SELFIE: 03

7.2K 241 5
                                    

POKOK’S POINT OF VIEW:

        Alas dose na ng madaling araw mabilis akong umalis sa batis kung saan ay naisipan kong maligo, pero may isang tao na mukhang hindi taga dito sa lugar namin ang naisipan ding maligo kaya naman wala na akong nagawa kundi magtago sa ilalim ng tubig pero di ko inasahan na magtatagal siya doon kaya naman hindi ko na napigilan ang paghinga ko at naisipan ko na sana umahon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay mukhang nabigla naman siya, kaya naman panay ang sigaw kaya wala na ko nagawa kung hindi ang halikan ito para tumahimik. Habang magkalapat ang aming labi at yapos yapos ko siya ay tila kumalma siya pero bumitaw ako sa paghalik ko sa kanya ay wala na itong malay, marahil ay dahil sa sobrang pagkababad sa malamig na tubig ng batis, kaya naman binuhat ko siya at hiniga ko siya sa may damuhan kung saan ko napansin ang mga damit niya at sinuot ko ito sa kanya. Nang matapos ko siya bihisan ay nagbihis na din ako at nilisan ko ang lugar dahil baka mag-panic pa ito pag nakita na naman ako.

        Ako nga pala si Poncius Cruz o mas kilala na Pokok sa bahay namin at malalapit kong kaibigan. Naglalakad na ako pauwi ng bahay namin noon habang sapo ko ang dalawang pisngi ko sa sobrang sakit dahil sa napakadaming sampal na tumama sa mukha ko mula doon sa lalaki sa batis kanina, akala ko nga ay matatanggal na yung mukha ko sa lakas ng mga sampal niya sa akin. Sa kulay pa lang ng balat niya ay tiyak na hindi siya taga dito, marahil bakasiyonista siya at bumibisita sa isang kamag-anak dito at naisipang maglibot sa lugar namin, pero bakit naman kasi sa dami ng pwede puntahan ay doon pa, hindi ko tuloy ako nakapagbabad sa batis ng mabuti tulad ng lagi kong ginagawa.

        Malapit na ako sa bahay namin nang mapansin ko na nakaupo sa labas ng bahay nila si Jayson, kapitbahay namin, noong Mayo lang ng nakaraang taon sila lumipat dito sa lugar namin mula sa kabilang bayan at halos katabi nga lang nila ang bahay at bakuran namin. Mabait at palakaibigan ang mga magulang ni Jayson na naging kaibigan na ng mga magulang ko, pero itong si Jayson ay bihira kong makitang lumabas ng bahay o di kaya ay makipag-usap sa mga kaedaran namin, oo alam ko na kaedad ko siya at katulad ko nasa unang taon na din siya sa kolehiyo pagpasok dahil nakuwento na siya ng magulang niya minsan sa magulang ko. Gusto ko siyang kaibiganin pero parang isang ibong ilang si Jayson, masiyadong mailap, at tahimik.

        Napahinto ako sa paglalakad ko para sana lapitan si Jayson, pero noong lalapit na ako ay napansin niya yata ako kaya naman bigla siyang pumasok. Ano bang akala ng mga tao dito sa akin halimaw na gumagala? Hay naku. Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad at tinungo ko na ang aming bakuran para makapasok sa bahay.

        “Mukhang galing ka na naman sa batis ah.” ang sabi ng boses ng isang lalaki mula sa aking likuran noong papasok na ako sana sa aming bakuran.

        “Oh ikaw pala Minyon.” ang sabi ko ng lingunin ko ang nagsalita. Si Minyong ang masasabi kong matalik kong kaibigan dito sa lugar namin, since grade one ay magkaklase na kami at madalas na magkasama at magkasundo sa lahat ng bagay.

        “Sino pa ba? May inaasahan ka pa bang iba?” ang tanong sa akin ni Minyong na nakangisi pa.

        “Sira ka talaga sino naman ang hihintayin ko? Nakakapagtaka lang na ang aga mo mangapitbahay yata.” ang sabi ko bilang tugon sa kanya.

        “Naku Pokok, best friend mo ko alam ko na may inaasahan kang iba na gusto mong kumausap at bumati sa’yo. Para namang hindi natin kilala ang isa’t isa.” ang sabi ni Minyong.

Panget Mo!Where stories live. Discover now