SELFIE: 09

4.9K 222 6
                                    

MIKI’S POINT OF VIEW:

        Sa malapit na McDonald kami kumain, pagpasok na pagpasok pa lang namin ay agad na kaming humanap ng mauupuan namin. Medyo madami ang tao noon kaya nahirapan pa kaming humanap ng magiging puwesto namin. Sa gawing dulo malapit sa play area kami nakahanap ng puwesto. Pinagdugtong na lamang namin ang dalawang table para magkasiya kami.

        Si Vito na ang siyang kumuha ng order namin pero ang nakakaselos ay sa halip na ako na lang o si Luiz o kahit na si Mariza ang yayain ni Vito upang tulungan siya sa orders ay si Jayson ang niyaya niya. Hindi ko tuloy maiwasan na maimbyerna kay Jayson, pakiramdam ko ay inaagawan niya ako kay Vito, oh my gulay hindi pwede to. Nang makuha na ang order namin ay sabay na umalis sila Vito at Jayson para pumila, kami naman ay naupo na, katapat ko sa upuan ko ay si Pokok na halatang nawawala na din sa mood, katabi naman niya ay si Minyon na kausap si Luiz at si Mariza na katabi ko.

        “Mukhang close agad sila Jayson at Vito ah.” ang biglang sabi ni Minyong na parang pinaparinggan si Pokok.

        “Ay oo nga napansin ko din yon, parang nakuha agad ni Vito ang loob ni Jayson.” ang sabad naman ni Mariza na parang ako naman ang pinaparinggan.

        “Hindi kaya!” ang sabay naming sabi ni Pokok at napatingin silang tatlo sa amin.

        “Oh bakit parang defensive kayong dalawa diyan?” ang sabi ni Luiz.

        “Ah wala naman, di ba close naman kasi tayong lahat, dapat hindi tayo mag-isip ng masama sa kanila.” ang sabi ko bilang pagpapalusot.

        “Ah tama, tama si Miki.” ang sabi naman ni Pokok bilang pagsuporta sa sinabi ko.

        “Weh, talaga lang ha. Pero Hindi naman kami nag-iisip ng masama ah, ang sabi lang ay close sila.” ang sabi ni Mariza.

        “Tama kayong dalawa ha, apektado kayong masiyado. Siguro may something kayong tinatago no?” ang sabi ni Luiz, hindi ko alam na tsismoso din pala tong pinsan kong to.

        “Wala ha, baka si Miki meron.” ang sabi ni Pokok.

        “Wow ha ako talaga eh ikaw nga tong hindi maipinta ang mukha, ay hindi naman pala talaga maipipinta yang mukha mo at hindi kapinta pinta.” ang sabi ko bilang pang-aasar sa kanya.

        “Kaya pala nahuli kitang nakatitig sa akin kanina.” ang sabi ni Pokok.

        “Hoy wag kang assuming, hindi kita tinititigan kanina no.” ang sabi ko.

        “Oh bakit ka defensive? Asus kunwari ka pa sabihin mo crush mo ko.” ang sabi ni Pokok.

        “Nek-nek mo, eew kadiri ka ha, ikaw magiging crush ko eh kung ihampas ko kaya sayo tomng table.” ang sabi ko sa kanya at biglang nagtawanan ang tatlo at napatingin kami sa kanila.

Panget Mo!Where stories live. Discover now