SELFIE: 10

5.5K 231 8
                                    

POKOK’S POINT OF VIEW:

        Gabi na ng makauwi kami galing sa bayan at pag-e-enroll. Halos sabay kaming umuwi nila Miki pero dahil bago makarating sa amin ay dadaanan muna ang sa kanila ay sila ang unang nakauwi. Sakay kami ng tricycle nila Minyong kaya naman hindi na din namin problema ang pamasahe. Ibinaba namin ni Minyong si Jayson sa tapat ng bahay nila, ang totoo hindi ako naging masaya sa buong maghapon na iyon, dahil sa buong maghapon ay kasama nga namin si Jayson eh puro si Vito naman ang kausap nito at kasama namin. Hindi ko din kinikibo si Jayson hanggang sa makababa kami, alam ko naman na wala akong karapatan na magalit, magtampo, o magselos sa kanila ni Vito dahil una hindi kami ni Jayson. Ikalawa, alam kong hinding hindi ako magugustuhan ni Jayson. Pero ano ba ang dapat kong gawin eh sa hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko eh, kung si Miki nga ramdam ko na nagseselos siya, sa tingin ko kasi ay gusto niya si Vito.

        Nang makababa si Jayson ay nagpasalamat ito sa amin at tinugon ko lamang ito ng isang tango at pagkatapos ay nagpaalam na siya. Bababa na sana din ako sa tricycle dahil kaunting lakad lang naman ay nasa amin na ako pero itong si Minyong ay pinigilan ako kaya naman di na ko bumaba. Pinaandar ni Minyong ang tricycle at diniretso ito sa isa pang parte sa lugar namin kung saan kami madalas tumambay ni Minyong, sa tabing bukid. Pagdating doon ay ipinarada ni Minyong ang tricycle nila sa isang tabi, pagkatapos ay sabay kaming halos bumaba at naupo sa may damuhan. Pinagmasdan ko ang magandang kalangitan noong gabing iyon.

        “Mukhang wala ka sa wisyo buong maghapon ah.” ang sabi ni Minyong.

        “Ah iyon ba wag mo nang alalahanin pa yon, bakit ba tayo nagpunta dito?” ang sabi ko.

        “Sus kunwari ka pang hindi mo alam kung bakit kita dinala dito. Natural para makapagpahangin ka, alam ko na kanina ka pa nag-aalburoto dahil kay Jayson at Vito. Hindi ko lang pinupuna dahil may iba tayong mga kasama.” ang sabi ni Minyong sa akin, at tama naman siya sa sinabi niyang iyon.

        “Bakit kasi ganon Minyong, bakit parang sila Jayson at Vito ang lapit agad sa isa’t isa habang kami parang halos hindi magkasama kanina.” ang sabi ko.

        “Sabi na nga ba at nagseselos ka talaga. Alam mo siguro palakaibigan lang talaga si Vito kaya ganoon, ikaw kasi masiyado kang torpe yan tuloy nauunahan ka ng ibang tao sa mga gusto mo. Tiyaka ikaw din kasi bakit hindi mo sundin payo ko, ayusin mo yang sarili mo.” ang sabi naman ni Minyong at napabuntong hininga lang ako.

        “Bakit ganon na ba talaga kahalaga ngayon ang itsura, kung hindi ka maganda sa paningin ng ibang tao ay hindi ka na mapapansin, mawawalan ka na ng halaga? Ganon na din ba ang basehan ngayon sa pagpili ng kaibigan o mamahalin, mukha mukha na lang? Alam mo Minyong ayokong mahalin o magustuhan ako ng isang tao dahil sa itsura ko, dahil alam ko na sa oras na may magbago sa itsura ko at di na niya magustuhan yung pagbabagong iyon ay malaki ang posibilidad na iwan ako ng taong iyon, ang gusto ko ay magustuhan o mahalin ako ng tao sa kung ano ako.” ang sabi ko at nagbuntong hininga ulit at tumitig lang sa kalangitan, kasabay nun ay ang pagihip ng malamig na hangin.

        “Hindi naman siguro lahat ng tao nasa itsura na ang basehan, meron pa sigurong puso ang tinitignan, pero kailangan nating tanggapin na mapanghusga ang tao sa kung ano ang nakikita nila at palaging yung masama sa isang tao ang nakikita at hindi ang kabutihan nito.” ang sabi naman ni Minyong.

Panget Mo!Where stories live. Discover now