko bilang palusot.

        “May ganon talaga sis?” ang sabi naman ni Mariza na mukhang nakahalata na hindi ako sanay mag-bike. Tumingin ako sa kanya at ngumiti na nagsasabing wag niya akong ibuko at mukhang na-gets naman niya.

        “Oo ganon talaga, di ba sa lahat naman ng exercise dapat may warm-up muna?” ang sabi ko naman.

        “Sabagay tama ka.” ang pagsang-ayon ni Vito.

        “Eh pano yan, eh di babagalan na lang namin ang pagba-bike para makasabay ka insan?” ang tanong ni Luiz.

        “Naku wag na okay lang naman na mauna na kayo dun, baka kasi naghihintay na sila.” ang sabi ko.

        “Ay oo nga dapat mauna na lang kayo, sasamahan ko na lang sa paglalakad si Miki, doon na lang tayo kila Pokok magkita-kita.” ang sbai ni Mariza at bumaba siya sa pagkakaangkas sa bike ni Luiz.

        “Sigurado kayong dalawa?” ang tanong ni Luiz.

        “Oo naman, wag kang mag-alala ako na bahala dito kay Miki, ang pangit naman kasi kung hahayaan nating mag-isa si Miki na naglalakad.” ang sabi ni Mariza.

Panget Mo!Where stories live. Discover now