SELFIE: 24

3.8K 187 25
                                    

MIKI'S POINT OF VIEW:


Nang makababa ako sa burol ay naisipan kong dumaan sa may batis, nagbakasakali ako na baka nandoon si Pokok, baka sakali na nag-iisip siya doon, ang totoo ay gusto ko na siyang makausap, gusto ko na magkaayos na kami. Tahimik ako na naglakad sa masukal na daan patungo sa batis, umaasa na makikita ko si Pokok doon at agad akong yayakapin sa oras na makita niya ako, pero lahat ng iniisip ko ay bigla na lang nawala dahil sa wala akong nakitang Pokok sa batis, napabuntong hininga na lamang ako at sandaling naupo sa damuhan kung saan niya ako inihiga noong unang beses namin magkita. Pinagmasdan ko lamang ang malinaw na batis, pansamantalang ninamnam ang kapayapaan sa paligid, ang huni ng ibon, ang lagaslas ng mga dahon sa puno, ang pah-ihip ng hangin na dumadampi sa akin, isa na lang ang kulang, si Pokok na lang at perfect moment na pero hindi eh wala kasi siya.


Tumayo ako sa kinauupuan ko nang makaramdam na ako ng pagkainip, sa pag-alis ko sa batis ay bumalik sa akin ang lungkot. Muli ay tahimik akong naglakad pabalik ng bahay, naisip ko na siguro ay palipasin ko muna ang araw na ito at pag talagang handa na ako na makausap si Pokok ay kahit ako na ang pumunta sa kanya ay gagawin ko pero sa ngayon ay alam ko na hindi pa ako ganon kahanda, alam ko na may bahagi ko pa ang hindi maniniwala sa kanya.


Noong naglalakad na ako at malapit na ako sa bahay ni Lola Veron ay agad kong natanaw si Vito, madumi ang suot nitong damit kaya naman agad ko itong nilapitan at nagulat ako ng makita ko na may sugat siya sa labi at pasa malapit dito at may gasgas din siya sa kanyang braso.


"Anong nangyari sayo?" ang tanong ko sa kanya na hindi ko na naiwasang mag-alala.


"Ah ito ba? Wala ito wag mo na lamang itong pansinin." ang sabi ni Vito sa akin.


"Anong wag pansinin eh kapag nakita yan ni Lola tiyak din naman na tatanong sayo kung ano ang nangyari sayo. Sumagot ka Vito ano ang nangyari?" ang tanong ko ulit, tumingin sa akin saglit si Vito at ganon din ako sa kanya.


"Gawa to ni Pokok." ang sabi ni Vito na walang pag-aalinlangan.


"A-a-ano gawa yan ni Pokok? Teka bakit naman niya gagawin sayo yan?" ang tanong ko sa kanya.


"Di ko din alam kung bakit pero, pinuntahan ko siya para sana kausapin siya para maayos na ang nangyari sa inyo kaso bigla na lang niya akong sinuntok, marahil ay nagseselos siya sa akin, tinanong ko siya kung mahal ka ba niya talaga, ang sabi niya ay ginamit ka lang niya talaga, kinailangan lang daw talaga na mapaniwala ka niya na mahal ka din niya para mas magselos si Jayson, kaya ayon hindi ko na din napigilan ang sarili ko at gumanti na ako sa kanya ng suntok." ang paglalahad ng kwento ni Vito sa akin, nang marinig ko iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, kung ganoon pala ay ginamit lang pala talaga ako ni Pokok, kung ganoon pala ay hindi talaga totoo ang lahat ng mga sinabi niya sa akin lalo na yung mahal niya ako.


"Dito ka lang kakausapin ko lang yang manloloko na yan." ang sabi ko kay Vito na halos mangiyak ngiyak na ako sa galit na naramdaman ko pero bago pa ako makaalis ay pinigilan na niya ako.


"Huwag na Miki, okay na ako na ang kumompronta sa kanya, ayoko na masaktan ka pa ng dahil lang sa kanya, please MIki, tama na, huwag mo na hayaang masaktan ka ng dahil sa kanya." ang sabi ni Vito at nang makita ko muli ang mga tinamo niyang sugat ay bahagya akong kumalma.

Panget Mo!Where stories live. Discover now